Chapter 30

70 2 0
                                    

Chapter 30
New home

Tototohanin pala niya ang lahat ng sinabi niya kagabi, akala ko ay dahil nadala lang ng selos o ano.

Nagising ako ng wala na siya sa tabi ko. Nakatanggap din ako ng text na 3am siya umalis ng apartment dahil may emergency at siya ang preferred doctor ng pamilya nung pasiyente.

Grabe ang dedikasiyon na ibinibigay niya sa trabaho niya. Ilang oras lang ang tulog niya pagkatapos ay trabaho nanaman ulit.

No wonder kaya successful siya. Kahit walang tulong ni Antonio.

"Baka hindi ako magustuhan ng mama mo.."

Ano kayang itsura niya? Kamukha kaya niya ang mama niya?

Panigurado strikto ito o di naman kaya'y mataray.

At naisip ko pa talaga yon?

Wala nga akong pakielam dati sa pamilya nila bukod kay Antonio dahil ang punot dulo lang naman talaga ng lahat ng ito ay siya!

Wala sa plano ang lahat ng ginagawa ko ngayon.

Nadidismaya ako sa sarili ko.

"Are you scared?"

"Uhm..Mataray ba mama mo?"

"Nope. She's the calmest person I've ever met."

Talaga? Paano niya natagalan si Antonio sa ganoong ugali niya?

"Ah.."

Sumulyap ako sa dinadaanan namin habang nag mamaneho siya. Sa isang building rin ba siya nakatira katulad ni Jarell?

Umiling ako nung naalala ang napag usapan namin. Ayoko rin namang hindi na muli siyang makita.. gusto ko andiyan parin ako para sakaniya kapag kailangan niya ako.. pero paano nga kung nag seselos na si Jairah? At paano rin ako makakatakas sa trabaho kong 'yon? Ayoko namang manghingi ng pera kay Jairah. Hindi naman ako ganoon.

Ihininto ni Jairah ang minamanehong kotse niya sa may gilid kung saan madaming mga puno. Naka pasok na kami sa isang village, ang lalaki at gaganda ng mga bahay dito.

Dito siya nakatira?

"Come here."

Agad akong lumapit at hindi na tinanong kung bakit. Pinatalikod niya ako, hinawi ang buhok ko at nakita ko nalang ang dalawang kamay niya na may hawak na gintong necklace pababa sa leeg ko, naka kurba rin ng puso ang pendant nito.

Hinawakan ko ang kwintas na inilagay niya at sinulyapan siya.

"Para saan 'to Jairah?"

Nahihiya kong tanong.

"Nothing. Gusto lang kitang regaluhan."

"Pero hindi ko naman birthday."

Kumunot ang noo nito at sumimangot saakin.

"Kapag birthday lang ba binibigyan ng regalo Eleanore?"

Umiling pa ito. Naalala ko ang mga regalo na natatanggap ko mula sa mga costumer ko..sana pala hindi ko nalang tinanggap ang mga 'yon, dahil nag sisilbing alaala lang kung gaano ako kadumi.

"Baby ko, you don't like it?"

Napansin niya yata ang ekspresyon ko dahil sa naisip. Nilingon ko siya, nagtataka siguro siya at lumungkot ang ekspresyon ko..Binitawan ko ang hawak kong pendant at niyakap siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero simula ngayon sasanayin ko na siya ng yakap ko.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon