Chapter 48

43 3 5
                                    

Chapter 48

New Life

"Nasaan yung baril ko?"

Tanong ko kay Alonso na kakadating lang dito sa rest house na pinag dalhan nila saakin. Ang sabi niya nasa Baler daw kami.

"Secret."

Saan kaya nila nilagay? Tinapon kaya nila?

Lumapit siya saakin, nag alcohol at hinawakan ang tiyan ko..

"Ang laki mo na huh?"

Aniya na parang may kausap talaga sa tiyan ko, ang laki na nga ng tiyan ko..

"Tumaba ba ako?"

Tinignan ako ni Alonso at tumawa.

"Asaan yung taba diyan?"

Ewan ko sakaniya. Pakiramdam ko tumaba ako.

Madalas silang bumibisita saakin dahil ako lang mag isa dito bukod sa mga iniwang body guard at katulong.

May bumibisita ding doctor para sa check up ko.. si Doc Giana nakakausap ko sa zoom.

Ang sabi ko hindi ko naman kailangan non but Alonso and Klein insisted.

Since buntis nga daw ako.. at walang ibang pwedeng mag bantay dahil hindi naman din sila laging andito.

"Ano, kinausap ka na ba ni Zarrah?"

Pahabol niyang tanong habang inaayos ang ingredients dahil mag luluto siya ng dinner namin.

"Galit parin siya saakin.."

I took a deep breath and remembered Zarrah.

Gusto kong mag sorry sakaniya ng personal sa lahat ng pag sisinungaling ko.. simula nung nalaman niya ang lahat ng tungkol saamin ni Jairah hindi na niya ako pinansin..

"Ang tindi niya naman! Mag isa ka lang dito, buntis pa. Ano ba naman yung bisitahin ka niya?"

Siguro sawa na siyang akayin ako.. siguro sawa na siyang kasama ako kaya ganon..kaya ayaw na niya akong makita..

Mag iisang buwan na akong andito.

Malayo sa Manila, malayo sa media.. malayo sa magulong buhay.

Sigurado din akong hinahanap ako ng mga tauhan ng Maximilliano.

Hinihiling ko lang na sana mamatay na ng tuluyan si Antonio.

Wala akong natitirang awa sakaniya.

"Si.. Jairah? May balita ka ba sakaniya?"

Nilapitan ko siya habang pinapanuod ang pag hihiwa niya ng gulay.

Maituturing best friend ko nadin si Alonso.. at thankful ako duon.

"Wala."

"Nasa hospital ba siya? Gising na ba siya?"

Pag aalala ko dahil paulit ulit nag pa-flash back sa isipan ko ang huling beses na nakita ko siya.. duguan at walang malay..

Inaalala ko din kung paano kami nakalabas ng buhay nung gabing yon..

"Hindi ko alam."

"Buhay pa siya hindi ba?"

Naiiyak kong tanong.

"Huy, umiiyak ka nanaman. Tama na yan."

Pinunasan ko ang tumulong luha.

Hindi ko mapigilang maiyak kapag naalala ko si Jairah.. Hindi siya pwedeng mamatay.. Hindi niya ako pwedeng iwan.

"Buhay pa siya, Alonso. Diba?"

They Paid The Price (Case Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon