KABANATA 8
MAGNUS
"Kuya mahal din kita wag kana aalis sa tabi ko" sabi nito pagkatapos ay bigla na lang siyang nawalan ng malay mabuti at nasalo ko siya.
"oh my god ang anak ko" saka lumapit dito ang mama niya
"wag kayong mag alala Mrs.Libutan nawalan lang po siya ng malay hintayin na lang natin na dumating ang doctor dalhin ko po muna siya bakanteng room" saka ko siya binuhat at dinala sa bakanteng room dito sa Five star. Ang restaurant na ito ay pag mamay ari ng pamilya namin.Pagkapasok ko ay inihiga ko siya sa kama hindi ko alam na nakasunod pala sina mommy at daddy.
"Mom, Dad what are you doing here? kailangan kayo ng mga bisita sa labas ako na lang po magbabantay sa kanya" sabi ko sa kanila
"Ito kasing mommy mo son hindi daw siya mapakali hanggat hindi nakikita ang anak ni Clarrise"
"Nag aalala lang naman ako saka sinabi ko na sa MC na ientertain muna ang mga bisita natin ayokong magcelebrate ng may ganitong nangyari" sabi ni mommy saka lumapit kay rosella hinaplos nito ang mukha niya.
"Ang ganda ganda niya para siyang anghel kung matulog ganitong ganito din si Bella"
"Hon please hindi siya si bella okay siya si Rosella" saka hinawakan ni daddy ang balikat ni mommy
Bigla namang pumasok ang mama ni Rosella kasunod nito ay ang Doctor namin si Mr.Ong mula pagkabata namin ay siya na ang naging doctor ng pamilya namin dahil siya lang mapagkakatiwalaan ni Daddy.
"Doc Ong please paki tingnan mo muna ang kalagayan niya bigla na lang kumirot ang ulo niya sabi ni Clarrise" sabi ni mama
"Doc ang anak ko sobrang sakit daw ng ulo niya at parang bibiyak hindi ko po alam kung bakit" naiiyak na sabi ng mama ni Rosella.
"Misis, Mrs.Deogracia wag po kayong mag alala ako na ang bahala sa kanya ang kailangan ko lang ay kunsoltahin ang ulo niya para malaman natin kung may something na kakaiba" paliwanag ng doctor pinaupo muna ni daddy si mommy gayundin si Tita Clarrise samantalang ako ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang ginagawa ni Dr.Ong.May inilabas itong suitcase at may mga kung anong Xray na maliit saka inexamine ang ulo niya.May kinabit din ito sa ulo ni rosella na nakakonekta sa maliit nitong mini screen kung saan makikita ang damage nito.
Makalipas ng mahigit 30 minuto ay tapos na ding inspectionin ng Doctor ang ulo niya.Napabuntong hininga pa ito ng malalim bago nagsalita.
"Misis kelan niyo ho huling pina check up ang bata?" tanong ng doctor kay tita Clarrise
"Ang huli kong dala sa kanya sa ospital ay yung.. *huk* yung punong puno siya ng dugo sa ulo niya huhu" sabay hagulhol nito inalo naman siya ni mommy.
"Dr.Ong ano ho bang nakita niyo? kamusta na po ang lagay ni rosella?" nag aalalang tanong ni mommy
"Mrs.Deogracia wala po akong nakita na dahilan maliban lang po sa maliit niyang sugat sa ulo niya nung bata siya kaya siguro kumikirot pero hindi naman siya dahilan para sumakit bigla ang ulo niya.. Misis nag karoon po ba ng amnesia ang anak niyo?" tanong ng doctor kaya pati ako ay napakunot ang noo sa tanong nito.Tiningnan ko naman si Tita Clarrise mukha itong kinakabahan.
"Ang alam ko lang pagka gising niya wala na siyang maalala pagka gising niya isang linggo din siyang nacoma sa ospital" sagot nito.
"Mas mabuti pa misis dalhin niyo ulit siya sa ospital para obserbahan ang ulo niya.. Mr. and Mrs.Deogracia mauuna na po ako" paalam nito kina mom and dad.
BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
ActionPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...