Chapter 25

76 0 0
                                    

Chapter 25
Chikinini

"Ikaw na mauna."

Sabi ko kay Jairah habang nasa elevator kami at nag tatalo

Gusto niya kasi sabay kami umakyat duon sa rooftop, eh andoon na pala ang lahat. Kami nalang ni Jairah ang wala duon.

Ano nalang iisipin nila lalo na ni Alonso!

Bubusugin nanaman ako ng pang aasar non.

"Alright, I'll go first."

Naka suot na ito ng puting shortsleeves polo at khaki pants. Nung sumara ang elevator, agad akong dumiretso patakbo sa kwartong ibinigay saaming dalawa ni Zarrah sana ay nandito pa siya para sabay kaming mag bibreakfast sa rooftop.

Akala ko nga hindi na siya babalik pag katapos ng nangyaring walk out kagabi buti nalang at napa balik siya ni Alonso.

Wala nga lang akong ideya kung anong nangyari.

"Kanina pa kita kinokontak! Gaga ka talaga!"

Hinila niya ang buhok ko papasok sa kwarto at isinarado ulit ang pinto.

"Aray!"

Binitawan nito ang pag kakahila sa buhok ko nung napansin ang suot kong polo.

"Malandi ka talaga! Kanino nanaman yan?"

"Wala. Nawawala kasi damit ko."

"Oh, asaan?"

"Pina laundry daw kasi niya.."

"Sinong niya! Saksakan ka talaga ng kalandian! Ikwento mo yan sakin, nang gigigil ako sayo."

Naka pamewang at excited nitong sabi saakin.

Walang bakas ng lungkot sa mukha nito o kahit manlang mugtong mata ay wala rin.

Siguro okay na sila? Pero hindi e, may kasamang babae si Alonso kagabi.

"Jairah."


"Talaga!? Shet, ano—daks ba siya? Kaya pala glowing na glowing yang mukha mo!"


Tuwang tuwa na sabi nito.

Pinapalakpakan pa ako nito na para akong nanalo sa isang pageant.

Umiling ako sa reaksyon niya.

"Zarrah! Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong sinabi na nag sex kami.."

Palusot ko habang nag hahanap ng pamalit na damit sa bag na dala ko.


"Ay wow! Virgin? Ano palang ginawa niyo, kung ganoon? Nag bible study kayo, kaya pina laundry niya damit mo at ngayon suot mo ang polo niya? Wag nga ako, Sam!"


Namula ako sa sinabi niya at naalala nanaman ang ginawa namin.


Tinuro niya yung mukha ko.


"Kilala ko yang mukhang yan. Di naman halata sa mukha mong nag sex kayo ni Jairah!"


Natatawa ulit siya sa sinabi niya. Tinanggal ko ang polo ni Jairah mula sa pag kakasuot ko at pinalitan ito ng yellow off shoulder dress na baon ko.

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon