Chapter 2 (Mortal Enemies)

40 3 0
                                    

>Rhea's POV<

Uwian na, at nauna na akong lumabas ng pinto. Hinihintay ko si Best kasi cleaner siya ngayon.

Habang naghihintay ako eh napadaan sa harapan ko ang dalawang nakakairitang babae sa balat ng Lupa! Si Abigail at Alex!

"Look whos here, ang babaeng pinaglaruan lang ng kanyang Boyfriend, DAW? Naging boyfriend mo nga ba sya?" Nang'aasar na sabi ni Alex.

Rhea, calm down..

"Excuse me? Pero wala akong time makipagusap sa mga taong walang kwenta. Bukod sa nakaka'aksaya sa oras, nakaka'irita pa. Kaya pwede ba? Umalis kayong dalawa sa harapan ko. Baka maging Super Saiyan ako dito at maingudngod ko ang mga pagmumukha nyo sa sahig" Sabay Hair Flip.

"Nagsalita ang may kwenta. Haha! Kung may kwenta ka, bat ka iniwan ng Boyfriend mo? Im sure, sa paningin nya, isa ka lang BASURA! Lets go girl, may nakaharang na basura sa harapan natin. Baka langawin pa tayo" Akmang aalis na sila pero hinawakan ko si Alex sa braso.

"Anong sinabi mo? Gusto mo talaga masaktan? Ano, suntukan na lang para magka'alaman na kung sino sating dalawa ang basura!"

"Ha! Tignan mo nga naman, hindi nya matanggap ang katotohanan. Dinadaan nanaman niya sa pisikalan. Dont touch me!" Sabay iniwas nya ang braso nya sa pagkakahawak ko. "Accept the fact Rhea, you're nothing but a Trash.."

Nagpintig ang mga tenga ko sa sinabi ni Alex. At bigla ko na lang siyang sinampal ng todo lakas. Natulala siya sa ginawa ko.

"How dare you call me a Trash. Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan! Naasar na ko sayo! Nagtitimpi lang ako!" Medyo pasigaw kong sinabi sa kanya.

Marami ng tao ang nakiki'usiyoso. Nakapalibot na sila saming tatlo.

"Oh my god.. Alex, ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Abigail sa kaibigan nyang nasampal.

Medyo natauhan na si Alex sa ginawa ko sa kanya. Bigla siyang tumitig sakin ng masama.

"And how dare you Slap me with all your force! You'll gonna pay for this!" Sinugod niya ako at sinabunutan. Nakisali na rin ang isa pa niyang kaibigan na si Abigail.

Nakipagsabunutan na rin ako. Ayoko namang magpatalo basta basta. Kahit dalawa pa sila. Hindi ko sila uurungan! Amazona ata ako!

>Risa's POV<

Hays. Cleaners nanaman ako. Ayoko sa lahat, ang paglilinis! Psh. Tamad na kung tamad. Eh sa ganito ako eh XD

Teka, may nagsisigawan ba sa labas? Bat parang ang ingay?

Hindi ko muna pinansin saglit. Mamaya'maya pa'y may narinig nanaman akong sigaw. Pamilyar yung boses nya.. Isang babae. Si Best kaya yon?

Ilang minuto pa'y nakita ko na lang sa labas na maraming taong nagsisigawan. Nakapamilog sila, parang may away na nagaganap.

Tumakbo ako patungo sa labas ng pinto para makita kung anong meron..

Nagulat ako sa nakita ko!

Si Best! Pinagtutulungan ng dalawang impakta!

Dont worry Best! I'll save you!

Nakipag siksikan ako sa mga tao para tulungan ang aking kaibigan na ngayo'y nakikipagsabunutan sa dalawa.

Nang makapasok na ko sa loob ng ring, este sa loob ng bilog ay hinawakan ko agad si Abigal sa kwelyo at sinuntok ang kanyang mukha.

Boom! Solid! Haha!

Napahiga siya sa sobrang lakas ng suntok ko sa kanya.

Hindi ko na siya pinabangon pa at dinaganan ko siya sabay sabunot sa medyo curly nyang buhok.

Halos matanggal ang kanyang anit sa sabunot na ginagawa ko sa kanya. Haha! This is more I like it!

Wala siyang magawa kundi mahinang hampas lang sa mga braso ko. Parang kinikiliti lang ako ng gaga.

Natigil lang kami ng may sumigaw na guro samin.

"STOP IT!"

Patay..

Sa tono ng boses nya, kilala ko na siya..

Shet! Si Maam Mergal!

Tumigil na kami sa aming away tumayo. Pero nakatungo.

"You girls go to my Office.. NOW!" Sigaw niya na may halong galit.

Naglakad na kami patungong Guidance office. Siya kasi ang guidance counsillor.

Nakarating na kami sa guidance office at umupo sa may sofa.

Siyempre, hiwalay sa dalawang bruha!

Baka magkaroon pa ng World War 3 pag nakatabi pa namin sila.

Bumukas ang pinto ng office at may pumasok. Si Maam Mergal.

Umupo na siya sa may table niya at nagsalita.

"Kayong apat nanaman. Kailan ba kayo magbabati ha? Pang 4 na beses niyo nang balik dito sa guidance office. Hindi ba kayo nagsasawa? Sino ang may pasimuno ng gulo?" Pagtatanong ni Maam samin.

Nagsalita ang bruhildang si Alex.

"Si Rhea po Maam! Siya ang unang nanakit sakin. Gumanti lang po ako sa kanya"

Nagsalita na rin si Best.

"Anong ako? Ikaw ang nanguna! Kung hindi mo ako pinagsalitaan ng masama, hindi ko magagawa ang ganung bagay sayo!"

"Kahit na! Dapat hindi mo ako sinaktan!"

"Eh sa hindi ko na napigilan ang sarili ko eh! Nagtitimpi lang ako pero naubos na ang pasensya ko!"

"Enough!"

Biglang sumigaw si Maam para maawat ang dalawang nagsisigawan.

"Nandito kayo para maayos ang problema niyo, hindi para magbangayan kayo! Hala, sige.. magsorry na kayo sa isat'isa ng matapos na ang kaguluhang ito. Para kayong mga bata"

Pero wala paring nagsasalita saming apat. Parang nagkikiramamdaman.

At nagsalita na rin si Best.

"Im sorry.. hindi na mauulit" Pero labas sa ilong na sinabi niya yon.

"Im sorry din.." Sabi ni Alex na labas din sa ilong.

"Magkamayan na kayo" Utos ni Maam samin.

Unang nag abot ng kamay si Best para makipag kamayan.

At nagkamayan na rin sila.

Haha! Makikita mo yung itsura ni Best. Parang napilitan lang talaga XD

"Kayong dalawa din, magkamayan kayo.." Utos ni Maam saming dalawa ni Abigail.

Haist. Para matapos na, makikipag kamayan na lang ako. Mag huhugas na lang ako ng kamay mamaya. Baka may germs pang kumapit sa kamay ko. Mahirap na.

Nakita ko yung mukha ni Abigail..

Wahahaha! May Black Eye ang bruha! Dahil siguro sa suntok ko sa kanya XD

Pagkatapos ng kunwaring kamayan namin ay nagsalita ulit si Maam.

"Last nyo nang away ito okay? Dahil pag naulit pa ito, Im sorry pero maaring ma'suspend kayo sa paaralang ito for a month. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango kami para sa pag sangayon sa kanya.

"Okay, maari na kayong umuwi"

At lumabas na kami ng office para umuwi.

Habang naglalakad kami, pansin ko ang pagiging tahimik ni Best.

"Best, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Best, gusto ko mag'inom ngayon.."









Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon