KABANATA 4
ROSELLA
Minulat ko yung mga mata ko puting paligid lang ang nakikita ko.Nasaan ako?
"oh mabuti naman at gising ka na,okay na ba ang pakiramdam mo? may masakit ba sayo?" napatingin naman ako sa nurse kung ganon nasa clinic ako.Bumangon naman ako saka umupo.
"okay na po ako, ano pong nangyari sakin? pano pala ako napunta dito?" sunod sunod kong tanong dahil nakakapagtaka naman ang alam ko lang nasa cr ako kanina.
"Nahimatay ka daw sa cr totoo ba yun? ah may nagdala dito sayo pero sabi niya wag ko sabihin kung sino siya hay nakung bata yun may pa mysterious effect pa" sagot naman niya sakin.
"opo nahimatay nga po ako may nag lock po kasi sakin sa cr"
"ano?! jusko maria kaya naman pala buti na lang at may nakakita sayo kawawang bata naman ito oh. Oh siya kumain ka dito nagpabili ako kanina ng pagkain tanghali na at wala ka pang kinain masama sa kaluasugan ang nagpapagutom" napangiti naman ako sa sinabi niya ang bait niya sana lahat ganun.
"maraming salamat po Ms.Nurse sa pag bantay po sakin at pag alaga tapos binilhan niyo pa po ako ng pagkain" kinuha ko naman ang plastic na may lamang pagkain at saka kinain ito, ang sarap para akong hindi nakakain ng ilang araw dahil sa gutom.
"oh dahan dahan wala namang naghahabol sayo naku mabulunan ka pa, anong ngang pangalan mo?" tanong niya.
"Rosell Libutan po.." sagot ko dito.
"ah.. ako naman si Jenny Salonga,tawagin mo na lang akong Ate Jen ay teka may ibibigay pala ako sayo yung ID mo" sabi niya kinapa ko naman sa kaliwang dibdib ko yung ID ko oo nga wala dito, nalaglag siguro.
"Oh eto binigay yan sakin ni pogi sabi niya ibigay ko daw sayo nalaglag mo siguro kanina nung mawalan ka ng malay" sabay abot niya sakin ng ID ko ikinabit ko naman ito sa uniform ko pin lang kasi siya kumbaga hindi siya katulad ng ibang ID na isinasabit sa leeg.
"Ate jen maraming salamat po ah .. ahm aalis na din po ako may klase pa kasi ako" kinuha ko naman ang bag ko saka sinukbit ito sa balikat ko.
"oh sige mabuti pa nga at lalo na kanina hindi ka nakapasok sa pang umaga bawi ka na lang ulit sa sunod.Mag ingat ka din""
"Opo Ate jen sige po aalis na ako." paalam ko saka lumabas na ng clinic.
Naniniwala talaga ako na hindi lahat ng tao masama buti pa si Ate jen ang bait niya saka ang ganda pa salamat sa kanya kasi binantayan niya ako saka pinakain pa.Pero sino kaya yung nagdala sakin sa clinic paano ko siya mapapasalamatan eh hindi naman siya nagpakilala. Parang Deja Vu.
Pagkarating ko ng classroom ay tahimik lang sila habang nakatingin sakin ng pumasok ako hindi ko na lang sila pinansin saka dumiretso na sa upuan ko.Nag quiz lang kami sa isang subject namin at yung pangalawang subject naman ay nag by group lang about sa magiging activities namin bukas.Matiwasay naman na natapos yung araw ko ngayong hapon pero hindi dapat ako makampante dahil tiyak bukas may panibago na namang di kaaya ayang mangyayari sakin. Pagkalabas ko ng building namin ay naglakad lakad muna ako hanggang sa mapadpad ako dito sa isang garden kaya naupo na lang ako saka pinagmasdan ang kalangitan napaka aliwalas ng panahon ngayon malapit na ding lumubog ang araw, naisip ko tuloy para akong araw bawat kinabukasan kasi lumulubog ako i mean yung tipong lagi akong nadadapa na parang bata. Napabuntong hininga na lang ako naiisip ko sina mama at papa yung akala mo ang sweet nila at mahal ang isa't isa pero kapag sila ng dalawa lagi kong naririnig ang iyak ni mama, alam ko nasasaktan na siya sa ginagawa ni papa minsan na lang siya umuwi naiisip ko nga pamilya ba talaga kami?
BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
ActionPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...