Chapter 20 (Just A Deal)

26 1 0
                                    

Risa's POV

Psh. Mag isa nanaman ako ngayon na nag gagala. Si Rhea kasi, busy sa lovelife niya. Samantalang ako, eto nganga. Teka, bat ko nga ba iniisip ang mga bagay na yan? The hell I care? Haha! Mabuti pa't mag inom na lang ako. Oo, mabuti pa nga.

***

Nandito ako ngayon sa isang Bar. Wala lang, trip ko lang mag inom ngayon. Medyo may amats na ako kaya napagpasyahan kong umuwi na. Hindi pa ako gaanong lasing kaya tumambay muna ako sa isang park. Sa park kung saan ko huling nakita si Alexis.. kasama ang girlfriend niya.

Sa mga oras na 'to, parang tinutusok ang puso ko pag naalala pa yun. Hindi ko alam pero baliw na talaga siguro ako. Kailangan ko na atang magpatingin sa Psychiatrist.

Ilang minuto pa ang nagdaan at nagpasya na akong umuwi. Tumayo na ako para maka alis ng biglang may babaeng humarang sa daan ko.

Si Astrid..

"Astrid? Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko.

"Nag gagala lang. Ikaw ba? Teka lang.." Inamoy niya ako. "Amoy alak ka, nag inom ka ba?"

"Ha? Ah, oo.." Nakakahiya naman at nalaman niyang nag inom ako dahil sa amoy ko.

"May problema ba Risa?"

"Wala naman. Bat mo na itanong?"

"Ahm. Risa, may sasabihin ako sayo.." Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ang sasabihin niya?

"Ano yun?" Ngayon ko lang napansin. Parang ang putla ng mukha niya. May sakit ba siya?

"Upo tayo." Umupo ulit ako sa upuan. Katabi ko si Astrid.

"Tungkol saan ba ang pag uusapan natin Astrid?"

"Hindi tungkol 'saan' Risa, kundi 'kanino'.." Tumingin siya sakin. Binigyan ko siya ng isang "What?" look. "Tungkol kay Alexis.."

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at tumingin sa lupa. Parang ayoko ng marinig ang mga sasabihin niya tungkol sa lalaking yun. Siguro mag kkwento siya kung gaano ka'sweet si Alexis sa kanya. Ayoko, ayokong marinig pa ang mga yun..

Masasaktan lang ako..

"Ang totoo niyan.." Pagpapatuloy ng kanyang pagsasalita. "Hindi ko talaga siya Boyfriend.." Napatingin ako sa kanya ng hindi oras. Anu raw? Hindi niya Boyfriend si Alexis? Parang nabingi ako kaya gusto ko ulit marinig.

"Excuse me? Ano ulit ang sinabi mo?"

"Alexis is not my Boyfriend."

Tama nga ako sa narinig ko..

"Pero paanong.. diba pinakilala ka niya sakin na Girlfriend niya? Ano ba yang pinagsasasabi mo?" Naguguluhan parin ako.

"Its just a deal that we made Risa.." Ano daw? Deal?

"What are you talking about Astrid? May sakit ka ba kaya ka nag kakaganyan?"

"Oo, may sakit ako Risa.." Matamlay na sagot niya.

"Sabi na may sakit ka eh. Kaya ka namumutla. Ano? Lagnat ba? Dapat nagpahinga ka na lang sa bahay niyo. Hindi yung nag gagala--"

"May Leukemia ako Risa. At malapit na akong mamatay.." Natigil ako sa aking pagsasalita at nagulat sa sinabi ni Astrid. Ayaw mag sink-in sa utak ko ang mga sinabi niya.

"You have what?"

Ngumiti siya sakin bago mag salita. "Ewan ko kung bingi ka or nagbibingi-bingihan ka lang Risa. Ang sabi ko may Leukemia ako. At hindi na ako magtatagal sa mundong ito.." Tumulo ang isang luha sa mata niya na sinundan ng isa pa hanggang sa bumuhos na ito na parang ulan.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon