Chapter 17 (What?!)

19 1 0
                                    

Rhea's POV

Isang linggo na ang nakalipas ng ligawan ako ni Gerard. Isang linggo na niya rin akong pinapakilig. Kese nemen! Sobrang sweet ng lalaking ito! Buti na nga lang at hindi kami kinukuyog ng langgam! XD

Marami siyang surprise. Mahalig ata siya sa mga ganun. And I like it! Haha! Yung mga ordinary days, ginagawa niyang extra ordinary. Kung saan saan niya ako dinala. Minsan sa park, sa mall, at kung saan pa. Haha! Sa isang linggo na yun, marami ng ngyari. Medyo nakikilala ko na siya. Kung ano ang mga paborito at ayaw niya. At alam niyo ba? Takot siya sa gagamba? Yeah! Isang matipunong lalaki na takot sa gagamba! XD

May Arachnophobia kasi siya. Haha! Nakakatuwang isipin noh? ^_^

Pero hindi ko pa masyadong kilala ang ugali niya. Para kasing may nililihim pa siya sakin. Ewan ko lang. Kutob ko lang siguro?

Oo nga pala, nandito kami ngayon sa Mall. Gala lang muna saglit. Tumitingin ng kung anu-ano. Minsan ay tinatanong niya ako kung may gusto daw ba akong bilihin, siya na daw ang bahala mag bayad. Ayoko nga! Nakakahiya noh? Minsan na niya akong nilibre, at hindi basta basta ang binili niya sakin ha? Naalala niyo yung dress na binili niya sakin? Yun! 5 thousand ang halaga nun! Simula non, hindi ko na siya pinayagan na blihan ako ng kung anu-ano. Lalo na yung mga mamahalin. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya 0:)

"Gutom ka na ba?" Tanong sakin ni Gerard.

"Hm. Medyo? Ikaw ba? Gutom ka na?"

"Oo, gutom na ako eh. Tara sa Jollibee?"

"Okay sige" :)

Nagtungo kami sa Jollibee para kumain. Umupo ako at siya naman ay umoorder ng aming pagkain. Ilang minuto pa'y nandyan na siya at may dala-dalang tray. Nilapag niya iyon sa table at nagsimula na kaming lumapang! Haha! Tomguts na ako eh xD

Habang kumakain kami, napansin kong sinasawsaw niya yung french fries sa ice cream niya. Napatingin ako bigla sa kanya na nakangiti.

"Why? May dumi ba ako sa mukha?" Pagtataka niya sakin.

"Wala. Natutuwa lang ako sa ginagawa mo."

"Haha! Ngayon ka lang ba nakakita ng french fries na sinasawsaw sa ice cream?"

Nag nod na lang ako bilang pagsang ayon.

"Try it. Masarap siya."

"Talaga?"

"Why dont you try?"

Kumuha ako ng isang french fries at sinawsaw sa ice cream ko. Pagtapos ako kinain ko.

Wow! Masarap nga siya. Haha!

"Ano masasabi mo?"

"Masarap nga!"

"Told yah." At ngumiti siya sakin.

Tinapos na namin ang aming kinakain at umalis. Niyaya ko siya sa Toms World para naman malibang kami saglit.

Nakapunta na kami at bumili siya ng tokens. Una kaming naglaro ng Basketball. Wow ha, ang galing niya magshoot ng bola. Minsan lang siya sumala. Pagtapos ay may nakita akong toy crane. May stuff toy na Hello Kitty kaya na enganyo akong maglaro. Nakaka'ilang try na ako pero hindi ko parin makuha yung stuff toy na Hello Kitty. Badtrip! >_<

"Argh! Bat ayaw mo magpakuha? Pa hard to get ka namang pusa ka." Para akong tanga na kinakausap yung Toy Crane.

"Haha! Let me get it to you." At si Gerard naman ang sumubok.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon