DH:09

161 6 0
                                    

KABANATA 9

ROSELLA

Mag isa ako ngayon na kumakain sa canteen hindi ko nakita si kapre ngayong araw hindi siguro sita pumasok may sakit kaya siya? hindi man lang ako tinext pag nakita ko talaga siya kakaltukan ko siya.Naramdaman ko na nag vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko to at tiningnan yung messages.

From:Mama
Anak baka hindi ako makauwi ngayong gabi, mag iingat ka pauwi ha ilock mo din ng mabuti iyong bahay gate at pintuan, wag kang mag alala may guard naman ang village kaya safe ka diyan.Iloveyou nak.

To:Mama
Opo mama kayo din po mag iingat ka din at wag magpagod sa trabaho niyo. I love you too ma mwuah!

Nakalipat na pala kami nung nakaraang araw dito sa isang village malapit siya sa school kaya pwedeng lakarin pag papasok hindi ko na kailangang mag pamasahe kaya nakakatipid ako.Masasabi kong maganda ang bahay na nalipatan namin ni mama second floor siya at color white and purple ang kulay yung kearto ko naman malaki siya at color pink ang kulay single bed ang kama ko malambot siyang higaan hindi katulad nung higaan ko sa dati naming bahay na katre lang at nilagyan ng foam para malambot higaan.Napabuntong hininga na lang ako mag isa pala ako mamaya sa bahay okay lang naintindihan ko si mama alam ko na nililibang niya na lang ang sarili niya sa pagtatrabaho para makalimutan si papa.Speaking of him kamusta na kaya si papa? Naaalala niya din kaya kami ni mama? Masaya ba siya sa bago niyang pamilya?

Pagkatpos kong kumain ay bumalik na ako ng classroom namin tahimik ang araw ko ngayon at walang bully na nangyari dahil kalat na kalat ang balita na excused ang grupo nina Magnus lumipad silang ibang bansa hindi naman sinabi kong anong bansa kaya mas okay na din yun dahil walang Brandon ang mambubully sakin.Hindi pa ako nakakapasok ng room ng may lumapit sakin.

"Miss? ikaw ba si Rosella Libutan?" tanong sakin ng isang lalaki kaya natigil ako sa paglalakad.

"Ah ako nga bakit anong kailangan mo?" nagtataka kong tanong

"May naghahanap sayo Jackson ang pangalan"

"Ha si Jackson? nasaan siya?" hinahanap ako ni jackson bakit naman eh pwede namang siya na ang lumapit sakin ah yari talaga yun di na nga siya nagpakita sakin ei.

"Nandun siya lumang building hinihintay ka may sasabihin daw sayo..sige una ako!" pagkatapos niyang sabihin yun ay mabilis siyang tumakbo paalis.Bakit kaya sa lumang building pa pwede niya naman akong kausapin dun sa tambayan namin eh.
Sinunod ko na lang yung sinabi nung lalaki at tinahak ang daan papuntang lumang building. Hanggang third floor lang ang building na yun marami ang nagsasabi na may multo daw dito na nagpapakita may ginahasa daw kasing estudyante at pagkatapos ay pinatay ito hindi pa nakuntento sinunog nila ito dito. Pagkarating ko ay masasabi kong ang creepy ng lugar bakit pa kasi dito pa makikipag kita si kapre alam niya naman na takot ako sa mga ganitong lugar ei naglakad na lang ako papasok puro patay na dahon ang naapakan ko na tanging maririnig ko lang dahil sobrang tahimik.Pagkapasok ko sa loob ay hinanap ko si Jackson saan kaya siya?

"Kapre?" tawag ko dito umi echo sa buong paligid ang boses ko naglakad lakad pa ako at nilibot ang first floor mukhang wala naman siya dito baka nasa taas yun kaya dahan dahan akong umakyat ng hagdan pagkarating ko ng taas ay tahimik lang din ang paligid may mga upuan na sira sira akong nakikita.

"Jackson nasaan ka? hoy kapre wag mo nga akong pagtaguan nakakainis ka na" inis kong sigaw bwesit na yun gusto pa atang makipag laro ng taguan eh.

"kapre ano ba lumabas ka na dyan! ano bang sasabihin mo ha pwede namang sabihin mo sakin sa tambayan natin ah bakit dito pa?" sigaw ko.Nilibot ko ang buong paningin ko sa paligid

The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon