Chapter 23

80 1 0
                                    

Chapter 23
Bed

I made a promise to myself that I will never drink again pero nakipag inuman nanaman ako sakanila.

Sobrang sakit ng ulo ko!

Umiikot pa ang paningin ko.

Binuksan ko ang pinto sa VIP room na pinagamit saamin ni Jarell.

Gusto ko na humiga.

Matutumba na ako.

Nag lakad ako papunta sa loob, kinapa ko pa sa pader ang switch ng ilaw pero wala akong mahanap kaya ika-ika akong nag lakad patungo sa kama.

"Ouch!"

Natabig pa sa palikong lamesa ang hinliliit na daliri ko sa paa.

Napaka sakit!

Napa upo ako sa sahig kahit na wala akong makita at iniyakan ito.

Nasan na ba kasi yung kama?

Nag simula akong gumapang sa sahig.

Ang lamig ng kwarto parang kanina pa nakabukas yung aircon.

"Czarina!"

Sigaw ko habang tinutulungan ang sarili kong umakyat sa malambot na kama.

Dahan dahan akong lumuhod pag katapos ay humiga na sa kama.

May natamaan pa ang kamay ko na kung anong matigas nung nag unat ako.

"What the fuck!"

Matigas na ingles ang narinig ko. Hanggang sa guni-guni ko ba naman maririnig ko parin ang boses ni Jairah?

"Hoy, Czarina bakit amoy Jairah ka?"

Pinilit ko muling idilat ang naniningkit ko ng mata para tignan si Zarrah.

Tulog na ata siya dahil hindi na siya sumagot.

"May kasalanan ako sayo.."

Naramdaman ko nalang ang pag patak ng luha ko sa pisngi ko at pinunasan ito.

Parang tanga!

Bakit ako umiiyak!


"Naiinlove na yata ako kay Jairah.. Gabi gabi bago ako matulog laging nag pa flashback sa utak ko lahat ng memories namin. Kahit hindi naman dapat!

Ang sungit sungit niya at ang maldito niya! Lagi niya pa akong sinasaktan sa pagiging straight forward niya.

Pero palagi naman siyang andiyan para saakin.

Ang gulo!


Yung pag bili niya ng napkin at panty ko sa japan kahit kakakilala niya lang sakin..

Tapos..tapos yung pag sagip niya saakin nung nalunod at naflush out ako sa Okinawa-tapos sabi mo.. ni mouth to mouth niya ako?

Alam mo bang hindi ako nag papahalik kahit kanino?!

Walang pwedeng humalik sakin sa labi!

Wala!

Bakit mo hinayaan na mag dikit ang labi namin!"

Lalo akong naiyak sa sinabi ko.

Tulog na yata talaga si Zarrah at hindi ako naririnig dahil kung gising siya kanina niya pa ako sinabunutan.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon