Chapter 16

109 6 0
                                    


Enjoy Reading💙



"Ate Tina " sigawan ng mga bata ng makita nila akong papasok sa maliit na gate ng parke.

" Ate " tawag din ni Sam na syang pinakamatanda sa kanila at nagbabantay habang wala pa kami.

" Sam " nakangiti pa akong kumaway sa kanya.

Nilibot ko ang paningin sa parke, hindi ito literal na parke na malawak at may malaking playground, kundi isa itong abandonadong lugar na may iilang punong nakatayo at may swings na gawa sa goma. Nakakabit ang mga ito sa malalaking sanga ng puno.

" Ate, si Ate Pat po? " ranong nito ng makalapit sa amin.

" Ah. May pupuntahan daw " sagot ko at ginulo ang buhok nito.

Maya-maya ay tinawag na ni Sam ang lahat ng kabataan gustong matuto sa pagpipinta.

" Ate, sino po kasama mo? " tanong ng isang bata.

" Sila nga pala sina kuya Justin at kuya Stell ninyo. Tutulong sila sa atin ngayon. Okey ba? "

" Opo. Opo " sabay sabay na sagot ng mga ito.

Nagsimula na akong magturo sa kanila maayos naman silang nakikinig.
Binigay ko na sa kanila ang sketch pads na binili ko kanina. 

"Draw something you want and color it. Iche-check ko mamaya. You can ask me if you need something " sabi ko sa mga bata.

" Opo " sigawan naman nila.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang mga bata na masayang nagdodrawing . Bakas sa mga ngiti nila na gusto nila ang mga ginagawa nila. Naglakad ako papunta sa isang swing saka naupo doon. Nakita ko naman si Justin na tinuturuan ang mga bata. Nakangiti ito habang kinakausap ang mga bata.

" You're staring at him " boses ni Stell na nagpagising sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakapout ito kaya di ko mapigilan ang mapangiti.

" He's just so cute while teaching those children " sabi ko.

" Friday! " napapadyak pa ito kaya mas napangiti ako.

Hinawakan ko ang katabing swing, signing him na maupo dito.

Naupo naman ito saka ko hinawakan ang kamay nya.

" Sorry " sabi ko dahilan para mapatingin sya sa akin.

" For what? " naguguluhang tanong nito.

" For leaving you " napabuntong hininga ako.

Lumipas lang ang ilang minuto at tinipon ko na ang gawa ng mga bata. Saka ko binigay sa kanila ang snacks na binili ko. Tinulungan naman ako nina Stell at Justin.

" Ate, let's play habol habolan po " sabi ng isang bata.

" Kim, tanghali pa oh " sagot ko.

" ate, di naman mainit eh. Maambon po oh" tinuro pa nito ang ulap.

" Go, si Kuya Jah ang taya " sigaw ni Justin kaya lahat ng bata ay tumayo at nagsitakbuhan. Napailing na lang ako saka napangiti.

" Si Ate, hulihin nyo si Ate at kuya Stell ninyo " sigaw ni Jah, dahilan para tumakbo ang ilang mga bata sa kinatatayuan namin ni Stell, " C'mon Stell, Tina don't be such a KJ "

Dahil malapit na rin ang mga bata ay hinila ko na si Stell para tumakbo. Noong una ay nag-aalangan pa ako ngunit habamg tumatagal ay nae-enjoy ko na rin ang tumakbo. Napuno ng tawanan at sigawan namin ang maliit na parke dahil sa habulan namin. Hinihingal man ay hindi binibitawan ni Stell ang kamay ko. Kahit minsan ay nabibitawan nya , hinahabol nya parin ako mahawakan lang ang kamay ko. Bagay na mas ikinakatuwa ko.

halos isang oras din kaming naghabulan saka pa nakaramdam ng pagod. Kung di pa tinawag ang isang bata ay di pa kami tumigil.

" Naku salamat naman ay may mga taong tulad nyo, na kahit libre ay nagtuturo sa mga bata " sabi ng ina.

" Walang anuman po yun. Maliit na tulong lamang na aming makakayanan. "

" sige ha. Mauuna na kami. Salamat ulit "

" Bye Ate " nagwave pa ang bata bago tumalikod. 

Napabuntong hininga ako saka pumunta sa bag ko para kumuha ng towel para mapunasan ang pawis ko.  Pupunasan ko ma sana amg mukha ko nf makita kocsi Stell na nagpupunas ng mukha gamit ang panyo nito maya lumapit ako sa kanya at iniabot ang towel. Napatitig naman sya dito kaya ako na mismo ang tumingkayad para mapunasan Ang pawis nya.

" Ehemn. Sana all may nagpupunas ng pawis " rinig kong sabi ni Jah kaya nilingon ko sya ngunit sa ibang direksyon naman nakatingin ang mga mata nito.

" Sus, make move na rin kasi " sagot ni Stell. Napailing na lang ako saka pinagpatuloy ang pagpunas ng mukha at leeg nito.

Pagkatapos matuyo ang mukha at leeg nya ay bumalik na rin ako sa bag ko para sana kumuha ng isa pang towel but to my luck! wala ng towel sa bag ko. Tiningnan ko ang towel na ginamit ko pampunas sa pawis ni Stell , wala naman siguro tong skin infection si Stell di ba.  Inabot ko ito at akmang pupunasan ko na ang mukha ko ng may umagaw nito sa kamay ko.

" I already used this " sabi nya.

" Wala ka naman sigurong skim desease di ba? " tanong ko.

" Tss. " mas lumapit sya sa akin at niyakap ako sa beywang. Ang isang kamay naman nya ay hawak ang towel at pinupunas sa mukha ko. Magpupumiglas pa sana ako pero mas hinigpitan lang nya ang brasong nakahawal sa beywang ko. We stayed in that position until he wiped off my sweat. Binitiwan lang nya ako pagkatapos nyang halikan ang noo ko. D*mn my heart is beating so fast.

" Tina, may tindahan ba dito. Bibili lang ako ng tubig " tanong ni Jah ng lumapit sa amin.

Awkward naman akong napatingin sa kanya.

" hmmn, I have an extra water sa bag, kunin mo nalang " sabi ko sa kanya at tinuro ang bag na nilagyan ko ng art materials kanina.

" okey " sabi nito at naglaKad na patungo sa bag. Awkward akong napatingin kay Stell kaya naisipan kong sumunod kay Jah.

Pagkatabi ko sa kanya ay tinitigan ko lang sya.

" Stop staring, " sabi nito.

" S-sorry " napayuko ako.

" Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako bumulagta dito. Tss. Apaka seloso " sabi nito.

" Huh? " nanlalaki ang mata ko syang tiningnan.

" tss. Stop feeling awkward, sanay na ako sa landian nina Ate Fhaye at Ken. " Sabi nito.

" Ahmn "

" Treasure our sunshine boy. You know what I mean " sabi nito at tumalikod na pabalik kay Stell bitbit nito sng tumbler.

I know what he meant? Anong ibig nyang sabihin? anong alam ko? tss. Napailing na lang ako saka nagligpit ng gamit saka nagpaalam na sa mga bata. It's almost lunch time na rin kasi.

Today , I felt a different Stell, he was  extra sweet. he never failed to show me his sweet side. Yes, on and off cam Stell is sweet but being with him today, I felt he is different.














Eyow. keep safe everyone.  Mag ingat po tayong lahat. Spread love, not virus. Kamsarang💙



-Princesarang

Reaching youWhere stories live. Discover now