EPILOUGE

245 4 0
                                    

BELLADINE CYRA

AFTER 4 YEARS'S

Matapos ang apat na taon masasabi kong napaka saya ko dahil sa wakas may happily ever after na din ako.Pagkatapos kasi ng ilang buwan noon pagka graduate nila kuya ay nagsimula na din silang pasukin ang business si kuya Magnus ang CEO ng Deogracia Company busyng sbusy siya sa pagpapalago ng kompanya namin syempre dahil may binubuhay na din siya isang taon na kasi silang kasal ni Ate jen at ngayon nga ay 8 months na siyang buntis.Si edward naman syempre siya din ang namamahala ng Buenavista Airlines na kung saan sila ang nagpapatakbo dito.Si Jackson naman masaya ako dahil buntis na ang fiancee nitong si Claudia hindi ko nga alam kung bakit hindi pa siya nagpopropose dito gayong malaki na din ang tiyan ni Claudia, baby girl ang anak nila at kambal pa ito.Si George naman ay isa nang Professor sa PIU hindi nga namin akalain na magiging seryoso yun na guro dati kasi puro babae lang ang inaatupag.Si Brandon sa states na siya namamalagi kasama ang Lola nito pero minsan bumabakasyon naman siya dito sa Pinas.At si Samuel? Girlfriend niya na ngayon ang kaibigan kong si Syrine masaya ako para sa kanilang dalawa kaya pala dati may nafifeel akong something sa kanila.Si Mama ? ayun may nanliligaw sa kanya si Tito Leon isang biyudo namatay kasi ang asawa nito sa sakit na Lukemia at may isa itong anak si Lenny 13 year's old na ito.At syempre ako naman ay kakatapos lang grumaduate noong tatlong buwan ang nakalipas at doon nag propose sakin si Edward iyak nga ako ng iyak nun e kasi nasurprise ako sa ginawa niya.At ngayon nga ay nakaharap ako sa isang salamin tinitingnan ko ang sarili ko na nakasuot ng puting wedding dress hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon.

Narinig kong bumukas ang pintuan at nakita ko si Mama at Mommy nakangiti sila pareho sakin.

"Ang ganda ganda mo anak"

"oo nga bella bagay na bagay sayo ang wedding dress hindi ako makapaniwala na ikakasal na ang prinsesa namin" naluluhang sambit ni mommy kaya natawa na lang ako.

"Ako nga din po Ma, Mom hindi ko namalayan na magiging isa na akong Mrs.Buenavista sobrang saya ko po talaga" sagot ko.

"oh basta anak tandaan mo kahit may asawa ka na tandaan mong mahal na mahal ka namin at ikaw pa din naman ang baby namin"

"oo nga anak at alam kong magiging isa kang mabuting ina sa magiging anak niyo excited na tuloy akong mag ka apo" namula naman ako sa sinabi ni Mama.

"salamat ma.. uhm masakit po ba kapag first time mommy?" nagkatinginan naman silang dalawa at tumawa nahiya tuloy ako.

"Hahaha wag kang mag alala nak sa una lang naman yan, sge na mauuna na kami sa labas anak magsisimula na ang kasal niyo" sabi ni mommy.

"Mom kinakabahan po ako" sabi ko niyakap naman nila akong dalawa kaya niyakap ko din sila.

"Alam ko anak ganun talaga kapag ikakasal ganyan din ako noon sa daddy mo ng ikasal kami" sagot ni mommy.

"oh siya anak mauuna kami sa labas naroon na din ang kotse na sasakyan mo"

"okay ma, mommy.. salamat po sa lahat lahat ng sakripisyo niyo sakin mahal ko po kayo pareho"

"Mahal din kita anak/Mahal ka din namin baby ng daddy mo"  saka lumabas na din sila tiningnan ko pa ulit ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto at sumakay sa kotse na sasakyan ko patungong simbahan.Sa isang malaking simbahan ang venue namin at sigurado akong maraming bisita ang naroon.Hawak ko naman ang bulaklak sa kamay ko.Kinakabahan talaga ako nag inhale exhale muna ako.

Makalipas ang 30 minuto ay tumigil na din ang kotse sa harap ng simbahan nakasara na ang pinto nito.Dahan dahan akong bumaba saka naglakad sa tapat nito maya maya ay bumukas na din ang pinto at sumalubong sa mga mata ko ang mga bisita na nakatingin sakin nakita ko si Daddy na lumapit sakin kaya inangkla ko naman ang braso ko sa kamay niya,siya ang maghahatid sakin patungo sa lalaking mahal ko.

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon