Chapter 18 (HIStory)

20 2 0
                                    

Gerard's POV

Tch. That girl.. ang tagal niya lagi mag CR. Palagi na lang niya akong pinag aantay. Hindi niya ba alam na hindi dapat pinag hihintay ang mga gwapong lalaki katulad ko? Pinag titinginan tuloy ako ng mga kababaihan dito. Haist. Nagbago na nga talaga ang lahat saakin. Hindi na ako yung dating Gerard na gusgusin at panget. Ang dating Gerard na may malaking eye glasses sa mata dahil isang Nerd. Ngayon ay masasabi kong napaka gwapo ko na tignan. Lahat ng yon simula ng pahiyain ako ni Rhea sa harap ng madaming tao..

*Flashback*

"R-rhea, p-pwede ba kitang l-ligawan?" Uutal utal kong sinabi dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Kaharap ko kasi ang aking ultimate crush na si Rhea Benjamin. At tinatanong ko kung pwede ko ba siyang ligawan. Hindi ko nga alam kung saan ako nakakuha ng lakas para dito eh. Hindi ko na kasi kaya na hanggang sulyap at tingin lang ang nagagawa ko. Kaya ngayon, magpapakatotoo na ako. Tatanggalin ko muna ang hiya sa katawan ko.

"Uhm, ano nga palang pangalan mo?" Ay tanga, oo nga pala. Hindi niya pala ako kilala. Michael naman! Ang katangahan, iniiwan sa bahay.

"Ako si M-Michael.." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog na ito sa ilang sandali. Tingin ko nga namumula na yung mga pisngi ko eh. Pero wala na akong pake. This is the time for me to confess. At isa pa, wala naman siyang boyfriend ngayon eh. Alam ko yun dahil updated ako sa kanya. Pero hindi ako stalker ah? FYI lang.

"Michael. Kasi.. ano.. sorry.." As I expected, rejection. Tss, palagi naman ganito eh. Wala ng pagbabago. Dahil na rin sa itsura ko. Sino ba namang tanga ang magkakagusto sa panget at nerd na katulad ko? Malamang bulag na lang ang magmamahal sakin. O di kaya'y isang baliw na takas sa mental.

"A-ayos lang, sanay na ako sa rejections. Kaya--" Nagulat ako ng may umakbay na lalaki sa kanya. Hindi ako makapaniwala.. bakit siya nakaakbay kay Rhea? Wag mong sabihing..

"Michael? Anong ginagawa mo? Bat mo kausap ang girlfriend ko?" Halos manlumo ako sa narinig ko. Pakiramdam ko sinapak ako ng sobrang lakas. Bakit ikaw Sven? Bakit sa dinami dami ng lalaki dyan, ikaw pa? Ang bestfriend ko pa..

"S-sven? G-girlfriend mo si R-rhea?" Hindi parin ako makapaniwala. Parang ang hirap i'sink in sa utak ko.

"Oo, kanina lang niya ako sinagot. Bakit?" Ngumisi siya sakin. "Wag mong sabihing.."

"Wala, hindi.. sige, aalis na ako." Nung pagkatalikod ko sa kanilang dalawa, madami na palang tao sa likod ko. Teka, nakikinig ba sila sa usapan namin? Kanina pa kaya sila nandyan? Pucha! Sana naman hindi..

"Haha! Kawawa naman si Nerd. Tinanggihan nanaman siya."

"Oo nga, ano ba kasing nakain niya at nanliligaw siya sa magagandang babae? Dapat dun na lang siya sa mga kalevel niya."

"Sinabi mo pa, yan tuloy. Busted again!"

Pero hindi pala.. narinig na nila ang lahat. Ngayon ay kinakantyawan at inaasar na nila ako. Palagi naman ganto eh. Ano bang panama ko sa mga mapanghusgang tao na 'to? Kung lalaban ako sa kanila, ako parin yung dehado kasi marami silang malalait sakin. Gusto kong mawala ng parang bula ngayon. Gusto kong kainin na lang ng lupa para mawala sa nakakahiyang sitwasyon na ito. Napatingin ako kay Sven at Rhea. Si Sven ay nakangiti lang at si Rhea naman ay.. nagpipigil ng tawa.. sa sobrang kahihiyan ay tumakbo ako palayo sa kanila. Pupunta ako kung saan gagaan ang loob ko. Walang iba kundi sa library. Pagkadating na pagkadating ko don ay umupo agad ako at pinatong ang ulo ko sa lamesa.

"Antanga mo Michael! Bat kasi ang taas mo mangarap. Yan tuloy, ang taas din ng pinagbagsakan mo." Sinimulan kong iuntog ang ulo ko sa lamesa. Ilang sandali pa'y may nag text sakin.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon