Chapter 4 (Perfect Timing)

33 3 0
                                    


>Rhea's POV<

STRESSED-DESSERTS

STRESSED-DESSERTS

S-T-R-E-S-S-E-D

D-E-S-S-E-R-T-S

Oo nga noh! Haha! Ang galing! Kaya pala yung ibang tao, pag broken hearted ay sa mga desserts ibinubuhos ang sama ng loob nila.

Now it makes sense :)

"Oo nga noh? Ang galing naman, pero hindi talaga pwede eh. Baka tumaba ako. Ayokong tumaba, ang sexy ko kaya" Im sexy and I know it :P

"Sexy ka na sa lagay na yan? Haha! Just kidding. Pero dali na, makakatulong ito sa problema mo, promise" Sabay abot niya ulit sakin ng ice cream.

"Haist. Okay okay, pero hindi ko uubusin ha?"

"Sinong may sabing ubusin mo? Tirahan mo ako! Ano ka sinuswerte?" :P

Abat talaga naman... Akala ko napakabait niya. Yun pala may pagka'immature din pala.

"Loko! Anong akala mo sakin? Patay gutom? Kaya kong bumili ng sariling ice cream ko kung gugustuhin ko noh? Ayoko na, na offend ako sa sinabi mo"

"Uy, joke lang naman eh. Sige na, kainin mo na. Gusto ko lang gumaan ang loob mo"

Ha? Concern ba sakin ang lalaking ito? Bat ang bait ng pakikitungo niya sakin? (Kahit minsan nakaka'asar) Matanong nga.

"Teka, matanong ko lang.. Bat ang bait ng pakikitungo mo sakin? Hindi pa naman tayo masyadong magkakilala pero ganyan na agad ang trato mo sakin"

"You remind me of someone.."

"Someone? Sino?"

"Nothing.. Para kasing nakilala na kita noon. Have we met before?"

Habang nagsasalita siya, nakain na ako ng ice cream. Hehe. "Uhm, hindi eh. Hindi pa kita nakikita noon. Ngayon lang"

"Ow. I see, san ka nga pala nakatira?"

"Sa ***** Subdivision"

"Ah. Malapit lang pala. Dyan ka lang pala sa kabilang kanto"

"Ha? Malapit ka lang samin?"

"Yup. Mga 300 steps away from your home. Buti naman at hindi na kita ihahatid. Haha!"

Tss. Yan nanaman siya sa mga asta niya. Napaka Ungentle man!

"Okay lang. Para makapag exercise na rin ako at the same time"

"Joke lang, ihahatid kita no matter what"

"Wag na, baka may lakad ka pa. Maka'istorbo pa ako sayo. Ang laki na ng abalang ginawa ko sayo"

"Its okay. Wag mo ng intindihin yon"

"Hehe. Salamat talaga ha? Nakakahiya na nga sayo eh. Pano ba kita mapapasalamatan?"

Nagkamot siya ng baba at nagiisip. "Just one thing.."

"Anu yun?"

"Be my girlfriend.."

"Sus! Yun lang pa-- Ano?!" O.o?

"I said be my girlfriend.."

Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Gusto niya ako maging girlfriend? Bat ang bilis naman ata niya? Wala man lang ligaw na naganap. Hindi porket gwapo siya eh basta basta na lang akong babae. Im not a B!tch.

"G-girlfriend? Bat mo naman ako gusto maging girlfriend?" Napatigil ako sa pagkain ng ice cream dahil sa sinabi niya.

"Actually, not a real girlfriend. A fake girlfriend. Just for a couple of weeks?"

Anak ng! Tamang tama! Naghahanap din ako ng fake boyfriend eh. Haha! Pagkakataon nga naman oh. At tamang tama siya para maging fake boyfriend ko. Almost perfect! Pero siyempre.. Magpapakipot muna ako ^^,

"Uhm, ano kasi.. Bakit? For what purpose? Just for entertainment?"

"No, to make someone jealous.."

What the.. Nagbibiro ba ang tadhana? O sadyang tinutulungan lang ako sa problema ko? Haha! Parehas lang kami ng dahilan. To make someone jealous. Perfect.. Just PERFECT! :'>

"Ow. Uhm, pwede munang pag isipan? Medyo nakakabigla lang kasi eh"

"Sure. Take your time. Hindi naman ako nagmamadali. By the way, here.." Inabot niya sakin ang isang papel. "Thats my contact number. Kung sakaling nakapag isip ka na, tawagan mo na lang ako"

"Okie Dokie!" :)

Wahaha! Naayon ang lahat sa aking planong paghihiganti! Just a little more time Sven Mariano..

You'll see whose laughing in the end.

Magsasagawa na lang ako ng mga ilang plano para mapaghandaan ang paghihignti ko (Evil Laugh)

Prepare yourself..

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon