DH:05

210 7 0
                                    

KABANATA 5

ROSELLA

Napahikbi na lang ako dahil sa takot baka may nangyari na sa kanyang masama,tumayo ako saka dahan dahan naglakad papunta sa kanila.Pero hindi pa ako nakakalapit ng may yumakap sakin.

"sshhh ayos lang ako tara na umalis na tayo dito" sabay bitaw niya sakin ng pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko sabay naming dalawa na tinahak ang eskinita palabas.Sobrang natuwa ako dahil sa wakas nakalabas din kami ng buhay akala ko talaga katapusan na namin at nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi niya ako iniwan doon.

"woohh sa wakas nakalabas din tayo maraming maraming salamat sa pag--" hindi ko na natapos magsalita dahil paglingon ko bigla na lang siyang bumagsak sa sahig kaya kinabahan naman ako.

"uy gising! gising!" sabay yugyog ko dito pero talagang nawalan siya ng malay natakot naman ako anong gagawin ko? Dahil tinulongan niya ako kanina ako naman ngayon ang tutulong sa kanya tiningnan ko naman kung may sugat siya hanggang sa may nakapa akong malapot sa tagiliran niya kaya tiningnan ko ito, nanlaki ang mga mata ko ng makitang dugo ito. Nataranta naman ako lalo.

"Tulong! tulongan niyo kami! huhuhu"

"Miss anong nangyari?" nakaramdam naman ako ng tuwa ng may humintong trycicle

"Manong tulongan niyo ako dalhin natin siya ospital!" sigaw ko tinulongan niya naman ako na buhatin ito at pinatakbo ng mabilis ang tycicle.

Ospital

Magdamag akong walang tulog dahil sa nangyari, umaga na ngayon at antok na antok ako buti na lang at isinugod ko agad siya ng ospital dahil kung hindi ay baka marami ng dugo ang nawala sa kanya sabi sakin ng doctor. Nailipat na din siya ng room ayokong pumasok dahil natatakot akong malaman kung sino siya alam ko naman na ayaw niyang makita ko ang mukha niya kaya rerespetuhin ko yun kapalit ng pagprotekta niya ulit sakin ngayon.Kaya nga nandito lang ako sa labas at nakaupo.

Maya maya pa ay lumabas na ang doctor at nurse sa kwarto niya kaya tumayo naman ako at lumapit dito.

"Doc kamusta na po ang lagay niya? Gising na po ba siya?" tanong ko.

"wag kang mag alala stable na ang kalagayan ng pasyente hindi pa siya gising pero mamaya baka magising na din siya, ito reseta niya para gumaling agad ang sugat niya at hindi mainfection" inabot niya sakin ang reseta at kinuha ko naman ito.

"Maraming salamat doc.. ako na pong bahala ibibili ko na lang siya nitong mga reseta"

"sige..mauna na kami pwede kanang pumasok sa loob"

"sige po doc" pagkatapos ay umalis na sila.Naupo ulit ako sa upuan hindi ko na alam ang gagawin ko. Naisip ko naman si mama baka nag aalala na yun dahil hindi ako nakauwi lalo na at may lagnat din siya. May pasok pa ako ngayon hayss ang malas ko talaga kahit kelan.Siguro ay uuwi muna ako ngayon saka ko siya bibilhan ng mga reseta wala pa naman akong dalang pera ngayon.
Umalis na ako ng ospital saka pumara ng trycicle sa bahay ko na lang siya babayaran, pagkarating ko ng bahay ay nadatnan ko si mama sa lamesa nakaupo ito at maga ang mga mata.

"Ma?" tawag ko dito.

"jusko ko anak saan ka ba galing bakit hindi ka umuwi alalang ala ako sayo akala ko may nangyari na sayong masama" sabay yakap nito sakin at naluluha pa.

"Ma pasensya na po kung pinag alala ko kayo may nangyari lang po kasi at saka Ma kailangan ko na pong umalis agad may kukunin lang po ako" saka pumasok ako sa kwarto at binuksan ang Box kung saan ko iniipon ang mga pera ko kinuha ko ito sa lalagyan at saka lumabas ng kwarto

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon