KABANATA 13
ROSELLA
Maaga akong nagising at naghanda ng susuotin ko para pang swimming mamaya, pagkatapos kong mag shower ay kinuha ko lang yung short na maikli at hanging blouse saka isinuot ito.Naglagay din ako ng Sun block lotion para hindi ako umitim mamaya.Pagkatapos ay lumabas na ako.
Nadatnan ko sila tita,tito,edward at si mama sa isang cottage nag iihaw sila ng isda at saka barbeque.Nagyaya naman si edward na mag swimming kami kaya kinuha ko yung isang salbabida sa gilid at tumakbo papuntang dagat sumunod naman siya sakin.Para kaming mga batang naglalaro sa ilog nakahiga ako sa salbabida habang siya naman ay nakakapit dito at dinadala ako sa medyo malalim kabadong kabado nga ako eh baka malunod kami pero pinagtawanan niya lang ako at ano daw silbi ng salbabida ko kung malulunod kaming dalawa.Pagkatapos naming magpalutang sa dagat ay umahon na kami nagpaturo na lang ako sa kanya kung paano mag surf board kaya ayun nagrenta kami ng dalawa saka pumunta kami sa pinakamababaw na tubig at dun niya ako tinuruan tawa siya ng tawa kasi lagi akong nadudulas tuwing isasakay ko ang paa ko sa surf board kaya prinactice pa namin ng prinactice hanggang natuto ako ng kunti pinasubukan niya akong mag surf sa mababaw kaya ginawa ko sobrang tuwa ko naman ng magawa ko ng hindi ako nalalaglag sa tubig napayakap pa nga ako sa kanya pero agad din akong bumitaw.Napaupo kaming dalawa sa buhanginan.
"woohh napagod ako dun ah pero ang saya nag enjoy ako sa ginawa natin"
"oo nga ella kahit lagi kang nadudulas kanina pfftt pero galing mo dun ha nakuha mo din"
"aba syempre sabi nga nila try and try until you succed diba? at saka magaling ata magturo ang trainor ko haha" sabay tawa ko ginulo lang nito ang buhok ko
"oh ano namang gusto mong sunod na gagawin natin mamaya?" tanong niya kaya napaisip naman ako habang nakatingin sa lalaking nagjejetski kaya lumawak naman yung ngiti ko.
"hehe alam ko na jetski tayo! di ko pa nasusubukan yun e" sabay nguso ko.
"okay sige pero mamaya na kumain muna tayo.. tara?" yaya niya tinulongan niya akong tumayo saka bumalik kami sa cottage.
"oh nandito na pala kayong dalawa tamang tama luto na yung inihaw namin ni Clarrise, sweetheart luto na ba yung iba?" sabi ni Tita Eunice
"konti na lang sweetheart matatapos na" sagot ni tito.
"anak kumain na kayo ni edward mukhang napagod ata kayo kakalaro" saka binigyan kami ni mama ng paper plate na tig isa kinuha naman namin yun at nagsandok ng kanin saka ulam.Umupo na din kaming dalawa ni edward saka nagsimulang kumain ganun din sina mama at sina tita't tito.
Gaya nga ng sinabi ko kanina sumakay kami ng jetski si edward ang nagmamaneho habang ako ang angkas niya sa likod napakapit na lang tuloy ako kanya pano ba naman ang bilis niyang magpatakbo kaya kinurot ko na lang siya sa tagiliran niya habang taw siya ng tawa.Pagkatapos ay palit naman kami ng puwesto ako ang nagmamaneho at nasa likuran ko naman siya para alalayan ako first time ko kasi na mag jetski kaya kinakabahan akong mag drive mabagal lang ang pagpapatakbo ko nung una hanggang nasanay na din ako ng tumagal kaya pinaharurot ko din ito gulat na gulat naman siya at napahawak sa bewang ko nailang naman ako sa ginawa niya pero patay malisya na lang ako akala niya siguro mabagal pa din yung pagpapatakbo kaya napamura siya . Bumalik na kami sa pangpang saktong pag baba namin ay nagulat kami kung sino ang nakita namin.
"wow kita mo nga naman nandito din pala kayo?" sabi ni Samuel.
"ang sweet niyo dun par nice!" si George naman ang nagsalita
"Hi Rosella!" si bella habang kumakaway na nakangiti nakasuot ito ng swimsuit bagay na bagay sa katawan niya nginitian ko na lang din siya, katabi nito si Jackson habang magkahawak silang kamay inalis ko na lang ang paningin sa kanila, nagulat ako ng makita si Ate Jen nakaswim suit din ito pero di kita dahil natatabunan siya ng kulay puting dress na manipis hanggang hita.
BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
AcciónPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...