Chapter 20

75 2 0
                                    

Chapter 20

Reveal

"Kailangan talaga ihahatid ka pa niya dito?"

Taas kilay na sinabi ng best friend ko habang nag bibihis ng silver satin long gown niya.

Lalo siyang nag mukhang model sa suot niya.

"Ang kulit niya kasi, sabi ko na ngang mag bobook nalang ako ng grab."

Nag shower ako ng mabilisan at nag bihis na rin.

Simple lang ang suot ko, white ruffled mini dress and a pair of sequence shoes kaya kumikinang ito.

Nakita kong nag sisimula naring mag make up si Zarrah sa harap ng salamin.

"Umiyak ka ba?"

Mugto kasi ang mata nito.

Di kaya nag away sila ni Alonso?

Ano namang dahilan?

"Ako iiyak?"

Tanong niyang pabalik while she's putting some lipgloss on her lips at itinali ng ponytail ang kaniyang buhok.

Bagay ito sakaniya, sana ganoon rin ang noo ko hindi katulad ng saakin na malaki kaya kinakailangan ko pang mag bangs para matakpan ito.

Hindi na ako nag paayos pa kay Zarrah nung nasa apartment kami dahil ramdam kong wala siya sa normal niyang mood kahit inaya niya akong ayusan.

Ako nalang ang nag ayos sa sarili ko, pulang lipstick, rosy blush on at powdered brows ang ginawa ko dahil makapal narin naman na ang kilay ko.

"Lagyan kita ng eyeliner?"

"Huwag na siguro."

Tumingin pa ulit ako sa salamin.

Okay lang naman ang itsura ko, mas simple yata akong tignan ng walang eyeliner?

Halos araw-araw rin kasi akong may suot nito.

"Ang simple mong tignan! Andiyan yung mag kapatid ngayon!"

Sinuway ko agad siya dahil may iilan na pumapasok sa cr ng grand ballroom house na ito.

"Ang ingay mo talaga. Hindi pumupunta si Jairah sa mga family events nila"

"Andiyan nga! Nakita ko si Jai naka puting necktie pa nga. Nag usap ba kayo ng kulay na susuotin? Pareho kayong naka puti."

Naalala ko lang na tinanong niya ako kung anong kulay ang susuotin ko.. sabi niya din saakin na hindi siya pupunta!

Sabi rin ni Jarell na hindi pumupunta ang kuya niya sa family gathering nila.

Bakit siya andito ngayon?

"Hindi no! Bakit naman kami mag papareho ng suot?"

"Aba malay ko sainyong dalawa. Kamusta naman performance niya sa kama, magaling ba?"

Humahagikgik niyang tanong sa akin.

Tinakpan ko agad ang bibig nito dahil baka may makarinig.

"Hindi!"

"Hindi? Hindi siya magaling? Jutay siya?"

Naka ngangang sabi nito saakin, ako ang nahiya sa sinabi niya.

What do I know about his dick size?

I just shook my head. Gusto ko na talagang sabunutan siya.

"Bakit kami mag sesex?!"

"Walang nangyari sa apartment nung pinag bantay ko siya sayo? Maniwala ako?"

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon