Chapter 14 (Happy & Broken)

18 2 0
                                    


Rhea & Risa's POV

Kinabukasan. Pumasok na sila Rhea at Risa sa school. Nakaupo silang dalawa at nagkukwentuhan.

"Alam mo ba best, tama nga ang sinabi mo saken. Na pwedeng mainlove ang isang prinsipe sa isang dukha! Si Gerard! Magsisimula na siyang manligaw saken!" Kinikilig na sinabi ni Rhea sa kaibigan.

"Ah. Mabuti naman kung ganun." Yun lang ang sinabi ni Risa.

Pansin ni Rhea ang pagkabalisa ng kaibigan. Kanina pa ito tahimik at walang kibo simula nung dumating sila.

"Huy best, ayos ka lang ba? Bat parang ang lungkot mo? May nangyari ba?" Pagaalalang tanong ni Rhea.

"Wala best. Wag mo akong intindihin."

Hinawakan ni Rhea ang kamay ni Risa. "Kilala kita Best, alam ko kung kailan ka may problema. Pag ganyang tahimik ka, alam ko na may mali sayo. Tell me."

Tinitigan ni Risa si Rhea ng isang malungkot na titig. "Si Alexis, nagbalik na siya.."

Ikinagulat ni Rhea ang narinig. "Ha?! Kelan pa? Nasan siya? Nakausap mo ba?" Sunud-sunod na tanong ni Rhea.

"Isa-isa lang ang tanong Best. Mahina ang kalaban. Kararating niya lang galing London. Dun na daw siya nag'aaral. Magbabakasyon lang siya dito sa Pinas ng ilang buwan at babalik na siya.. tsaka.."

"Tsaka?" Kunot noong tanong ni Rhea.

"May girlfriend na siya.." Agad tinakpan ni Risa ang bibig ni Rhea dahil alam niyang magugulat ito at mapapasigaw.

"Wha--" Tama ang kutob ni Risa. Sisigaw nga si Rhea dahil sa narinig. Buti na lang at naagapan niya ito.

"Tch. Wag ka ngang O.A Best. Anu naman kung may Girlfriend siya? Wala naman akong karapatan para pigilan siya.." Malungkot niyang sinabi habang hawak hawak parin ang bibig ni Rhea. Maya'maya ay tinanggal na niya ito kaya naman nakapagsalita na si Rhea.

"Grabe ka naman Best, alam na alam mo ang mga galawan ko. Tsk. Pano na yan? Minsan ka na nga lang umibig, mauudlot pa?"

"Ganun talaga. Sabi mo nga diba? Sa pag-ibig, may nananalo at may natatalo. At ako ang talo."

Na'aawa si Rhea sa kaibigan. Kaya naman niyakap niya ito para gumaan ang loob nito. Alam kasi niya ang pinagdadaanan ng kanyang kaibigan. Naranasan na niya rin iyon. At sobrang sakit nun. Niyakap din siya ni Risa. Ilang sandali pa ay bumitaw na sila sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Okay lang yan Best. Marami pa naman dyan na mas higit pa." Sabi ni Rhea.

"Wow naman.. parang ako lang dati ang nagsasabi niyan sayo ah? Baligtad na tayo? Haha!" Tumawa si Risa pero alam ni Rhea na pilit lang iyon.

"Oo nga eh. Tadhana nga naman, masyadong mapagbiro."

"Change topic! Kamusta naman kayo ni Gerard?" Pumahalumbaba si Risa sa upuan.

"Ayun, mag sstart na siyang manligaw sakin. Mamaya? Ewan ko. Sabi niya mag ddate daw kaming dalawa eh."

"Ayiee! Haba ng hair mo teh! Talaga naman oh, akalain mo yun? Magkakatotoo ang sinabi ko? Haha!"

"Haha! Oo nga eh. Pero sa tingin ko, 30% lang ang chance na mag wwork ang relasyon namin." Sa tono ng boses ni Rhea ay mahahalata mong malungkot ito. Nahalata naman ito ni Risa.

"Ano ka ba Best, wag kang malungkot dyan. As long na pinapatunayan ni Gerard ang pag-ibig niya sayo, padagdag ng padagdag ang chance na sinasabi mo" Pag'ccheer niya sa kaibigan.

"Sana nga Best."

At biglang dumating ang kanilang guro at nagsimula ng magturo.

Hindi makafocus si Risa sa guro dahil lumilipad ang isip nito. Ang daming pumapasok na tanong sa kanyang isipan. Mga tanong na hindi niya alam ang sagot. Gulong gulo na ang kanyang isipan. Hanggang sa dumating ang uwian ay lutang parin ito. Sabay sila ni Rhea na umuwi. Nasa gate na sila ng makita ni Rhea si Gerard na naghihintay sa gilid ng gate. Pinagtitinginan ito ng mga kababaihan.

"Ang gwapo naman niya! Ano kayang pangalan niya?"

"Tama ka dyan friend. Hindi lang pogi, mukhang mayaman pa!"

"Sino kaya ang hinihintay niya?"

Yan ang mga naririnig ni Rhea na usapan ng mga babae sa paligid niya. Nakita naman ni Risa ang lalaking pinaguusapan.

"B-best.. siya ba si G-gerard?" Uutal utal niyang sinabi.

"Oo Best, siya nga. Bakit?"

"A-ang gwapo niya!"

Binatukan ni Rhea si Risa pero mahina lang. "Gaga. Kelan ka pa natutong lumandi?"

"Grabe ka naman. Landi agad? Hindi ba pwedeng na'aattract lang muna?"

"Tomboy ka kaya hindi ka pwedeng ma'attract sa mga lalaki. Gets mo?"

"Tse! Puntahan mo na nga siya at baka kuyugin pa yun ng mga babae." Pagkatapos ay pumunta na sila kay Gerard na ngayon ay nabili ng softdrinks sa tindahan.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon