DH:01

636 11 2
                                    

This is a work of fiction.Names,Characters,businesses,places,events and incidents are either the original products of an author's imagination that used in fictions manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental and not my intention.

Do not distribute,publish,transmit,modify or create derivative works or exploit the contents of this story in any way.Please asked my permission and do not copy paste or paraphrase this story.

PLAGIARISM IS A CRIME.

Date start of writing: February 18,2020-February 25,2020

KABANATA 1

ROSELLA

Maaga akong gumising dahil first day of class ngayon sa school dumiretao akong banyo para maligo at pagkatapos ay lumabas na din ako at pumunta sa hapagkainan.

"good morning ma" sabay kiss ko sa pisngi ni mama na nagluluto sa kusina tinulongan ko na din siyang ilagay sa mesa yung mga pagkain.

"good morning din anak umupo ka na jan at saka kumain na baka ma late ka pa sa school niyan ei" sabi ni mama

"Opo ma, Ma? si papa po umuwi po ba siya?" tanong ko kay mama nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni mama ng tinanong ko siya.

"anak kumain kana lang jan" tipid nitong ngiti sakin at hindi nasagot ang tanong ko.

Alam ko naman sa sarili ko na merong hindi magandang nangyayari kina mama at papa pero binabalewala ko na lang kahit naririndi na ang tenga ko na makinig sa mga pag aaway nila. Lagi na lang wala si papa sa bahag ang sabi ni mama busy lang ito dahil sa trabaho pero hindi ako naniniwala kasi minsan naririnig ko si mama na umiiyak sa kwarto nila at sinasambit ang pangalan ni papa. Masaya naman kami nung una pero bigla na lang nagbago simula nung mawala siya.Napabuntong hininga na lang ako saka tinuloy ang pagkain medyo kinakabahan nga ako ngayon dahil unang tapak ko ito sa College of Life ko, first year college na ako ngayon at kinuha kong course ay HRM. Hindi naman kami mayaman para makapag aral ako ang totoo niyan may kaya lang kami at si mama isa siyang maanger sa isang restaurant at si papa naman isang engineer. Nagsikap ako na makapag take ng exam sa university na pinapasukan ko ngayon at dahil dito nakapasa ako kaya naging scholar ako ngayon.

Pagkatapos kung kumain ay nag paalam na ako kaya mama na papasok na ako ng school.

"anak mag iingat ka dun ha at saka galingan mo kaya mo yan anak andito lang si mama ha.Proud kami ng papa mo sayo anak"

"Ma naman ang drama mo naman ei sa school lang po ako papasok para namang iiwanan kita ma. Ikaw din ma ha ingat ka din po mahal ko din kayo ni papa, sige na ma bye po" at saka hinalikan ko ulit sa pisngi si mama bago lumabas ng bahay at pumara ng taxi.

Pagkarating ko ng school ay manghang mangha ako dahil sa laki ng university na pinapasukan ko.Ang Philippines International University.Napansin ko din na puro mayayaman ang mga estudyante dito konti nga lang ang nakikita ko na gaya ko yung iba kasi mahahalata mo talagang mayaman dahil sa porma nila at nakikita ko din na lahat sila may magagarang sasakyan.Pumasok na ako ng gate saka pumunta sa registration office sabi kasi nila kunin namin doon ang ID at schedule namin.Nang makita ko ang office ay kumatok muna ako saka pumasok napansin ko na may limang estudyante din ang nasa loob.

"good morning po ma'am" bati ko dito.

"good morning to you what's your name?" tanong nito.

"Rosella Libutan po ma'am" sagot ko.Pagkatapos kong sabihin yun ay may hinanap naman ito.

"Here, pakipirmahan mo na din ito" sabay abot niya sakin ng papel kaya pinirmahan ko na lang ito.

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon