DH:21

172 4 0
                                    

KABANATA 21

BELLADINE CYRA

Narito na ako sa lugar kung saan ibinigay ng Hermoso na yun ang address.Dahan dahan akong naglakad naglakad papasok ng malaking building medyo luma na ito at giba giba na ang ilang bahagi ng pader nito.Pagkapasok ko ay pinakiramdaman ko ang paligid ko at tiningnan kung may mga kalaban.

Maligayang pagdating Prinsesa hahaha! bago tayo magsimula maglalaro muna tayo..

narinig kong may nagsalita galing sa speaker at may nakita akong screen dito nakita ko sina Mama,Mommy't Daddy pati na rin sina Tito at Tita na nakatali sa isang upuan may busal sin ang mga bibig nila at may nakatutok na baril dito.Halo halo ang nararamdaman ko ng makita ang kalagayan nila bigla itong nawala sa screen at nakita ko naman ang mga kaibigan ko nakatali ang kamay at paa habang ang sumunod namang lumabas sa screen ay si Grandma may sugat ito sa mukha at naka kadena ito ng nakatayo prehong may kadena ang dalawa niyang kamay na nakahiwalay.

Nakita mo na ang mga kalagayan nila hmm bibigyan kita ng 30 minuto para iligtas sila pero kapag hindi mo sila nailigtas papatayin ko sila..Kaya oras na para kumilos kana the time is start now.

pagkatapos niyang sabihin yun ay tumakbo na ako at hinanap kung nasaan sila itinago,sobrang laki at lawak nitong building kaya mahihirapan ako na hanapin sila.Pero kapag hindi ko naman sila nahanap sigurado akong papatayin sila at ayokong mangyari yun.Hindi pa man ako nakakalayo ay may humarang sakin na lalaki may hawak itong kutsilyo hindi na ako nag aksaya ng oras saka ito sinipa sa mukha napaatras naman ito sa ginawa ko pero sumugod ulit ito sakin umilag lang ako saka buong lakas na hinawakan ko ang braso niya at pinaikot sa likod niya saka ko siniko ang batok niya ng malakas at sinipa ang likod niya kaya napahiga ito kinuha ko ang kutsilyo magagamit ko ito mamaya.Hinanap ko ang mga kearto na pwedeng pagdalhan sa kanila.Pumasok ako sa isang kwarto pero walang tao dito ng mabuksan ko shit! nasaan sila? Naghanap pa ako ng kwarto pero wala din sila dito,nakarating ako sa may dulo at may isa akong kwarto na nakita naka lock ito humanap ako ng pwede kong pang sira sa padlock. May nakita akong tubo na bakal kinuha ko ito at buong pwersa na hinampas ang padlock, sa pangatlong hampas ko ay natanggal ito kaya dali dali kong binuksan ang pinto at nagulat ako ng makita ko sila.

"Nandito na ako! ligtas na kayo" sigaw ko.

JENNY

Natigil ang pag uusap namin ng marinig ang pag bukas ng pintuan may natanaw akong babae na nasa pintuan at lumapit samin may hawak itong baril.Nagulat naman kami ng makilala siya.

"Bella?" sambit ko.

"Sshhh wag kayong mag alala nandito ako para tulongan kayo" sabay lapit nito sa amin una niyang pinuntahan si jackson at pinakawalan ito sa pagkakatali sunod ay ako pinutol nito ang tali gamit ang isang maliit na kutsilyo at ganun din sa paa ko.Nang matapos niya kaming kalagan ay tumayo na kami.

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni Brandon sa kanya dahil sa nalaman namin kanina sa event ay nagalit kami sa ginawa niyang pangloloko.

"Brandon tumigil kana" saway ni jackson

"P-pasensya na kung niloko ko kayo h-hindi ko naman iyon ginusto sasaktan niya ang mommy ko kapag hindi ko siya sinunod.. Sorry sa lahat ng nagawa ko sana mapatawad niyo ko." sabi nito, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.

"pinapatawad na kita alam kong wala kang kasalanan sa nangyari at tinakot ka lang ng hayop na yun" sabi ni jackson

"salamat.. uhm ang totoo kong pangalan ay Claudiabelle Mervaine tawagin niyo na lang akong Claudia" sabi nito.

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon