HAPPY READING 💙💙
Kinabukasan ay maaga akong nagising para ako naman ang magluto ng almusal namin. Lagi na lang kasing si Dorothy ang gumagawa nito.
Pagkatapos maihanda ang almusal bumalik na ako sa kwarto ko saka naligo at nagbihis, inayos ko na rin ang buhok ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nakaupo na sa sofa si Dorothy, may hawak itong bottled milk at pailing iling itong tinitingnan.
" Dorot, good morning " bati ko.
" Good morning " sagot nito at tumayo saka lumapit sa akin. Iniabot nito sa akin ang bottled milk.
" For you " sabi nito kaya kinuha ko. Doon ko lang nakita ang sticky notes na nakadikit dito.
" Good morning mahal, Enjoy your day - STELL " basa ko sa sulat kamay.
" Tss. Ikaw ha, anong nangyari kahapon? " kumapit pa ito sa braso ko.
Naglakad na ako patungo sa kusina at patuloy parin itong kumakabit sa braso ko.
" Dorot " Umiingos kong sabi.
" Tell me first Byernes " sabi nito at hinarangan ang pinto ng kusina.
" Fine, but let's talk it over breakfast " sumusukong sabi ko. Napabuntong hininga lang ito at dahan dahang umayos ng tayo at dahan dahang naglakad palapit sa akin.
" W-what now? " napapa-atras na rin ako.
" Hmmn. Make sure to tell me " tinuro pa ako nito sa mukha. Saka lakad talon itong lumapit sa mesa. Sya na ang nagbukas ng takip ng mga nasa mesa.
Napailing na lang ako at naglakad palapit sa mesa .
Habamg kumakain ay hindi ako nito tinigilan kakatanong kaya ikinuwento ko na lang din sa kanya ang nangyari. Well, except of course sa mga masyado nang personal.
Todo tili naman ito habang nakikinig. Tss.
" So, does it mean an improvement sa relasyon ninyo? " tanong nito habamg nagliligpit na ng plato.
" I guess so, pero sana wala ng hadlang " napabuntong hininga ako.
" uhuh "
Bumalik na ako sa kwarto ko para makapag toothbrush at makapaglagay na rin ng make up ko. It's almost time para sa trabaho ko.
Buong maghapon ay inspirado ako dahil sa mga texts ni Stell, kagabi bago siya pumasok sa unit nila ay hiningi nya amg bago kong number at ini-unblock ko na rin sya sa social media accounts ko. Halos hating gabi na nga rin kami nakatulog dahil sa dami nyang kwento.
" Tina, wanna go with us? " tanong ni Matt ng palabas na ako ng office.
" Sorry, I got something to do " sagot ko saka nagmadali nang lumabas ng opisina, lakad takbo ang ginawa ko para marating agad ang elevator.
Baka abutan ako ng traffic jam.Pagkalabas ng hotel kung saan ako nagtatrabaho ay pumara agad ako ng taxi para makarating agad sa condo.
Pagkarating ay naligo lang ako at nagbihis saka dumiretso sa kusina, Bitbit ang ballpen at papel ay tiningnan ko ang mga ingredients for baking para mabili ko. I want to bake a cake for Josh . It's his birthday tomorrow. I want to give him a special birthday cake.Pumunta na ako sa pinakamalapit sa grocery store para bilhin ang mga ingredients ng lulutuin ko , habang namimili ay nag ring ang phone ko, agad agad ko namang tiningnan kung sino ang tumawag, it's him.
" Hello " masiglang bati ko.
" Hi mahal, "
m-mahal? he called me mahal? pigil ang tili ay kinagat ko na lang ang kuko ko,
" Napatawag ka? " tanong ko.
" I was knocking at your door, wala ka pa ba dito sa unit mo? "
" Hmmn. Nope, nasa grocery store ako " sagot ko.
" Saan? pupuntahan kita "
" Ha? no need, pabalik na rin naman ako " Nagmadali na ako sa pamimili para matapos agad pero nagpupumilit parin syang pupunta kaya wala akong choice kundi payagan sya.
" Nasa labas na ako " ilang minuto lang pagkatapos nyang patayin ang tawag tumawag ulit ito to inform me na nasa labas na sya ng grocery store.
" Pasok ka lang " I told him kung saan ako maghihintay sa kanya at ilang minuto lang ay nakita ko na sya lakad-takbo patungo sa direksyon ko. He is wearing a black mask and a hoodie. Buti na rin para di sya makilala.
Pagkalapalit na pagkalapit nya sa akin ay niyakap nya agad ako. Medyo hinihingal pa ito.
" I miss you " bulong nito.
" Nadu " sagot ko.
He let go and held my hand sya na rin ang nagtulak ng cart ko na may iilan ng laman.
" What else do you need? " ipinakita ko sa kanya ang listahan at agad naman itong tumalima. Mabilis nyang nakuha halos lahat ng kailangan namin.
" Sana all marunong mang-grocery " mahinang sabi ko. It's been my weakness, di ako marunong mag-grocery. Lagi pa akong naliligaw sa grocery store. tch.
" Don't worry I can buy groceries for us in the future " sabi nito as he pinched my cheeks.
" Ha? " kunwari ay di ko narinig ang sinabi nya.
" Wala, sabi ko papakasalan pa kita " sabi nito. Nagulat man ay hindi ko na ito pinahalata at kumapit na lang ako sa braso nya habang tulak nito ang cart.
" Oh? why are you here? " tanong ko sa kanya. " Tapos na ba ang training ninyo? "
" Yupp. " He answered. " Wala naman masyadong ganap sa training namin. "
" That's good. You must be tired, sana nagpahinga ka na lang "
" I wanna be with you, I told you I missed you " he said and faced me. Hinawakan ako nito sa magkabilang kamay. I tried my best to avoid his gaze pero nabigo ako. Ang lakas makahatak ng ngiti nya. I can't stop myself from staring those shining eyes.
" Byernes ko na mahal na mahal ko, kahit gaano man ako kapagod I will always accompany you. Kase yun ang makakapagpasaya sa akin- "
" Tss. Enough na Stell " sabi ko at inagaw ang kamay ko na hawak nya saka inayos ang mask nya.
" Mr. Ajero, kung ayaw mong dumugin ng fans, paki-ayos po ng mask ninyo " pigil ang ngiti kong sabi. If he continue being like this baka mas mahulog ako, baka mas lumalim ang nararamdaman ko at kapag nangyari yun natatakot ako na baka di na ako maka-ahon.
" Takot ka lang na maagaw ako ng mga a'tin sa'yo eh " nanunukso pa nitong sabi.
" Sus, magpapaagaw ka ba? "
" Syempre------ " pinandilatan ko sya ng mata " hindi " natatawang dugtong nito. Natawa na rin ako kaya hinawakan na nya ulit ang kamay ko saka tinulak na ulit an cart para matapos na namin ang pamimili.
" Kung ganito , buong araw di tayo matatapos sa pamimili " sabi ko dahil kahit sa pag-abot ng mga delata ay di parin nya binibitawan ang kamay ko. Kahit na ano nag kukunin o aabutin nya ay hawak nya parin ang kamay ko. Ayaw na ayaw bitawan.
" I told you, I won't let go "
A/N
How are you? kamusta ang naka-quarantine? Keep safe po sa lahAt. ProPer hygiene pa rin ko. kapag naghuhugas ng kamay try nyo po kantahin ang COVID19 song ni pinuno. hahaha. Kamsarang💙
-Princesarang
![](https://img.wattpad.com/cover/214212909-288-k695777.jpg)
YOU ARE READING
Reaching you
FanfictionShe never tried LDR's and she told herself not to try one. Athienna Friday Lacson is a fangirl with big dreams for her family that's why he never had any boyfriend dahil naniniwala syang sagabal lang ito sa pag aaral. She focused herself on being...