Chapter 7 (The Plan)

26 3 0
                                    


Kinagabihan, niyaya ni Rhea na magkita sila ni Gerard sa isang restaurant para don pagusapan ang kontrata niya bilang isa nitong pekeng girlfriend. At doon niya na rin sasabihin na mayroon din siyang ginagantihan. Nauna si Rhea sa Resto. Nag hintay siya kay Gerard ng mga 20 mins at maya-maya'y dumating na ang binata. Umupo siya sa harapan ni Rhea.

"You're late.." Inis na sinabi ni Rhea.

"Im sorry, but its not my fault. Blame the traffic that I encounter on the road" Seryosong sabi niya dito.

"Hays. Okay, lets start so we can finish this. From now on, I am your Fake Girlfriend. But let me ask you one question.. Sino itong girl na gusto mong pagselosin?"

"You'll see.." Matipid niyang tugon kay Rhea.

"Owwkaaay. Oo nga pala, may sasabihin ako sayo.."

"What is it?"

"Meron din akong pinaghihigantihan. Gusto ko din siyang pagselosin.."

"Hmm. I see, si Sven ba yan?"

"Oo. Siya nga.."

"Haha! Sure, no problem. Pero siyempre, ako muna ang mauuna."

"Walang problema sakin. Ilang linggo mo ba ako gagamitin?"

"Just 1 week. Sapat na yun para asarin siya." Kumurba ang isang ngiti sa kanyang mukha.

"Ahh. Baka naman maganda siya kesa sakin? Baka mapahiya ako niyan.. Lalo ka na."

"No, you're beautiful. For sure, meron kang ibubuga sa kanya." Seryosong sabi niya dito.

Napatungo naman si Rhea dahil sa sinabi ng binata. Unti unti ring nagiging mansanas ang kanyang mukha.

"H-hindi naman ako gaanong maganda.."

Nagsmirk lang ang binata at nagsalita. "Siguro tanga yang si Sven. Biruin mo, pinakawalan ang isang magandang babaeng tulad mo? Dont worry, we make him pay for what he did to you. He will regret for losing such a beautiful girl like you.."

Hindi na nakayanan ng mukha ni Rhea at tuluyan na siyang naging isang hinog na mansanas.

"Grabe ka naman sa compliments. He-he. Salamat.." Nakatungo parin siya dahil tinatago niya ang mapula niyang mukha.

"Haha! Basta, we are comrades in this fight. Lets start this. This will gonna be fun!" Kumurba ang isang nakakalokong ngiti sa mukha ng binata. Tumingin na ng diretso si Rhea sa kanya at ngumiti.

"You're right. I hope this will work." >:)

"Ofcourse this will work. Lets start tommorow. Tatawagan kita after your school. I will go now. Im kinda busy. See you tommorow Rhea."

"Sure. Bye Gerard."

"Bye."

At nag babye na siya dito. Umalis na si Gerard. Naiwan mag isa sa table si Rhea at inuubos ang kanyang Ice tea na inorder.

"I wonder.. sino kaya yung girl ni Gerard? Kinakabahan ako. Haist! Pero kaya ko toh. AJA Rhea!" Sabi niya sa sarili at pagkatapos ay umalis na rin siya para umuwi.

Ng maka uwi na si Rhea ay tinawagan niya ang kanyang bestfriend para ikwento ang ngyari sa kanila ni Gerard. Ilang beses nag ring ang cellphone ni Risa. Maya maya'y sumagot na ito.

(Hello best? Bat ka napatawag? Gabi na ah?)

"Best! Naka'usap ko na siya! At sang ayon siya sa plano ko!" Masiglang sinabi niya dito.

(Good! Ngayon, wala ka ng pproblemahin)

"Uhm. Meron pa.."

(Oh. Anu pang problema mo?)

"Mauuna siya. 1 week pa bago ang turn ko."

(Okay lang yan. May time ka pa para makapag isip ng ilan pang mga plano mo.)

"Tulad ng ano?"

(Haist! Ano ba yan, ako ba lagi ang mag iisip ng mga plano mo? Tsk. Edi subaybayan mo si Sven. Alamin mo kung sino-sino ang mga nilalandi niya. Sa ganong paraan, makikilala mo na ang mga laruan niya. Edi may idea ka na kung sino sila. At isa pa, alamin mo rin kung saan sila minsan tumatambay. Para alam mo na din kung saan sila mahahanap.) Sunod sunod niyang sinabi dito.

"Ang talino mo talaga best! Saludo ako sayo!"

(Tss. I know it already. Osiya, matulog na tayo. May pasok pa bukas.)

"Okay best. Goodnight! Have a beautiful nightmare!"

(Luka. Ikaw dyan ang dapat bangungutin. Haha! Sige na, goodnight na din. Bye)

Nag end na ang call. Tinabi na ni Rhea ang kanyang cellphone at natulog na.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon