Chapter 19

75 0 0
                                    

Chapter 19

Selos

Hindi pa ako umuuwi dahil niyaya akong kumain ng lunch ni Jairah..

Tumanggi ako dahil naiilang ako na kakain kaming dalawa sa labas na hindi kasama ang mga pinsan niya o kahit si Zarrah manlang.

Baka kung anong isipin ng mga makaka kita but I need this.

Good thing, napapa dalas na ang pag sakay ko sa kotse niya at ang pag kakaroon namin ng moment na kaming dalawa lang.

I'm getting closer to my goal. Kaya ko parin kayang tuparin 'yon?

One of my goal is to bring Jairah closer to my life and make him and his brother fall inlove with me, bring them chaos and break their hearts, so I must do this.

Wala akong kotse at hindi ko ibibili ang sarili ko galing sa pera ng iba.

May naging kliyente akong reregaluhan sana ako ng isa pero tinanggihan ko.

Ang kapal naman ng mukha kong tanggapin pa 'yon kaya binigyan nalang niya ako ng pera na pinang dagdag bayad ko sa mga utang ni mommy.

"I didn't know that you came from that foundation."

"Niligtas nila ako."

Nasa garden style restaurant kami. Maganda dito at tahimik. Mabango din ang paligid at hindi madaming tao.

"Right. From child trafficking.." Nag iwas siya ng tingin.

"Andreus Maxi na pala ang pangalan mo."

Pag iiba ko ng usapan.

I saw him smiled again.

Gusto ko siyang picturan para makita niya na bagay sakaniya ang naka ngiti

"Hindi lang ako proud na isa akong Maximilliano. Gusto kong pag hirapan ang lahat ng meron ako ng walang tulong ni dad."

Kaya ba siya nag doctor? At hindi tinanggap ang position sa kumpanya nila?

"Ikaw? Bakit mo sinabi sa speech mo na malapit sa puso ang foundation?"


Nag kibit balikat siya at kinawayan ang waiter. Matagal bago niya sinagot ang tanong ko.

"Personal matters."

Maikli niyang sagot.

Gaano ba  kapersonal at hindi ko pwede malaman?

"Here's your order Dr. Jairah"

Lagi yata siyang nandito at kilalang kilala na siya?

Inilapag ng waiter ang dalawang medium rare steak na may asparagus bilang topping.

Si Jairah ang pumili dahil ayaw niyang pumayag na salad lang ang kakainin ko.

Hinayaan ko na siya sa gusto niya dahil ayokong makarinig ng pag susungit niya kahit ngayong araw lang.

"Ang dami nito. Baka hindi ko maubos."

Hindi niya ako pinansin.

Tinitignan ko palang ang nasa plato ay nabubusog na ako.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon