KABANATA 15
Nakaupo lang kaming lahat dito sa labas at naghihintay ulit halos wala kaming imikan at nakatulala lang si Tita Clarrise sa nangyari.Si jackson na nakaupo sa sahig at nakayuko sa mga tuhod nito habang nakasandal sa pader, si edward na nakatayo sa gilid ako naman ay nakaupo sa upuan katabi sina Bella at Jen at sa tabi nila ay sina tito,tita, mommy at tita clarisse. Kung ganun hindi pala talaga anak ni Tita Clarrise si Rosella nalaman ko kasi nung oinaimbistigahan ko wala din siyang anak na lalaki kaya nagtataka tuloy ako kung sino iyong nabanggit ni Rosella.Natigil lang ako sa pag iisip ng bumukas ulit ang pinto lumabas dun si Daddy malungkot ang mukha nito.
"Hon? kamusta nasalinan na ba ng dugo si Rosella?" salubong ni mommy dito.Umupo lang si Daddy na tahimik.
"Hon?"
Maya maya ay may nagtatakbuhan na mga nurse papasok ng operating room..Kaya nagtaka na kami bakit sila nagtatakbuhan? May isa pa ulit na doctor ang pumasok kaya hinarang ko ito
"Doc anong nangyayari bakit maraming nurse ang pumasok sa loob?" tanong ko
"Nag aagaw buhay ang pasyente sa operating room kaya kailangan naming tumulong,pasensya na" saka ito dali daking pumasok ng loob dahil sa sinabi nito ay pumasok na kami sa loob wala kaming pakialam kung paalisin man nila kami
"Anak! parang awa mo na wag mong iwan si mama! huhu hindi ko kaya! anak ko!"
"huhuhu*huk* r-rosella lumaban ka please kahit konting sandali lang kita nakasama napamahal na ako d?sayo" si jen habang humihikbi.
"I'm sorry kasalanan ko to sana di na lang kita iniwan sa gubat sana hindi ko na lang sinunod yung sinabi mo na umalis na ko" sabi ni bella.
"a-anak wag mong sisihin ang sarili mo walang may gusto ng nangyari"
"Ella! tangna lumaban ka! ella!"
"duwende shit! patawad! fuck! please kaya mo yan lumaban ka wag naman ganito oh promise babawi ako sayo wag mo lang ako iwanan fuck!"
Nakita ko ang mga nurse at doctor na pilit nila itong sinasalba gamit ang chest pum machine para bumalik yung tibok ng puso.
*tttoooooottttt*
"Clear!"
"hindi pa din doc"
"positive 145 charge"
"Clear!"
Napatingin ako sa machine kung saan makikita ang line ng tibok ng puso niya flat na ito.Nakaramdam na lang ako na lumuluha na pala ako at tuloy tuloy ang bagsak nito sobrang sakit din ng puso ko na parang pinipiga hindi ko alam kung bakit.
"ROSELLA!"
"CLEAR!"
"Positive 300 charge!"
"p-pero doc?"
"Gawin mo na !"
"Yes doc!"
"CLEAR!"
"D-doc bumalik na ang tibok ng puso niya!"
*ttooott**ttooott**ttooott*
Inilipat agad si Rosella sa Manila at dinala sa ICU pagkatapos ng ilang araw ay nilagay na siya sa isang private room, hanggang ngayon comatose pa rin siya at hindi sinabi ng doctor kung kelan siya magigising si Tita Clarrise ang nagbabantay sa kanya, tinutulongan din nina mommy at tita Eunice siya sa pagbabantay minsan din ay dumadaan kami dito pagkauwian galing school.Minsan ay sinasamahan sin ni Jen si Tita na magbantay dahil sa laki na din ng eye bug nito sa mata sa pagbabantay.Nag aalala na din kasi sina mommy sa kalagayan nito.
BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
ActionPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...