Chapter 3 (Stressed to Desserts)

36 3 0
                                    


>Rhea's POV<

"Gusto mo mag inom? Ng tubig? Teka, may tubig ako sa bag.." Kinuha ni Risa ang bottled water sa kanyang bag at inabot sakin. "Oh, tubig!" ^_^

Napa Face Palm na lang ako dahil hindi niya nagets or nagkukunwaring hindi niya talaga alam ang tinutukoy ko.

"Best naman.. Hindi tubig ang tinutukoy ko, ALAK!"

Binatukan niya ako gamit ang hawak hawak niyang bottled water.

"Aray! Bat mo ginawa yun?" >3<

"Sira ulo! Maglalasing ka? Bakit? Dahil sa ngyari kanina? Psh. At ang pagkaka'alam ko, pag nalalasing ka, para kang nakawala sa mental hospital!"

Napakamot ako sa ulo dahil medyo malakas ang pagkakabatok niya sakin.

"Sus, nagsalita ang hindi abnormal pag nalalasing. Mas grabe ka pa nga eh, nasayaw ka na parang ewan. Haha! Naaalala mo pa ba yon?" XD

"Tse! Eh bakit nga ba gusto mong maginom ngayon? Ano meron?"

"Para sa pang iiwan sakin ni Sven.." Seryosong sinabi ko sa kanya.

"Tch. Yun lang? Best naman.. Ang tagal niyo ng hiwalay ng kumag na yon. Hindi ka pa ba nakaka'move on?"

Tinignan ko siya ng seryso.. "Hindi pa Best.. Hindi ko pa siya nakakalimutan" :(

"Haist.. Rhea Benjamin, sa lahat ng babaeng minahal at niloko Sven, ikaw na lang ata ang hindi nakaka'move on!"

"Eh kasi naman.. 1 year ang pinagsamahan namin. Akala ko talaga seryoso siya sakin.."

"Pano mo nga pala malalaman kung sa ibang school siya nakikipag landian? Tss.."

Yeah. Pano ko nga ba malalaman na tinatridor na pala ako ni Sven kung sa malayo siya gumagawa ng kalokohan? :/

"Gusto ko maglasing.. Baka sakaling pag gising ko kina'umagahan eh hindi ko na siya naiisip pang muli"

"Hay nako.. Osige na nga, pero last na to' ha? Wala ng susunod pa!"

Nag nod na lang ako at ngumiti sa kanya.

Kinagabihan sa bahay ni Risa.

"Halam mo ba Best, *hik* handami niyang sinabi saken.. *hik* hansabi nya mahal nya daw hakoo.. *sobs* pero bakit nya hako hiniwan? Hindi ba hako maganda? *sobs* sabihin mo nga sakin Best.. *hik*.."

Para akong tanga habang nagkkwento ako ng sama ng loob kay Risa. Lasing na ako at nasinok pero at the same time, nahikbi ako dahil umiiyak na ako.

"Best, halam mo, ang mga lalaki, pare parehas lang yan *hik* papaikutin at papaikutin ka nila hanggang sa *hik* mahilo ka na. At pag nagawa na nila yon *hik* bibitawan ka nila at iiwang masakit ang iyong ulo.. parang ngayon lang.. *hik*.."

Lasing ba talaga ang babaeng ito? San siya nakakakuha ng mga ganitong salita? May pinanghuhugutan ata eh XD

"Hindi ko halam, wala akong halam.. *hik*.. lasheng na ako, kaya uuwi na ako sa bahay *hik* Tumayo na ako pero nagewang ang paningin ko.

"Bahala ka, uwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng nanay mo *hik* mapalo ka pa sa pwet"

Lokong babaeng to. May gana pang mang asar kahit lasing na.

"Sige na, hahalis na hako. Ewan ko kung makakauwi pa ako samin, baka matulog na lang ako dyan sa tabi. Haha! *hik*.." Dumiretso na ko papalabas ng bahay nila.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon