Prologue

265 10 0
                                    

  Enjoy Reading💙

" Athienna Friday Lacson, late ka na naman! " our teacher shouted as I enter the classroom.

" Sorry prof. " Yumuko ako saka naglakad patungong upuan ko.

" Late ka na naman "

" Kase si mama eh. daming dada. Aiissh " napapadyak pa ako .

" Ms. Lacson late ka na nga, ang ingay mo pa. "

Kainis tong prof ko na to. Tss.

" So as I've said earlier, walang pasaway habang nasa training. 4 months din yun. Medyo matagal kayong mahiwalay sa pamilya ninyo. Unless , you will go home on your day offs. "

" yes maam " sabay sabay naming sabi.

We are currently having our orientation for our on the job training, that's required in our curriculum, with this, we can showcase our talents, mapapakita namin kung ano ang natutunan namin sa loob ng tatlo at kalahating taon namin sa university.

And sa susunod na araw na kami magsisimula. From Iloilo we will fly to Palawan dahil doon kami  nag apply ng OJT.  Pito lang naman kami ang naglakas loob na mag apply sa malalaking hotel sa Palawan and luckily, nakuha kami.

" Excited na ako " sabi ni Dorothy , kaibigan ko at isa sa makakasama ko sa Palawan.

" Ako rin " sabi ko at napabuntong hininga.  Ni minsan ay hindi pa ako nahihiwalay kina mama at sa mga kapatid ko. pero ngayon, masusubukan ang pagiging independent ko.

" Helllooooo " masayang bati sa amin ni Cj, isa rin sa makakasama namin sa Palawan.

" Ingay mo " saway ni Amy dito.

" Sus, naiinlove ka lang sa boses ko eh "

" Cael Jairus pag ako hindi mo tinigilan, sasabihin ko talaga sa kanya na huwag ka ng patulan. " Inis na sabi ni Dorothy.

" Oo na nga. Tatahimik na. " Napakamot pa ito ng batok.

Napailing na lang ako dahil dito. Di ko alam kung ano o kung sino ang ibig nilang sabihin dahil kada tanungin ko si Dorot, ay ayaw nitong sabihin dahil nakapagpromise ito kay CJ. Whatever.

  Patuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa cafeteria.

Oorder na sana kami ng pagkain ng tumawag ang class secretary namin at meron daw  mini salo -salo sa bahay nila at invited ang buong section, pati ang adviser namin.

Excited kaming naglakad palabas ng cafeteria at dumiretso sa parking lot ng school para kunin ang motor ko. May iilan din kaming kaklase na naghihintay din doon. Sakay si CJ sa kanyang motor habang angkas ko naman si Dorothy.

" Ingat " sabi ni CJ bago sinuot ang helmet.

" Kayo rin " sagot ko at nagsuot na din ng helmet Well, safety first. Di ko pa nakikita panganay ko. Haha

Apat na motor ang sabay sabay na lumabas ng school gate at ako ang nag iisang babae na nagdadrive.

Tawanan kami ni Dorothy hanggang marating namin ang village nila Sofia. She is really a rich kid. Malaki ang bahay nito at may dalawa pang swimming pool. Isa sa likod ng bahay at isa sa rooftop.

" Magiging ganito din ang bahay ko. Soon " rinig kong sabi ni Doroth bago kami pumasok sa bahay.

  We are welcomed with some of our classmates sa sala ng bahay nila Sophia.

" Since kumpleto na tayo, can we proceed to the dining now?" sabi ni Sophia na kakalabas lang galing sa kitchen.

Tawanan, kulitan, hiyawan at tuksuhan ang namamayani sa buong dining nila. Pati ang adviser namin ay nakikisabay din. Since it's our last semester in college parang sinusulit na ng lahat ang pagkakataon na kumpleto kami. Since hindi na namin alam kung pagkatapos ba ng OJT namin ay makukumpleto pa kaming magkaklase.

Pagkatapos ng lunch ay kanya kanya nang naghubad ng tsirt ang mga boys para maligo sa pool. Nakaboxers lang ang mga ito ng tumalon isa isa sa pool. Ang mga babae naman ay nagkakahiyaan pa dahil walang mga damit na dala. Good thing Sophia let us borrow some of her swimsuits pero of course, di na ako sumali sa kulitan sa pool . Tamang nood na lang ako sa kanila.

" C'mon Athienna, join us " sigaw ni Aliah.

" Have fun, masaya na ako dito " sigaw ko pabalik. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan sila.

"Ipapaprint ko to mamaya additional sa moments namin" sabi ko sa sarili.

Pagkatapos kumuha ng iilang shots ay nagbukas ako ng facebook para tingnan ang feed ko. And to my luck, unang una sa feed ko ang update mula sa official page ng SB19. whooaa. 

" Fanmeet " Sabi ko sa sarili. Patuloy kong binasa ang post hanggang sa makita ko ang location. " Palawan? " nanlaki ang mga mata ko ng makita ito.

" Nyare? " Dorothy sat beside me.

" Fanmeet. Sa Palawan Doroth. " Excited kong sabi dito.

" Ah. " Parang wala lang na sabi nito.

" SB19 " sabi ko pa ulit. Doon lang sya nakapag react.

" What? jinjja? kelan? " nanlalaki ang matang tanong nito.

" Yep. " Pinakita ko sa kanya ang post ng official page at ganun na lang ang sigaw nito ng mabasa ito. Dahilan para mapalingon ang mga kaklase naming nag eenjoy sa pool.

" Anong nangyare?" tanong ni Sophia .

" wala " sagot ni Dorothy pero patuloy itong nag iingay.

     Hala. mas malala pa to kesa sa akin. Tss.

Napasalampak ako sa sofa ng makarating sa bahay. This day is  so tiring. Di ko alam pero pakiramdam ko pagod na pagod ako sa mga ginawa ko ngayong araw.

" Byernes, paki ayos naman ng gamit mo. Tingnan mo yung mga toiletries mo nandito pa sa kama mo. Aalis ka na nga Sa susunod na bukas pero ung gamit mo di pa rin naaayos " sigaw ni mama galing sa kwarto ko.

" Ma. Pagod ako " reklamo ko pero tumayo na at naglakad patungo sa kwarto.

Inayos ko na rin naman ang mga gamit ko at nilagay sa maleta.
   Finally ready to go na. Tumihaya ako ng higa sa kama at napaisip. 

Ano kaya ang kahihinatnan namin doon?  Sana as we train there ay may matututunan kami.












Wewzz.  No scene muna for boys ngayon. Maybe in Chapter 1 na lng.  Hikhok. Hope you guys give me a star. Kamsarang 🙂

-Princesarang

Reaching youWhere stories live. Discover now