Chapter 34

62 2 0
                                    

Chapter 34
Reveal

"Hoy, umayos ka nga! Ilang araw palang akong nawawala sa apartment nilayasan mo na agad ako! Nasaan ka?"

Sabi ng best friend ko sa videocall. Nandito ako sa kwarto ni Jairah habang nag susuklay ng buhok at kakatapos lang maligo. Si Jairah naman ngayon ang nasa loob ng cr at nag peprepare na para sa pag pasok niya sa work niya.

Ang hirap pala talaga maging doctor. Halos wala ng oras para sa ibang bagay kundi ang sinumpaang trabaho at ang kalagayan ng pasiyente nila.

Kakauwi lang ni Jairah kaninang madaling araw at halos wala pang pahinga pero tinawagan ulit siya ng head doctor nila para sa isang patient's surgery na gagawin maya maya lang.

Sad thing about that? Sa Thailand ang surgery pero sabi naman saakin ni Jairah na uuwi siya agad pag tapos.

Parang ang lapit ng Thailand?

Nakakatulog pa kaya siya sa sobrang busy niya?

Halos sa ospital narin pala talaga ito tumira at madalas iniimbitahan sa iba't ibang bansa kapag may mga VIP patients siya na under ng special field of study niya..kaya pala mukhang bago parin ang bahay na ito dahil hindi naman lagi natatauhan.

"Bruha! Kanina pa kita tinatawag!"

Sigaw ni Zarrah na naka simangot ngayon sa video call. Naka uniporme parin ito at mukhang nasa opisina ng probinsya kung saan siya naka destino.

"Ay! Ang lalim ng iniisip? Nasaan ka ba?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko sakaniya, baka kung anong isipin niya lalo na isinikreto ko sakaniya ang tunay na estado namin ni Jairah.

Hanggang sa literal na biglang nanlaki ang mata niya at tumili. Nakita ko nalang sa sariling video screen ko na nasa background ko si Jairah na basa pa ang buhok, topless at naka balot lang ng itim tuwalya ang bewang.

Imbis na pansinin ko ang bawat tili ni Zarrah sa kabilang linya ay mas nag focus pa ako sa katawan ni Jairah. May mga patak ng tubig mula sa buhok niya ang tumutulo pa duon. Mas payat siya kesa kay Jarell na medyo malaman, kaya ang pag kakahulma ng abs nito ay hindi gaanong nadepina katulad ng kay Jarell..pero shit, magiging asawa ko yan?

Grabe!

Napa kurap ako nung napansin ni Jairah na kanina pa ako nakatingin. Ibinaling ko ulit ang atensiyon ko sa kausap kong si Zarrah.

Nag lakad ito papunta saakin at tinignan kung sinong ka-video call ko. Nung nakita niyang si Zarrah ito kumaway siya at muling umalis sa harap ko.

Dumiretso siya ngayon sa malaking kabinet niya. Pagbukas nito, maayos na naka hanger at nakatupi ang bawat damit nito. Mag kakapareho din ang lalagyanan ng mga kulay na pareho sa isa.

May mga sapatos at box ng sapatos din sa ibabang parte nito.

Ang ganda ng likod niya. Hindi ako makapaniwalang niyayakap ko lang yan kanina..

"Babye na muna." Ani ko kay Zarrah.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at ibinaba na ang call.

Lumapit ako kay Jairah na busy sa pag hahanap ng susuotin niya, tinulungan ko itong pumili at isinuot ko narin sakaniya ang long sleeves polo na ito.

Habang isinasara ko ang butones hindi maiwasang tignan ang katawan niya. Nakaka akit ito at ang ganda talaga ng kayumanggi niyang balat.

"What? Do you want round 2?"

Natatawa niyang sabi habang tinutulungan akong isara ang butones. Hinawakan niya din ang kamay ko at hinalikan ang singsing duon.

"Pumasok ka na."

"Saan ako papasok?"

"Jairah!"

Nakaka hiya. Ano bang pinag sasabi niya? Anong saan siya papasok! Tumawa ulit siya duon lalong nanlaki ang mata ko kung tinanggal niya ang towel sa bewang niya at kumuha ng underwear pati narin ng faded jeans.

Nakita ko ang kabuuan nito!

Nag panic ako at nag iwas agad ng tingin, bumalik sa kama at umupo. Wag niyang sabihing itutuloy niya ang round 2 ngayon, may flight pa siyang hahabulin at baka ma late siya!

Hindi ako makapaniwalang hindi siya nahihiyang mag bihis sa harap ko. Pati ang pwet niya nakita ko!

Humarap siya saakin habang isinasara ang zipper ng faded jeans niya.

Ang init. Ang hina yata ng aircon at naiinitan ako.

Nakita ko ang pag ngiti nito ng patago. Mas nakaka akit pala ang itsura niya kapag kakatapos lang maligo at basa ang buhok..

"Sumama ka na kasi saakin."

Tinabihan ako ngayon nito. Ayokong sumama dahil baka makita ako ng mga katrabaho niya..nahihiya talaga ako.. alam ko namang hindi kami bagay ni Jairah.

"Hindi na. Babalik muna ako ng apartment, ayoko maiwan mag isa sa bahay mo.."

"Sumama ka na. Please?"

Hindi siya nag papacute pero ang cute cute niya! Ano ba yan, na aadik na talaga ako sakaniya!

"Anong gagawin ko duon? Busy ka din naman pag dating natin don."

"Atleast you're with me. Hindi ako mag aalala kung sinong kasama mo."

May pag diin sa pag kakasabi niya. Sinong makakasama ko? Bakit naman siya mag aalala?

"Sinong tinutukoy mo?"

He rolled his eyes.

"My brother, Alonso, Harris. I don't want to leave you here in the Philippines without me."

Kahit ramdam ko sa boses niyang nag seselos siya, kinilig parin ako duon. Sino ba ako para makaramdam siya ng selos sa mga nakakasama ko?

Hindi naman ako karapat dapat sakaniya at naging kaibigan ko nadin naman sila Alonso.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon