KABANATA 6
MAGNUS
Sabado ngayon kaya nandito ako sa kompanya namin para tulongan si papa sa pag hawak at pagpapalago nito.Pinipirmahan ko na lang itong ibang papeles na ipipresent sa mga boarders.
Ring
Ring
Natigil naman ako sa ginagawa ko at sinagot ang tawag sa kabilang linya
"Hello sir, pasensya na po sa istorbo pero may nagpupumilit pong pumasok ei 'ano ba papasukin mo sabi ako eh! Girlfriend niya ako di mo ba narinig!'" rinig ko sa kabilang linya napahilot na lang ako sa sintido ko
"papasukin mo Ms.Valdez" saka ko ibinaba ang telepono, ano bang ginagawa ng babaeng yun dito napasandal na lang sa upuan.Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at nakita ko siyang pumasok
"Anong ginagawa mo dito Jen?" tanong ko dito.Dumiretso ito sa couch at saka umupo
"wow ha ganyan mo ba batiin ang girlfriend mo Mr.Deogracia?"
"correction Ms.Salonga Fake Girlfriend lang kita, ano bang kailangan mo at pumunta ka pa dito?" naiinis kong tanong sa kanya.Totoong Fake Girlfriend ko lang siya, at isa pa siya na mismo ang humingi ng favor sakin na mag kunwaring mag boyfriend/girlfriend dahil ayaw niya kasing masakal este makasal sa lalaking iaarrange marriage sa kanya. Ka batch ko si Jen nung High School kami pero pagka college lumipat siya sa ibang bansa.
"Bakit sa tingin mo ba gusto ko ding pumunta dito kundi dahil sa hiningi kong pabor hindi ako pupunta dito.. Date tayo ngayon nagpadala ang daddy ko ng spy at ayokong mabuking tayo" mahabang litanya niya at sabay cross arms napataas na lng ako ng kilay sa sinabi nito.
"ibang klase ka din Jen ikaw pa ang nag yaya ng Date natin? ikaw na ba ang lalaki?" natatawa kong sabi.
"Gago! umu oo ka na lang wala din akong choice.. bakit nakita mo ba akong may lawit ha?!" nanggigil na tanong nito.Umuusok na naman yung ilong niya napaka pikonin talaga ng babaeng to.Napabuntong hininga na lang ako at saka tinapos ang pinipirmahan ko.Tinawagan ko ang secretarya ko at pina cancel muna ang meeting.
"Let's go.. tumayo ka na jan" sabay kuha ko ng suit na nakapatong sa may mahabang couch saka ito sinuot.Tumayo na din ito saka sumunod sakin palabas.
ROSELLA
Nakaupo ako ngayon dito sa park buti pa dito nakakarelax yung tipong mawawala lahat ng problema mo sana naging bata na lang ulit ako yung tipong puro laro lang at walang iniisip na problema.
"Boo!" nainis naman akong lumingon sa kanya ang hilig niya talagang manggulat eh no.
"Nakakainis ka talaga kapre bakit ba ang hilig mong manggulat ha! bakit ngayon ka lang?" sabay hampas ko ng shoulder sa bag sa kanya
"aray! duwende napaka sadista talaga, na traffic kasi ako ayyiiee ikaw ah namiss moko no?" pang aasar niya sakin
"hindi no! asa ka at saka magpapasama lang ako sayo may bibilhin lang! dami mong alam eh" sagot ko.
"asus miss mo lang ako eh don't worry na miss din kita hahaha! ayyiiee kinikilig na yan" namula naman yung pisngi ko parang tanga talaga niya kainis.
"taena mo wag kang assuming! dapat pala di na lang ako nagpasama sayo eh! arrgh bwesit ka talagang kapre ka!" sabay kurot ko sa tagiliran niya ilag lang naman siya ng ilang habang tumatawa.Dahil sa inis ko hinabol ko siya ng hampas ng bag takbo naman siya ng takbo kaya para kaming tanga dito na naghahabulan.
BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
ActionPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...