DH:18

187 5 0
                                    

KABANATA 18

BELLADINE CYRA

Kasama ko ngayon si Edward nasa Park kami namamasyal este nag di date.Magkahawak kamay kaming naglalakad ng may makita akong nagtitinda ng fish ball ay hinila ko siya papunta dito saka bumili kami nung una ayaw niya kumain pero sinubuan ko siya kaya ayun kumain din siya.Masarap daw kaya dumagdag pa siya.Pagkatapos naming kumain ng street foods ay may nakita kaming nagpaparenta ng mga bike sa namamasyal kaya rumenta kami ng isang bike siya ang nagmamaneho at nagpipidal samantalang ako ay nakakapit lang sa bewang niya habang nakaupo ako sa likod.Parang naulit lang nung nagjejetski kami isa yun sa mga moments naming dalawa na magkasama.Sinulit na namin ang araw namin ngayon hindi nga kami pumasok eh nagpadala na lang si lola ng excused letter namin sa school.

"Ang saya ko alam mo bang first date ko to sa isang lalaki na gusto ko?" sabi ko pa sa kanya nung nagpahinga kami sa isang upuan habang kumakain ng ice cream

"ako din naman first time kong maka date yung babaeng papakasalan ko" sabay tingin nito sakin maya maya ay inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko at nakatingin pa ito sa labi ko.Kaya namula naman ang pisngi ko.Nagulat na lang ako ng dumapi ang labi niya sa gilid ng labi ko at dinilaan ito kaya hindi naman ako nakagalaw sa inuupuan ko.

"Hmm sweet lasang strawberry" sabi nito at kinindatan pa ako napayuko na lang ako sa pamumula ng mukha ko.Strawberry kasi yung flavor ng ice cream ko.

"Ang PDA mo!" sabi ko dito saka hinampas siya sa braso sinangga niya lang ito, nakakahiya baka may mga naka kita sa ginawa niya.

"gusto mo naman? pfft haha namumula mukha mo oh your blushing Darling" pang aasar niya pa.

"hmmp ewan ko sayo" sabi ko dito.

DEOGRACIA FIVE STAR H&R

Dumating na ang pinaka hihintay naming event at nandito nga ako sa may dressing room kung saan nilalagyan ako ng make up sa mukha Red fit gown ang suot ko ngayon na mahaba hanggang paa may hiwa ito sa hita na kung san kita ang maputi kong legs, sigurado akong maiinis si edward dahil ganito yung suot ko well possessive much ang soon to be husband ko.Nakasuot din akong mataas na high heels pointed na kulay black siya pero sanay na akong mag suot ng ganito. Ginawa nilang bun ang design ng pagkakaipit sa buhok ko habang may mga ilang buhok naman na naiwan sa gilid ng tenga ko para style kumbaga.

"Wow ang ganda ganda niyo po señorita napaka swerte po sa inyo ni señorito edward dahil kayo ang mapapangasawa niya" compliment ng kasama ko ditong si Maria ang maid sa bahay ni lola.

"Thank you maria.." nakangiti kong sagot dito.

Halo halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon pinagpapawisan na din ang mga kamay ko.Maraming mga bisita ang dumalo mga kakilala ni lola kasama nina mommy at daddy sa business at ilang malalaking kompanya ang dumalo dito.Hindi alam nina Mom and Dad kung para saan ba talaga itong event na to ngayon kasi irereveal ni Grandma ang totoo.Nakita ko din na ang mga bisita dito ay taga PIU at syempre sila jackson andito din si ate jen at syempre ang bitchfriend ko.Nung sinabi ko nga sa kanya hindi siya makapaniwala eh pero support daw siya samin ni edward.

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto pumasok si Edward at masasabi kong ang gwapo gwapo niya sa suit niya.Lumapit ito sakin at niyakap ako na para bang sinasabi niya na nasa tabi ko lang siya at hindi niya ako iiwan.

"Don't worry darling i'm here wag kang kabahan okay?" sabi nito.

"Yes Darling .. hindi naman maiiwasan yun syempre.. Nasan na pala si lola?"

"kasama niya sila mom and dad kasama ang mommy at daddy mo pati si tita clarrise" sagot niya.

"o-okay.."

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon