Chapter 8 (Judas Girl)

28 3 0
                                    

Kinaumagahan. Maagang pumasok si Rhea sa paaralan. Pagpasok na pagpasok niya sa gate. Nakita niya si Sven. May kasama itong isang magandang babae na akbay akbay niya. Sinundan niya ng tingin ang dalawa. Halatang masaya sila dahil tumatawa sila habang nagkukwentuhan. Napalingon naman si Sven sa kinaroroonan ni Rhea. Nakita niya ito. Nagkatitigan pero sandali lang dahil umiwas na ng tingin ang binata. Halatang iniiwasan si siya nito. Napangisi na lang si Rhea at tumuloy ng pumasok. Nakarating na siya sa silid aralan niya. Wala pa si Risa kaya kumuha siya ng isang libro para magbasa at para libangin na rin ang sarili. Ilang minuto pa'y dumating na rin si Risa.

"Why so late?" Tanong niya kay Risa.

"Anung late? Hindi pa kaya ako late. 2mins pa bago ako malate. Hello?" Maarte niyang sinabi dito.

"Haha! Bat ba kasi medyo na late ka ng pasok? Hindi ka naman ganyan eh. Ang pagkaka alam ko isa kang Early Bird."

"May tinapos pa kase ako. Basta, busy ako ngayon. Kaya wag kang makulit dyan okay? Behave ka lang muna."

Nagpout lang si Rhea.

"Oh, ano nga palang balita?" Sunod niyang sabi kay Rhea.

"Balita? Ayun, mamaya na kami magsisimula. Tatawagan niya daw ako mamaya." Tugon niya dito.

"Ah. Edi later mo na pala sisimulan ang pagiging peke."

"Sad to say yes.."

"Haha! Okay lang yan, malay mo, mainlove siya sa isang linggong pagiging isang fake girlfriend mo sa kanya."

"Malabong mangyari yun. Alam ko ang mga gusto niya. Syempre yung katulad niya. Mayaman.."

"Ano ka ba best, minsan naiinlove din ang isang prinsipe sa isang dukha.."

"Oo, sa fairy tale ngyayari yon. Sa reality? Never.."

"Tss. May chance parin."

"Haist. Teka nga, bat mo ba ako pinagtutulakan don?"

"Asus, kunwari ka pa, gusto mo rin naman." Pang aasar niya dito.

"Tse!"

At dumating na ang guro nila at nagsimulang magturo. Lumipas ang mga oras hanggang sa sumapit ang uwian. Magkasabay silang dalawa na naglakad papuntang gate. Hanggang sa nagyaya si Rhea na magpaiwan.

"Sige na Risa. Dito na muna ako. Hihintayin ko pa siya dito eh."

"Sure. No problem. Basta, mag ingat ka ha? Baka may masamang gawin sayo yung lalaking yon. Wag kang mag alinlangang tumawag sakin."

"Ikaw talaga best. Okay. Salamat" ^_^

"Bye Best!"

"Babye!"

At tuluyan ng umalis si Risa. Naiwan si Rhea sa isang kanto ng eskwelahan. Hawak hawak ang kanyang phone. Hinahantay ang tawag ni Gerard.

"Tsk. Ano ba yan, palagi na lang akong pinag iintay ng lalaking yo--" Hindi na natapos ang sinasabi ni Rhea ng mag ring ang cellphone niya. Tumawag na ang lalaking kanyang hinihintay. Sinagot niya ito.

"Hello? Nasan ka na?"

(Tingin ka sa left side mo)

Tumingin si Rhea sa direksyon na tinutukoy ng binata. Nakita niya a g kotse nito.

"Ikaw na ba yang nasa kotse?"

(Yup. Lets go.)

At lumapit na siya sa sasakyan. Nang malapit na siya ay bumaba ang isang lalaking naka tuxedo. Natulala si Rhea sa nakita niya. Isang gwapong nilalang ang nakatayo sa harap niya. Although gwapo na ito, mas lalo pa itong gumwapo dahil sa suot nitong isang black tux.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon