Chapter 3

122 7 0
                                    

Happy Reading. Thank you for supporting Ken's Story po🙂🙂














" Good morning Ate Llana. Good morning kuya Marcous , " bati ko sa mga front office staff na naabutan ko sa booth.

" Good morning Byernes. Ganda ng gising ah " puna ni kuya  Marcous.

" Syempre po " sagot ko.

" Marami tayong check ins ngayon Thienna " imporma ni Ate Llana.

" Oo nga po " sabi ko " Good luck po "

The usual day in the front office department went well. Pero infairness ngayon mas kakaunti ang check outs meaning maraming guests amg hotel. Hmmn.

I was doing something in the monitor when someone approached the booth. Ate Llana called me and let me entertain the guest. Nagulat ako ng makita si Stell.

" Good morning sir, how may I help you? " nakangiting tanong ko.

" hmmn. Pwedi magtanong kung hanggang anong oras ang room service na mga masahista?"

" Ah. Usually po hanggang 8 pm lang po sila but if you want later than that, you can pay for 100 per hour, from 8 pm hanggang sa kung ano oras nyo po gustong magpa massage. " Sagot ko.

" Ah. 8 pm. Sige thank you " sabi nito at kumindat pa bago tumalikod.

" Ehemn. May nakangiti " panunukso ni kuya Marcous.

" ehemn " tanging sabi ko at bumalik sa ginagawa ko sa monitor .

Hanggang sa dinner ko sa staff's dining ay dala ko ang good vibes. Na kahit ang mga staffs ay naweweirduhan na sa akin.

" Hey. Naabutan din kitang mag dinner " Sabi ni CJ mg maabutan ako sa staff's dining . Naupo ito sa harap kO.

" Hey. How was your day? " tanong ko.

" Eto, on duty pa. " sagot nito at sumubo ng pagkain.

" Aww. Kanina pa akong 5 pm nag out. " sabi ko.

" Ayts. Buti yan. Pahinga ka kaagad "

" Nah. Sa beach front lang ako tatambay. Mas maganda hangin dun " Sabi ko at uminom na ng tubig.

" Iisa lang naman ang hotel na pinagtatrabahuan natin pero ang dalang natin magkita " sabi nito maya maya.

" Oo nga eh. ganun na ba talaga tayo kabusy? " binuntutan ko pa ito ng mahinang tawa.

" Let's enjoy our day off " sabi nito.

   Lahat kaming trainees ay sabay sabay ang day off para daw kahit minsan ay makakapagbonding din kami ng sama sama. Wag daw puro trabaho.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na akong sa dalampasigan lang magpapalipas ng oras. I , again went to the same place where Stell approached me last night.

Naupo ako sa buhanginan at doon nag muni muni. Nang may ingay akong narinig sa likuran ko.
    isang lalake at dalawang babae ang nakita ko.

'Wait! mga kasama to ni Stell ah. Mama ba nya yung isang yan?' tanong ko sa sarili.

Ipinilig ko ang ulo ko at bumaling na sa dalmpasigan. Nakakagaan ng pakiramdam ang dagat.

" Saan na kase si Stell " sabi ng lalake na hinala ko ay ama ni Stell.

" Ewan ko dun. Sabi tayo lang daw ang mamasyal eh. masama daw pakoramdam" sagot ng ina nito.

" Ang kj ni kuya" reklamo ng kapatid nito.

Dahil malapit lang sila sa akin ay dinig na dinig ko ang usapan nila.
  Nagulat ako ng malaman na masama ang paoramdam ni Stell. Ok naman sya kanina ah. Hinintay ko munang umalis ang pamilya nya bago tumayo at naglakad patungo sa hotel building. Buti pa siguro sasabihin ko sa F.O na padalhan sya ng gamot.

Reaching youWhere stories live. Discover now