KABANATA 14
ROSELLA
Pangalawang araw na namin sa Beach Resort at masasabi kong nag enjoy naman talaga ako dahil sa ganda ng tanawin pwera lang sa hindi kaaya ayang tanawin na nakikita ko ngayon.Magkasama kasi sa isang bangka sina Jackson at Bella nakita ko kung gaano ngitian ang dalaga inilagay nito sa tenga ng babae ang nililipad niyang buhok dahil sa lakas ng hangin.Nawala sa paningin ko ang dalawa ng may humarang na katawan at saka ito pumantay sakin mukha ni edward ang nakita ko na sobrang lapit kaya napa atras ako.
"hoy ano ba lumayo ka nga saka bakit ka ba naharang dyan"
"ang kulit kulit mo sin kasi e. Sinabi nang wag mo silang titingnan masasaktan ka lang"
"handa akong masaktan kung kinakailangan psh" sagot ko.
"hays halika may pupuntahana tayo" sabay hila niya sakin patayo saka naglakad kami kung saan.
"uy, uy? saan naman tayo pupunta edward? wait lang ang bilis mo maglakad matatapilok ako niyan e" sabi ko rito pano kasi ang bilis bilis maglakad ang laki pa ng hakbang ng lakad niya.Tumigil ito at pumantay sakin ng paglalakad hindi naman gaano kalayo ang nilakad namin maya maya ay nakarating sa mga may may magkakatabing tindahan 'Palawan's Memorable Shop' yun ang nakapaskil sa taas ng tindahan kaya hinila na ako ni edward papasok.Pagkapasok namin ay namangha ako sa mga tinda nila may bracelet na gawa sa sihi, may kwintas din na marmol na may nakaukit na palawan,may nakita din akong iba't ibang kulay na t-shirt may mga naka print ditong 'I love Palawan' 'It's more fun in the philippines' may mga short din na pang beach,sumbrero na malapad, at ang nagustuhan ko ay mga keychain kaya lumapit ako dito at pumili ng maganda.Nung nakapili na ako ay hinanap ko si edward busy din ito sa pagpili ng bibilhin niya nakita ko naman iyong white t-shirt kaya binilhan ko na lang din si mama.Pagkatapos ay binayaran na namin yung mga binili namin saka lumabas.
"Anong binili mo ella?" tanong niya
"binilhan ko lang si mama ng t- shirt ay oo nga pala wait lang..oh sayo na yan remembrance ko din sayo kasi uhm salamat sa pagliligtas mo sakin lagi kaya tanggapin mo yan wag mong iwala ah" sabay abot ko sa kanya ng keychain na Superman chibi ang kyut nga e.Tinanggap niya naman yun.Kinuha niya din yung kamay ko saka may kinuha siya sa bulsa at isinuot sa kamay ko, bracelet siya.
"Gift ko din sayo wag mo ding iwala yan" sabi niya napatingin na lang ako sa bracelet na binigay niya ang ganda ngumiti naman ako sa kanya.
"Thank you.."
Bumalik na kami sa Cottage namin naabutan namin na kumpleto sila doon nandon kasi sila Magnus at mga kaibigan niya pati si Mr. and Mrs.Deogracia naabutan namin sila na nagtatawanan.Lumapit naman ako kay Ate Jen.
"Ate may ibibigay ako sayo.. remembrance ko hehe" sabay abot ko sa kanya ng keychain din heart siya may nakasulat dito na 'IlovePalawan' natuwa naman ito sa bigay ko at nagpasalamat siya.Napansin ko na parang may kulang hindi ko nakita si Bella at Jackson.Wag ka na magtaka Rosella malamang magkasama sila ngayon.Nagpaalam ako kay ate jen na mag babanyo lang kaya bumalik ako ng Hotel pagkatapos kong mag cr ay humiga muna ako saglit at tumayo na din lumapit ako sa may bintana at pinagmasdan ang buong paligid.May nahagip naman ang mga mata ko nagulat ako ng makita si Bella na kinakaladkad ng mga lalaki,mabilis akong lumabas ng kwarto at tumakbo palabas hinanap ko sila at nakita ko na pilit dinadala si Bella sa may kakahuyan kaya sinundan ko sila.
"Ano ba let me go! Saan niyo ako dadalhin?"
"tumahimik ka kung ayaw mong patayin ka namin dito"
"help! tulong---" tinakpan ng malaking lalaki ang bibig ni Bella para hindi ito makasigaw dahan dahan ko silang sinundan at hindi gumawa ng ingay naghanap ako ng bagay na pwede kong magamit nakakita naman ako ng isang medyo mataba at mahabang kahoy pwede na to.Bali tatlo silang lalaki may baril sila sa bewang nakita ko nakaipit sa likod nila pano kung makita ako at barilin nila? Bahala na.Tumigil sila sa may malaking bato at tinulak pabagsak si Bella.

BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
ActionPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...