Chapter 44

50 0 0
                                    

Chapter 44
Surprise

Simula hung nalaman kong buntis ako, ang babaw na ng mga luha ko.

Onting kaganapan, iiyak agad.

Dati halos wala akong emosyon sa lahat ng bagay.

Kasama ko ngayon sila Alonso.

Pinag luto niya ako ng mga masasarap na pagkain andito din ang ilang crew ng restaurant niya para tumulong sa pag set up ng mga pagkain.

Si Klein naman kinantahan ako pero napunta lang sa sayawan dahil lahat kami nag party nalang at nag patugtog ng malakas.

Si Jarell andito rin na bumili ng mga alak iniabot din niya sa crew ang nakita kong mga Jose Cuervo.. nag kakatinginan kami mula sa malayo.

Sinubukan kong kumaway sakanya.

Hindi siya ngumiti katulad ng dati.. Galit kaya siya sa akin? Huwag naman sana.

Hindi ko kaya kung magagalit siya.

At ang best friend kong si Zarrah na inayusan at binilhan pa ako ng damit.

Kulay itim na long gown ito. Kumikinang din kapag nasisinagan ng ilaw.

Ang ganda nito sobra!

Lahat sila andito except Kay Jairah..

3 weeks na kaming hindi nag kikita.. 2 weeks nadin niya akong hindi kinakausap o tinetext manlang.

Nag sawa na nga siguro talaga siya kakahabol saakin.

Siguro narealized na niyang hindi talaga ako ang para sakaniya.

Karapatan din naman niyang magalit dahil sa ginawa ko..

"Ellie, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Ani Klein na naka akbay saakin ngayon. May hawak din siyang shot glass.

Ang bango bango niya.

Namiss ko din siya.

Silang lahat actually.

"Bakit umiiyak! Birthday na birthday mo umiiyak ka."

Ani naman ni Alonso na pinisil din ang pisngi ko. Pinunasan din niya ang luha ko.

Tumubo na ang semi kalbo nitong buhok at bumagay 'yon sakaniya pero nangingibabaw parin badboy look nito.

Minsan nakakalimutan kong professor nga pala siya.

Ang isip bata kasi, lagi akong inaasar!

Hindi yata kumpleto ang araw niya kapag hindi ako napipikon!

"Wala..namiss ko lang kayo at masaya ako kasi dati rati kaming dalawa lang ni Zarrah ang nag celebrate ng birthday ko, ngayon andiyan na kayo.."

"We will always be here, Ellie! Kaya wag ka ng umiyak."

Ani ulit ni Alonso na sinindihan ang yosing hawak niya at ibinuga sa ere ang usok nito.

"Anything for you."

Ani naman Klein na naka akbay parin saakin.

Naiilang ako dahil kanina niya pa ako tinitignan. May alam kaya siya sa mga nangyari?

"Happy birthday best friend!"

Sigaw ni Zarrah habang hawak ang isang malaking red velvet creamcheese cake na heart shaped ang disenyo nag lalakad ito papunta saakin.

May fireworks candle din sa itaas nito.

"It's from Kuya Jai."

Ani Jarell. Ngumiti siya ng kaunti.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon