Chapter 6 (The Beginning)

22 3 0
                                    


Sumapit ang araw ng Lunes at nagkaroon na ng pasok. Buti na lang at Friday sila nag inuman. Kaya naman walang pasok kinabukasan nung araw na iyon. Na late pumasok si Rhea, pero wala pa namang nagtuturo kaya walang problema pagpasok niya ng classroom nila. Lumapit agad siya kay Risa na ngayo'y nagbabasa ng libro.

"Best! May ikukwento ako sayo!" Agad siyang tumabi sa upuan nito.

"Wag ka ngang maingay, kita mong nagbabasa ako eh"

"Weh? Totoo ba yan? Haha! Kelan ka pa naging book worm? Haha!" Pangaasar niya dito.

"Tss. Palibhasa hindi mo pa ako nakikitang mag seryoso mag aral. Ano ba yung ikukwento mo? Siguraduhin mo lang na may sense yan ha, kung hindi, ipupukpok ko sayo tong libro ko"

"Napaka sadista talaga. Ganto kasi yon.." At ikinuwento na niya ang ngyari nung nakaraang araw na nag inuman sila. At nakilala niya ang binatang si Gerard na gusto siyang maging Fake Girlfriend nito.

"Ha? Hindi nga? Seryoso? Haha! Ayos ah? Parang kusa nang lumalapit ang mga kailangan mo sa gagawin mong paghihiganti sa mokong na yon" -Risa.

"Oo nga eh. Ang bait ni Lord noh?" :D

"Sigurado kang si Lord ang natulong sayo? Luka! Paniguradong si Satanas ang tumutulong sayo! Wahaha!" Pang aasar niya kay Rhea.

"Tse! Kahit sino pa yan. Basta ang mahalaga, umaayon ang lahat sa plano"

"Eh may mga plano ka na ba? Meron ka ngang Fake Boyfriend, ang tanong. May mga moves ka na ba?"

Pumahalumbaba si Rhea sa upuan at nag isip.

"Yun lang, hindi ko pa yan masyadong naiisip dahil wala pa akong maisip"

"Isa pang tanong, may isip ka ba?"

Hinampas ni Rhea si Risa sa kanyang braso pero mahina lang.

"Napaka mo Best. Kaibigan nga ba talaga kita?" >3<

"Haha! Joke lang!" ^_^V

Maya'maya pa'y dumating na ang late nilang guro.

"Later na lang natin pag usapan ang plano.." Bulong ni Rhea kay Risa.

Nag simula na ang klase.

*Recess Time*

Naglalakad sila papuntang canteen para kumain at para na rin mag usap sila tungkol sa plano ni Rhea.

"Best, ano.. may naiisip ka ba? Tulungan mo naman ako mag isip"

"Haist. Uhm, ganito gawin mo.." Lumapit si Risa sa tenga ni Rhea at bumulong. "Kumain muna tayo kasi nagugutom na talaga ako.."

Tumawa lang si Rhea sa sinabi ng kaibigan. "Haha! Osige na nga, kumain muna tayo"

Nakapunta na sila sa canteen at bumili na ng makakain. Umupo sila sa isang table na magkatapat. Unang nagsalita si Risa.

"Diba sabi mo, mayaman yung lalaki? At pogi? Tapos malapit lang sa inyo" Tanong niya kay Rhea habang nanguya ng Piattos.

"Oo, ilang hakbang lang.." Sagot niya.

"Nasabi mo na ba ang plano mo sa kanya?"

"Hindi pa nga eh.."

"Ask him for a date.."

Nabigla si Rhea sa sinabi ng kaibigan.

"D-date? Are you serious? Ako ang magyayaya sa kanya? Hello? Babae po ako, dapat siya ang magyaya sakin" Maarteng sabi niya kay Risa.

"Ano ka ba, ibaba mo muna ang bandera mo ngayon. Ikaw na ang magyaya tutal ikaw naman itong may masamang plano. Mag date kayo then sabihin mo na meron ka ring ginagantihan. Diba sabi mo rin na meron siyang plano to make someone jealous? Walang problema sa kanya yon. Parang magkakasundo pa nga kayo ng lalaking yon pag nagkataon"

Napaisip si Rhea sa sinabi ng Risa. Mukhang may punto ang sinabi neto sa kanya.

"Oo nga best. Mukhang may point ka sa sinabi mo. Sige, tatawagan ko siya mamayang uwian. Papayag na ako sa inaalok niya para masimulan na.."

"Goodluck sayo best. Haha!"

Natapos na ang recess at bumalik na sila sa classroom nila. Hanggang sa sumapit na ang uwian.

"Sige Risa, alis na ako. Maaga akong aalis para maaga ko siyang makausap" Sabi ni Rhea sa kaibigan.

"Okay sige. Magiingat ka ha?"

"Sabi mo eh" :)

At nag babye na si Rhea kay Risa. Maaga siyang nakarating sa bahay nila at pumasok ng kwarto.

"Okay.. tatawagan ko na siya.." Dinial niya ang contact number ni Gerard na nasa isang papel. Maya'maya pa'y nag ring na ang cellphone ng nasa kabilang linya. Ilang saglit pa at may sumagot na dito.

(Hello? Who's this?)

"Rhea to. And Im accepting your request.."

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon