Chapter 35

61 1 0
                                    

Chapter 35
Selos

"Sawadikha"

Ani nung babaeng nasa baggage counter pag layag ng eroplanong sinasakyan namin.

Napilit ako ni Jairah.

Ayaw talaga niya akong iwanan ng mag isa lang sa Pilipinas kaya agad ako nitong pinag ayos ng mga gamit. Back pack lang ang dala ko sa pag mamadali hindi pa nga ako sigurado kung anong mga damit ang nadampot ko. Okay lang daw yon dahil isang araw lang naman daw kami dito.

Pangalawang beses ko palang nakaka punta ng Thailand. Kaya medyo pamilyar na ako sa mga pasikot sikot dito.

Kumalabog ang puso ko nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang nag lalakad kami. Wala pang sinoman ang nakaka gawa nito dahil palagi lang naman akong nasa gilid o nasa likod ng mga nagiging costumer ko..

Inalala ko pang maigi kung wala nga ba talaga.. Wala nga. Hindi ko narin naman maalala ang mga araw kasama ang ex kong nasa hukay na.

Nilingon ko si Jairah, naka suot ito ng hard frame sunglasses. Ang gwapo niyang tignan, parang mas mukha siyang artita kesa doctor.

Mag kahawak kamay kaming lumabas sa Chiang Mai International Airport nilapitan din agad kami ng isang lalaki na naka suot ng itim na polo na may onting disensyong gold.

Akala ko isa itong Thailander, pero nag tagalog ito at kinamusta ang biyahe namin.

Kinuha din niya ang mga dala naming gamit. May edad narin ito at medyo may uban na ang buhok.

"Eleanore, this is Sir Ricardo, its my mother's butler."

"Hello po.."

Andito kaya ang mama niya? Nginitian ako ni Sir Ricardo at pinag buksan ng pinto. Pumasok ako sa loob ng limousine.

Ganito ba talaga sila kayaman? Mag susundo lang sa airport at naka limousine pa? At ngayon ko lang din narealize na may personal butler ang mama niya.. sabagay, si Antonio nga andaming body guard.

Pero..bakit hindi sila mag kakasama?

Katabi ko ngayon si Jairah dito sa limousine. May kausap siya sa phone niya habang may tinitignang documents sa ipad niya.

Sumulyap pa ako ng onti at nakita ang mga pangalan ng gamot. Siguro para 'yon sa pasiyente niya.

"Baby, I have to let Sir Ricardo drop you off to the hotel."

Sinabi niya 'yon ng mabilisan habang nag pause sa kausap niya sa phone pagkatapos ay sinabi niya rin kay Sir Ricardo na i-drop off daw ako duon dahil asap na siyang kailangan sa Hospital.

Abala parin siya sa pakikipag usap sa phone at sa pag research habang ako tinatanaw ang bawat nadadaanan namin.

Naalala ko lang nung huling punta ko dito, partikular na sa Phuket.. nakaranas din ako ng pananakit sa kliyente ko nuon dahil ayokong makipag sex sakaniya sa public place..

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Jairah sa balikat ko at bumaba ito sa bewang ko, hinila niya ako habang binababa na ang phone na kanina lang ay may kausap siya.

"I'm sorry. Babawi ako pag tapos ng work."

Hinalikan niya ako sa labi.

"Hala, okay lang 'yon."

"Malungkot ka eh."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Ang bango bango niya.. ang sarap niyang yakapin.

"Swear, I'll make it up to you once I get back. I love you."

"I love you too."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang singsing na anduon. Sinabi rin niya na wag ko na daw siyang pag hintayin sa pag sagot ng oo sa proposal niya.

Naka dating kami ng hotel at may lumapit agad na mga bellboy saamin. Saglit lang bumaba ng limousine si Jairah para lang ipakilala ako sa mga bellboy at butler duon.

Narealize ko nalang na Maximilliano Land Hotels pala ito.. ang ganda at enggrande ang ng overall facade.

"See you."

Ani Jairah, nag iwan ng halik sa leeg ko sa harap ng madaming tao na agad namang naging dahilan para makiliti ako. Pumasok na siya ng limousine at sumunod naman ako sa mga bellboy lalo na duon sa parang butler din na babae..

"Welcome po Ma'am Eleanore."

"Thank you. Pilipina ka?"

Karamihan kasi ng Thailander mukha talagang pinoy e.

Ngumiti siya sakin. Yung dalawang bellboy naman kinukulit ako na sila na daw mag buhat ng backpack ko. Ayoko sana pero nakulitan ako.

"Thank you pero di naman kailangan kasi magaan lang."

Pag dating namin sa elevator, pinindot nila ang 5th floor. Sinamahan din nila ako hanggang sa pintuan ng kwarto.

Sabi nung babaeng butler tawagan ko lang daw siya kapag may kailangan ako.

Malaki ang kwarto dito at halos royalty ang theme ng interiors. May balcony din na kita sa view ang isang templong ginto. Ang ganda nito sa mata lalo na bumagay din ang kulay ng clouds na nakapalibot duon.

Tinignan ko agad ang cellphone ko kung mayroon bang text duon si Jairah pero wala.. busy yata talaga siya. Ang text lang na andoon ay ang pangungulit ni Zarrah na agad ko namang nireplyan at sinabing parte lang ng plano ang lahat ng ito..

Kahit hindi..kahit ang totoo mahal na mahal ko na si Jairah at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa buhay ko..

Lumabas ako ng room. Wala namang naka bantay duon kaya naisip ko na okay lang naman sigurong mag ikot ikot ako dito sa Thailand. Medyo alam ko parin naman ang kalakalan dito at parang Pilipinas lang din ito.

Napadpad ako sa may isang templo suot ang baby pink na silky dress, may pagka manipis ang tela nito kaya nag baon ako ng denim jacket.

"Mag kano ka na ngayon?"

I froze..ang boses na 'yon ay isa sa mga pinaka matagal kong naging kliyente..

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon