Chapter 17

82 0 0
                                    

Chapter 17
Brothers

Ang hirap ng may kasama kang dalawang gwapo sa iisang kwarto.

Hindi ako maka kilos ng maayos. Nakaka ilang bukod sa nahihilo pa talaga ako.

Si Jarell na kahit madaming kausap sa phone ay halos minuminuto akong kinakamusta.

I can see that their company is slowly collapsing. Nasstress na yata si Antonio sa mga ginagawa ko?

Napangiti ako sa naisip.

Sinend ko lang naman sa email ng rival company nila yung short term business plan nila para aware sila kung anong mga pinaplano ng mga Maximilliano lalo na pag dating sa mga Condo.

"Mabait ba sila sayo?"

Kumakain kami ngayon ng pina deliver nilang pagkain galing sa restaurant ni Alonso.

Masarap iyon at malasa.

Hindi ko maiwasan mapatingin kay Jairah, mukha siyang mabait kapag hindi nag sasalita.

Sana ganiyan nalang siya lagi.

"Sila?"

"Si kuya at ang mga pinsan ko." Uminom siya ng tubig.

"Uh, Mabait naman. Medyo masungit lang si Jairah."

Ngumiti siya at sinabing hindi na daw bago iyon pero ang kuya daw niya ang pinaka matinong kausap sa lahat.

Parang hindi naman!

Wala namang ginawa ang kuya niya kundi mag sungit lang!

"Masungit huh?"

Naka taas kilay na sabat ni Jairah.

Masungit naman talaga siya ah! Deny pa.

Si Klein lang matinong kausap sakanila..bigla kong naalala kung may nangyari ba talaga saamin o wala?

Nakakahiya!

Malandi nga talaga akong tunay!

Dapat yata ay tanungin ko na siya?

"Narinig ko kay Alonso na close daw kayo ni kuya?"

Nag katinginan kami ni Jairah at sabay na umiling.

Close!?

Saang parte kami close eh parati nga niya akong sinusungitan!

Ang chismoso naman ni Alonso!

Natatawang tumayo si Jarell habang nililigpit ang pinag kainan niya.

"Salamat sa libre kuya. Kailangan ko ng umalis, dumaan lang ako para tignan ka Ellie. Pupunta kaming Singapore ni dad ngayon."

Nag mukhang malapit ang Singapore sa pag kakasabi niya.

Bakit niya ako iiwan sa kuya niya!? Dapat ay isama na niya ito palabas ng apartment ko!

Tumango lang si Jairah na tila alam nitong dumaan lang pala saglit dito ang kapatid niya para makasabay naming kumain.

"Okay. Ingat ka."

Tipid na sabi ko.

Kailan pa akong nag sabi na mag ingat siya? Ngayon lang yata.

"Kuya. Samahan mo muna siya ah? Wala siyang kasama"

Ngumiti pa ito saakin.

At ano namang gagawin pa ni Jairah dito?

Dapat ay umalis nadin siya hindi naman na kailangan na andito pa siya.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon