DH:02

242 8 0
                                    

KABANATA 2

Rosella

Isang linggo na ang nakakalipas nung mag away sina mama at papa.Nakita ko nga kinaumagahan may pasa na si mama sa piangi niya alam kong sa pagsampal yun ni papa kaya niyakap ko lang si mama nun para iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya at hindi siya iiwan.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang naglalakad sa hallway kaya hindi ko namalayan na may naka bunggo ako.

"Damn! ano ba hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? bwesit!" natakot naman ako sa lakas ng pagkakasigaw ng lalaki na nakabunggo ko kaya yung ibang estudyante napatingin na din samin.

"s-sorry po! pasensya na hindi ko po sinasadya." sabay yuko ko ayoko siyang tingnan nakakatakot kasi yung sigaw niya.

"Tatanga tanga ka! Umalis ka nga dyan sa harap ko paharang harang ka ei!" sabi nito at dahil sa takot ko tumabi ako habang nakayuko pa din.

"uy girl si Brandon ba yun? hindi niya kasama yung iba"

"oo nga, wait mukhang may ginawa yung girl look oh sinigawa siya ni brandon"

"hindi kasi tumitingin sa dinadaanan buti nga sa kanya"

"kawawa naman si girl baka siya na ang isunod na ibully ng grupo ni Magnus"

Hindi ko maiwasang matakot ng marinig yung sinabi nung babae baka nga mabully ako ayokong mangyari yun.Tumakbo ako papasok ng Girls room nagulat naman yung iba dun ng makita ako pero di ko na lang pinansin at pumasok sa isang cubicle.

Lunch Break

Nakayuko ako habang kumakain ng spaghetti katulad nung first day ito lagi ang binibili ko dahil ito lang ang mura na pagkain dito yung iba kasi ang mamahal kaya hindi ko na lang binili lalo na at nag iipon ako ng pera.Habang kumakain ako narinig ko na lang na umabante ang isang upuan sa harap ko at ramdam ko na may umupo dito hindi lang isa kundi dalawa sila,hindi ko na lang sana papansini dahil baka makikiupo lang sila hanggang sa nagsalita yung isa.

"Hoy!" napaangat naman ako ng tingin at laking gulat ko ng makita yung lalaki kanina na nakabunggo ko.

"b-bakit? a-anong kailangan niyo?" nauutal kong tanong.Ngumisi lang ito saka nag cross arms.

"Anong kailangan namin? pag sinabi ko ba susundin mo? sagot!" sigaw nito.

"easy par ikaw naman tinatakot mo agad itong si Binibini, Hi i'm George and this is brandon.What's your name?" tanong nito.

"a-ako si Rosella.."

Napatango tango naman ito para bang tinatandaan ang pangalan ko.Maya maya bigla itong sumeryoso kaya kinabahan naman ako sa kanilamg dalawa hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sakin.

"hmm so Binibining Rosella gaya nga ng sinabi ni Brandon sususnod ka ba sa sasabihin niya? At kapag hindi mo lang naman sinunod ang sinabi niya simple lang magiging laruan ka namin at ng estudyante for the whole year. Ayaw mo naman nun hindi ba?"

Natakot naman ako sa sinabi niya ayoko atang mabully na naman kaya kahit ano gagawin ko wag lang nila akong pagtripan.

"ano bang gusto niyo?"

"hmm gusto ko?.. Ibili mo kami ng pagkain total gutom na kami ng mga kasama ko damihan mo ah" sabi nung brandon at ang lawak ng pagkangisi niya sakin.

"s-sige.. akin na yung pera niyo ibibili ko kayo" sabi ko. Kumunot nqman ang noo nila at maya maya ay tumawa pa.

"hahaha pfftt! hoy tangang babae ang sabi ko ibili mo kami ng pagkain gamit yang pera mo! tatanga tanga talaga"

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon