KABANATA 19
BELLADINE CYRA
Hindi pa rin tumitigil ang putukan sa labas at anu mang oras ay matutunton kami ng kalban kaya kailangan agad naming umalis.
"Lola? Ano na pong gagawin natin pag tumagal pa tayong lahat baka matunton tayo nila dito" salita ko.
"Mabuti pa dun tayo dumaan tara habang hindi pa nila tayo nakikita dito .. nandoon ang van nakapark sa parking at kailangan agad nating makapunta dun at makaalis sa lugar na to"
Naunang maglakad at tumakbo sila mommy't daddy pati sina lola at ang iba kami naman ni edward at jackaon ang nahuli sa unahan namin ay sina kuya. Hindi pa kami nakakalayo ng may sumulpot na lalaking may baril sa gilid balak na sana kami nitong paputukan ng sipain ni edward ang kamay nito kaya tumalsik ang baril na hawak nito napa aray naman ang lalaki at sumugod ng suntok pero naunahan ito ni edward at sinuntok sa mukha sabay sipa nito sa tiyan ng lalaki kaya tumalsik ito sa pader.
"shit hindi rin tayo ligtas dito baka nasundan na tayo" sabi nito.Pinulot niya yung baril na nabitawan nung lalaki.
BANG!
BANG!
"Aaahh!"
"omg!"
"fuck muntik na ako tamaan par!"
Napayuko na lang kami at hinila ako ni edward sa kabilang pader para hindi kami mataan ng bala ganun din ang iba naming kasama patuloy itong nagpapaputok sa amin.Ikinasa naman ni edward ang hawak nitong baril at pinaputukan niya din yung lalaki kaya natamaan ito at natumba sa sahig napatakip na lang ako ng tenga.
"are you okay darling? don't worry i'm here.. let's go habang wala pang kalaban na dumadating."
"okay lang ako.. tara" sagot ko
Lumabas kami sa pinagtataguan namin at saka tumakbo na pero napansin kong hindi ko makita sila mommy kasama sina lola. At ang kasama lang namin ay sina kuya magnus samuel at george.
"Kuya bakit kayo lang nasaan sila mommy at lola?" taka kong tanong habang tumatakbo kami
"wag kang mag alala princess pinauna ko na sila sa sasakyan ayaw nga sanang sumunod nina daddy pero hinila na sin sila ni lola kasama nila sina tita at tito at ang iba pa nating kasama bilisan na natin naghihintay na sila doon" sagot nito.
"shit par parang gusto ko din humawak ng baril" biglang imik ni Samuel
"haha seryoso pare pfft ang hina mo naman"
"wag mo nga akong pagtawanan! kapag ako talaga natuto bumaril uunahin kita par" asar na sabi nito kay George.
"uy joke lang par hehe ikaw naman parang di tayo magkaibigan niyan e"
"At saan kayo pupunta mga bata?" napatigil kami sa pagtakbo ng harangan kami ng apat na lalaking may baril kaya itinago naman ako nina kuya sa likod nila.
"tangina mga pre ayoko ma mamatay di ko pa nakikita yung babae na para sakin" salita ni George
"ulol sa chick boy mong yan par wala ka pading napipili ikaw pala ang mahina eh?" si samuel naman .
"tama na ang satsat! ibigay niyo samin ang babae!" sigaw nung lalaki na malaki ang katawan habang may nakatutok na baril ito sa amin.
BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
AksiPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...