Chapter 26

76 2 0
                                    

Chapter 26

Temp

Naka uniporme pa ng pulis si Zarrah habang tinitignan ang temperature ko.

Dumaan lang siya saglit dahil may pupuntahan pa siyang off campus duty for 1 week na pupwede daw tumagal hanggang isang buwan sa probinsiya ng Monte Cristo.

"Ang taas ng lagnat mo, gaga ka."

Naramdaman ko ang pang hihina at sakit ng katawan.

Yakap ko din ang unan at naka balot ang buong katawan ko ng kumot.

Hinang hina talaga ako.

"Okay lang ako. Baka iwan ka na ng mga kasamahan mo."

Bigla nalang ito tumawa.

Napa dilat ako sa reaksyon niyang 'yon. May katext din ata siya sa kanyang cellphone dahil nilingon niya din ako.

"Grabeng daks naman pala yan si Jai! Nilagnat ka bigla!"

Natawa nadin ako sa sinabi niya.

Ngayon lang ako nilagnat ng ganito, hindi ko nga alam kung normal lang bang lagnatin pag katapos makipag sex dahil hindi naman ito nangyayari saakin nuon.

Ngayon lang talaga.

Ang kapal din naman kasi ng mukha kong pumangatlo pa sakaniya.

Ito tuloy ang napala ko.

Naalala ko tuloy ang mga bagay na ginawa namin. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"Baka napagod lang ako."

"Ay hindi ka pa sure? Hindi lang yata isang beses ang ginawa niyo."

Ngumiti ako at pumikit muli. Tinakpan ko ang mukha ko nang makita ng ng bestfriend ko. reaksyon ko.

"Bruha ka! Naka ilan kayo? Ang landi nitong dalawang 'to!"

Hindi na ako sumagot duon.

I'm so lucky to have a bestfriend na sinusuportahan lahat ng kalandian ko.

Sinubukan kong mag unat kasabay ng pag hikab.

Ang sakit parin talaga ng katawan ko.

"Pumunta ka na sa pupuntahan mo. Ingat ka dun!"

"Ay—andiyan ka na pala."

Nung sinabi niya 'yon napa isip agad ako kung sinong kausap niya hanggang sa narinig ko ang boses ni Jairah!

"Anong ginagawa mo dito?"

Nang hihina kong sabi.

Backpack ang dala nito at naka suot ng salamin, mukhang kakagaling niya lang sa ospital.

Tinignan lang ako nito.

"Ayan, nilagnat. Ewan ko ba diyan kung bat nilagnat 'yan, kung anu-ano kasing ginagawa."

"Zarrah!"

Saway ko dahil baka kung ano pang masabi niya kay Jai.

"Kakagaling mo lang sa trabaho?"

Tanong muli niya kay Jai na binababa na ang dalang bag ngayon.

Tumango naman sakaniya ito bilang sagot.

"Oh, siya. Una na ako. Pinainom ko na siya ng biogesic.. Kayo na ba?"

Nanlaki ang mata ko sa biglang singit na tanong.

Napa upo ako sa tanong niya.

Hindi naman kami no!

"Yes."

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon