Chapter 49

47 1 2
                                    

Chapter 49
Good bye

"Jairah!!"

Nag kukumahos kong sigaw habang pinipigilan ako ng mga tauhan ni Antonio na lumapit.

Lahat sila naka itim, may iba pa ngang naka salamin. Tahimik at madaming tao.

Naka lagay din sa malaking frame at estante ang picture niya..

Nakatingin sila saakin. Sa pintuan papasok ng kwarto kung nasaan si Jairah.

Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang makita siyang nakahiga duon.. at walang malay..

"Anong ginagawa mo rito?"

Galit na sabi ni Mama Anika saakin. Sa totoo lang, lahat ng mata ay masama ang tingin saakin.

"Si Jairah po.."

"My son died because of you! You don't deserved to be here."

Muling nag flash back sa isip ko ang mga nangyari nung gabing nakita kong duguan si Jairah.. kasalanan ko talaga ang lahat ng ito..

"Gusto ko lang pong makita si Jairah--"

"Hindi pwede! Umalis ka dito!"

Hinila na ako ng body guard ni Antonio palabas.

Narinig ko nalang ang pamilyar na tawanan.

Hinanap ko ito hanggang sa napadilat ako.

Panaginip.

Panaginip lang ang lahat ang iyon!

Hindi iyon totoo! Walang katotohanan!

Agad akong bumangon.

May luhang pumatak sa pisngi ko. Akala ko talaga ay totoo iyon. Hindi ko kaya..

Lumabas ako ng kwarto.

Anong oras na ba?

Natanaw ko agad ang mga kasambahay na nag luluto.

Ang bango nito at nakaka gutom.

Napa hawak ako sa aking tiyan nung naramdaman ko ang pag galaw nito.

"Gusto mo na kumain?" Tanong ko sa baby sa tiyan ko.

Hinaplos ko ito at muling umunat.

Napa hikab pa ako.

Hindi totoo iyon--panaginip lang.

Bulong ko sa hangin nang muling maalala kung gaano kasakit sa puso ang mga nakita ko sa panaginip ko.

Nag lakad ako palabas ng rest house at binuksan ang sliding door habang kumakain ng apple.

Ang bango ng simoy ng hangin lalo na ang sarap sa tenga ng tunog ng alon.

Andito na kaya yung dalawang nag aalaga saakin?

Kinabahan agad ako sa natanaw ng mata ko.

Nakikita ko sa veranda si Alonso at Klein na may kausap na lalaking naka talikod saakin.

Medyo mahaba ang buhok nito, kulot at naka suot ng itim na t-shirt.

May pinag uusapan yata sila pero kita ko ang ngiti nung dalawa mula dito.

Dali dali akong nag lakad papunta sakanila.

Hindi ba sinabi nila saakin na bawal mag dala ng kung sino dito dahil nga wanted ako?

"She's awake."

Dinig kong sabi ni Klein tinuro din niya ako.

Bakit ako kinabahan duon?

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon