Chapter 42

45 1 0
                                    

Chapter 42
Wedding ring

Nagising ako sa mabigat na brasong naka dagan sa dibdib ko.

Nakita ko si Jairah na natutulog pa at nakayakap sa buong katawan ko.

Ang gwapo niya kahit naka pikit.. ang kapal ng pilik mata niya at ang cute kahit sabog sabog ang kilay! ang sarap niyang tadtarin ng halik!

Hanggang ngayon surpresa parin saakin na kasal na kami..

Araw araw yata akong kikiligin sa twing makikita ko ang enggagement at wedding ring sa daliri ko.

Gumalaw siya ng kaunti.

Kahit nilalamig na ako sa pag dampi ng aircon sa hubad kong katawan na natatabunan ng manipis na kumot ay okay lang dahil sa mainit na pag kakayakap ni Jairah.

Ayoko ring magising siya dahil napuyat siya sa pag asikaso ng pasiyente niya through online.

Ganoon pala ang doctor, kahit naka vacation leave, tumatanggap parin ng mga pasiyente at tumutulong sa lahat ng pwedeng paraan.

Bilib ako sa lahat ng dedikasyon na ibinibigay nila sa tao.

"Morning, wife"

inaantok na sabi nito.

Bakit ako kinilig sa boses niya lalong lalo na sa sinabi niyang wife!?

Naka yakap parin siya saakin.

Nasa dibdib ko ang ulo niya at pumipikit pikit pa ito inaantok pa yata?

"Goodmorning."

Nahihiyang sabi ko.

Hindi pa ako nakakapag toothbrush pero confident naman akong hindi mabaho ang hininga..

Inabot na niya ang pisngi ko at hinalikan ang labi ko.

Jairah is a kiss-addict, as in!

Paulit ulit niya akong hinahalikan oras oras, minuminuto kung kailan niya trip!

Pero okay lang naman, hindi naman ako nag rereklamo.. adik narin talaga ako sa halik niya.

Okay lang kaya 'yon?

Bumaba ang halik niya hanggang leeg ko at dibdib ko.

Unti unti din siyang pumasok sa loob ng kumot ko.

Naramdaman ko nalang ang bawat taimtim niyang halik sa mga parte ng katawan ko partikular na sa tiyan ko..

Tinanggal ko ang pag kakaharang ng kumot para makita siya.

Tanging ibaba ko nalang ang nahaharangan ng natitirang kumot kung nasaan si Jairah.

"My baby, do you know that love you?"

Aniya sa tiyan ko na parang may makakarinig sakaniya duon.

Hinalikan niya pa ulit ito.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinag mamasdan siya

Hindi alam ng baby na ito kung gaano siya kaswerte sa daddy niya.. ngayong palang, sobra sobra na ang pag mamahal na pinapakita at pinaparamdam niya para sa baby na ito. Paano pa kaya pag lumabas na siya?

"Our baby loves you so much too."

Sabi ko ng mahina habang hinahaplos at sinusuklayan ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Sanay naman talaga akong mag hubad sa harap ng mga kliyente ko kaya hindi na ako nahihiyang mag hubad kay Jairah..pinaparamdam niya din kasi parati saakin na ang katawan ko ay isang sagradong lugar na para sakaniya lang.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon