Chapter 10

87 1 0
                                    

Chapter 10

Abs

"May ganito pala rito sa Japan! Parang pinag samang Boracay at Palawan!"

Halos tumili na siyang sabihin iyon, hawak ang cellphone niyang nakikipag selfie kanila Klein.

Sinamahan din nila itong mag ikot sa beach resort na ito.

Habang ako ay abala sa pag hahanap ng swim suit na gagamitin namin ni Zarrah.

Paano biglaan kasing nag aya si Alonso na pumunta rito sa Okinawa.

Hindi ko alam na dito ang daong ng private yacht na sinasakyan namin kanina akala ko'y mag kakaroon lang kami ng dinner party para sa birthday ni Alonso, turned out sa Okinawa pala ang destinasyon namin.

Wala akong memorya na masaya rito sa lugar na ito, dito ako madalas dinadala ng mga nagiging kliyente kong hapon.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?"

Nagulat ako sa biglang pag salita ni Alonso sa tabi ko.

He said that he'll accompany me dahil bibili rin daw ito ng board shorts niya.

"May naalala lang."

Sinulyapan ko ulit si Zarrah sa labas ng boutique na ito kasama si Klein at ang inip na inip ng si Jairah, he's wearing a black wayfarer sun glass which made him look more intimidating.

Napaka daldal talaga ni Zarrah mukhang ang dami na nilang napag kuwentuhan ni Klein.

"Mukhang lagi ka yatang andito?" Nag taas siya ng kilay.

"Minsan..kapag may business trip."

Nag isip pa ako kung tama ba ang sinabi ko.

Business trip naman talaga ang tawag roon dahil trabaho ko naman talaga iyon kasama ang kliyente ko.

Tumango siya saakin at sinabing ngayon nalang raw siya ulit naka punta rito dahil sa pag ka busy niya sa trabaho.

I wonder kung anong trabaho niya?

Sigurado akong may sariling business rin siya o di kaya'y isang bilyonaryo rin dahil kilalang kilala ang pamilya nilang mag pipinsan bilang elitista at business tycoons.

Kinuha ko ang isang yellow ruffled bikini para kay Zarrah at red high wasted bikini naman ang saakin.

"Tapos na ba kayo bumili? Naiinip na si Jairah duon." Si Zarrah na pumasok ng boutique.

Tinignan ko ulit ang itsura ni Jairah duon at di napigilang ngumiti.

How do you deal with a man like him?

High-maintenanced, fiery head, at maiksing pasensiya. Kaya rin siguro wala siyang girlfriend.

Hindi siguro kakayanin na mag keep up sakanya.

"Oo. Huwag mo ng sukatin, sigurado naman akong kasiya ito sayo. Mag ka size lang tayo e."

Pinakita ko pa ang mga napili ko, okay na raw iyon at excited na siyang mag swimming.

"Tara, bilisan na natin at baka palayasin niya tayo rito sa resort niya."

Ani Alonso na papunta na sa counter hawak ang napili niyang board shorts.

"Resort niya?"

Tanong ng chismosa kong best friend.

Hindi na ako mag tataka kung sakaniya nga itong resort.

Baka nga pati ang yacht na ginamit namin ay sakaniya rin.

"Regalo 'to ni Tito Antonio."

I suddenly remembered Antonio's evil face.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon