Chapter 12 (Goodnight)

17 3 0
                                    

Naihatid na ni Gerard si Rhea sa kanilang bahay. Nasa labas sila ng gate. Magpapaalam na sila sa isa't isa.

"Pano? Hanggang dito na lang." Mahinhin na sinabi ni Rhea.

"Sure. Sa ngayon, hanggang dito muna ako." Nakangising sabi ni Gerard.

"Loko. Ikaw talaga. Pero sa totoo lang, napasaya mo ako ngayon.."

"Napasaya? Sa panong paraan kita napasaya? Eh kanina lang, naiyak ka."

"Basta, yung mga oras na yun, masaya ako. Tears of Joy."

"Tss, ngayon pa nga lang ako gagawa ng paraan para mapasaya ka eh."

"Haha! Ewan ko sayo. Sige na, umuwi ka na't gabi na."

"Pinapauwi mo na ako?"

"Oh. Anu pang gusto mo?"

"Hindi mo man lang ako papapasukin sa loob? Just kidding! Haha!"

"Baliw!"

"Pero sisiguraduhin kong makakapasok din ako dyan sa bahay mo. One day.." Nakalagay ang kaliwang kamay ni Gerard sa baba niya at tinitignan ang bahay ni Rhea.

"Abnoy! Haha! Talaga lang ha? Mahirap makapasok dyan. Ako ng nagsasabi sayo. Sa aso ko pa lang, baka hindi ka na pumasa!"

"Yan lang? Bigyan ko lang ng buto yan, tatahimik na yan eh. Haha!"

"Ewan ko talaga sayo! Osige na, uwi ka na. Mag iingat ka ha?"

"Kiss.." Mahinang sinabi ni Gerard.

"Ano?"

Itinuro ni Gerard ang kanyang labi. "Kiss.."

"Aba't, abusado ka na ha? Kanina ka pa humahalik sakin. Kulang pa ba yon?"

"Haha! Joke lang, sige na. Uwi na ako." At pinat ni Gerard ang ulo ni Rhea. "Goodnight and Goodbye Rhea. See you tommorow."

"Goodnight Gerard. Bye." At tuluyan ng umalis si Gerard. Pumunta na siya sa kotse niya. Pero nang papasok na siya sa kotse ay tumingin ulit ito kay Rhea. Nginitian niya ito at nag wave ng kamay. Senyales na nagpapaalam na ito. Nag wave rin si Rhea at ngumiti. Pagkatapos non ay tuluyan ng umalis ang binata. Pumasok na si Rhea sa bahay niya. Nakita siya ng nakababatang kapatid na si Ashley. Nakita ng bata ang suot ng kanyang ate.

"Wow ate! Ang ganda naman ng dress mo." Manghang sinabi ng kapatid niya.

"Eto ba? Gusto mo ba ito?"

"Opo!"

"After mong makatapos ng highschool, ibibigay ko sa iyo to. Okay ba yun sayo?"

"Talaga ate? Sige po! Yun lang pala eh." Determinadong sabi ni Ashley.

"Haha. Sige, its a deal. Teka, gabi na ah? Bat gising ka pa? Nasan sila Mama at Papa?"

"Ayokong matulog sa kwarto ko na mag isa. Nakakatakot. Sila Mama at Papa? Umalis sila eh. Ka'aalis lang. Ewan ko kung saan sila pupunta."

"Ganun ba. Sige. Matulog ka na. Dun ka na sa kwarto ko matulog. Tabi tayo."

"Yehey! Salamat Ate Rhea." At niyakap niya ito.

"Osiya siya. Tara na, tulog na tayo. May pasok pa tayo bukas."

At umakyat na silang dalawa. Bago matulog si Rhea ay naligo muna ito at nagpalit ng damit. Nang matapos siyang maligo ay nakita niya ang kanyang kapatid na mahimbing nang natutulog. Pinupunasan niya ang kanyang basang buhok gamit ang towel at habang tinitignan ang kanyang munting kapatid. Ngumiti siya dito dahil naaalala niya ang kanyang sarili nung siya ay bata palang. Umupo siya sa tabi nito at hinimas himas ang buhok ng kanyang kapatid.

"Alam mo ba Ashley, totoo pala ang kasabihang 'There's always a rainbow after the rain'. Dahil nung naghiwalay kami ng kuya Sven mo, may dumating na isang lalaki na magpapatuloy ng naudlot naming pag-iibigan. Bukas nga ay magsisimula na siyang manligaw sakin. Alam mo ba? Ang sweet niya, kahit minsan may toyo. Gusto ko siyang kilalanin ng lubos. Gusto kong subukan na mahalin siya. Pero sa tingin ko, marami kaming dadaanan na pagsubok. Sigurado yun, dahil magkaiba ang mundong ginagalawan namin. Ganun pa man, walang masamang sumubok diba? Kung makakayanan namin, edi ayos. Kung hindi naman.. atleast nag try kami. Hays. Sana nga siya na.." Pagkatapos nun ay hinalikan ni Rhea ang noo ng kapatid niya. "Goodnight Ashley." At natulog na siya sa tabi nito.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon