KABANATA 20
JENNY
Nagising ako dahil sa naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko pagkamulat ko ay isang mukha ng panget na lalaki ang nakita ko.Nakatali ang mga kamay at paa ko kaya hindi ko magawang ikilos ang mga katawan ko inilibot ko naman ang paningin ko nakita ko si Syrine na wala pa ding malay nakatali din ito katabi ko ganun din sila Jackson at Brandon.
"wag mo akong hawakan lumayo ka sakin!" sigaw ko dito.
"aba gising kana din Miss Sexy hmm" sabay ngisi nito tiningnan ko lang ito ng masama.
"pakawalan niyo kami!" sigaw ko.
"Gusto mong pakawalan ko kayo? hmm pero may kapalit, papaligayahin moko miss" sabay lapit ng mukha nito sakin na may halong pagnanasa.Inilayo ko ang sarili ko sa kanya.
"Hayop ka!" sigaw ko.
Maya maya ay bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki.
"Pre ang sabi ni Boss wag silang galawin, lumabas ka na at magbantay sa pinto" sabi nito, binalingan lang ako nung manyakis na lalaki saka lumabas sila ng pinto narinig ko din ang pagkalansing ng bakal mukhang ni lock nila ito para hindi kami makatakas.Nasa isang madilim at madumi kaming kwarto tanging isang ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag.Naisip ko tuloy sina Tita at Tito saan kaya sila dinala? pati si Lola Madelline.Niyugyog ko naman ang katabi kong si Syrine gamit ang balikat ko.
"syrine? uy gumising ka.. syrine! gising!" sabi ko pa ilang saglit pa ay gumalaw na din ito dahan dahang minulat ang mga mata niya.
"Jenny?. teka anong nangyari?" tanong nito saka tumingin sa paligid gulat naman itong nakita ang dalawang kasama namin na wala pa ding malay.Nagulat sin ito ng makita na nakatali ang kamay at paa niya.
"Hindi ko alam kung saang lugar tayo nila dinala basta nagising na lang ako ganito na ang kalagayan natin" sagot ko sa tanong niya.
"Pakshet naman paano tayo makakatakas nito sobrang higpit ng pagkakatali nila sa 'tin." sambit nito at pilit na ginagalaw ang mga kamay at paa nito.
"hindi tayo makakatakas agad may nagbabantay sa labas at sska naka lock tayo dito para hindi tayo makalabas" dugtong ko pa mas lalo naman siyang nainis sa narinig niya.
"tangina pag ako lang talaga makawala dito yari talaga sila sakin mga bwesit sila!" galit na sigaw nito.
"sshhh wag kang maingay baka marinig tayo.. teka gisingin na lang natin yung dalawa" sabi ko pa at para akong uod na umuusod papunta sa dalawa saka sinipa sipa ang mga binti nila.
"psst jackson! brandon! gumising kayo.. huyy ano ba gumising kayo jan" sabi ko saka sinipa sipa ulit ang binti nila.Lintek tulog mantika.
"hoy mga kolokoy! gumising kayo nasusunog na tayo!" sigaw ni syrine bigla namang nagising ang dalawa at nagtataka pa saka tumgin sa paligid hanggang sa nakita nilang nakatali sila.
"Damn hindi ako makagalaw!" si jackson.
"tangina bakit ako nakatali? tayo?" si brandon naman.
"malamang kinidnap tayo eh tanga ka ba?" sagot ko dito at inirapan na lang..
"shit! paano na tayo niyan? anong gagawin natin?" dugtong nito na inis na inis.
"hindi tayo makakatakas ng ganito kailangan nating makawala sa mga tali nato, sina Tita at Tito?" sambit ni jackson.
"uselless lang din pag nakawala tayo dito nakalock ang pintuan at may nagbabantay sa labas mukhang bakal ang pintuan kaya hindi natin ito masisira basta basta.." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
ActionPROLOGUE Siya si Rosella isang dalaga na nawala'y sa kanyang tunay na mga magulang nung bata pa ito.Nagkaroon to ng amnesia dahil sa nangyari sa kanya mabuti na lang ay may isang mapagmahal na ina ang handang alagaan ito, binihisan niya ang dalaga a...