Chapter 15 (Meeting With Parents)

19 2 0
                                    


Rhea's POV (1st Person)

Nakita ko si Gerard na nabili ng softdrinks sa tindahan. Akala mong artista kung dumugin ng mga kababaihan. Tss. Edi siya na, siya na ang pogi. Lumapit na ako sa kanya para kausapin siya.

"Hoy lalake." Nakatalikod siya saken kaya nagulat siya ng tawagin ko.

"Oh! Rhea! Nandyan ka na pala. You want?" Iniabot niya sakin yung binili niyang softdrinks.

"Nah. Ayoko. Alis na lang tayo, baka dagsain ka pa ng mga babae dito eh. Nakita mo ba kung pano ka nila tignan? Kulang na lang, kainin ka nila ng buo." Sabi ko habang nakatingin sa mga babaeng hindi parin maalis ang tingin sa boyfriend ko. Wow! Boyfriend agad? XD

"Haha! Hindi ko naman kasalanan kung ipinanganak akong gwapo eh" Sinabi niya habang hawak hawak ang kanyang baba at nagpapapogi.

Argh! Grabe, nang nagpaagaw ang diyos ng kayabangan, marami tong sinalo promise.

"Wooh! Hangin. Ramdam mo ba?" Pang-aasar ko sa mayabang na to.

"Haha! Tara na nga, date na tayo" Tapos hinila na niya ako. Ay, hindi pala hinila, kinakaladkad ako! Ang bilis niya maglakad eh >_<

"Bat nagmamadali ka? May lakad ka ba?" Tanong ko habang kaladkad niya parin ako.

"Oo, diba may date tayo?"

"Tss. Ewan ko sayo." Habang hila-hila niya ako, napansin ko yung mga babae sa paligid ko. Lahat sila nakatingin sakin! Pinagbubulungan pa ako! Haha! Mainggit kayo mga bruha! XD Sa kalagitnaan ng aking pagmamasid, nakita ko yung dalawang impaktang mag bestfriend. Sila Alex at Abigail! Naka'cross arms silang dalawa at ang sama ng tingin sakin. Wahaha! Ano kayo ngayon? Maglaway kayo!

Nakarating na kami sa kotse niya. Sumakay at nagdrive na si Gerard.

"Mag'ddate tayo ng ganito ang suot ko?" Tanong ko habang nakaturo sa suot kong uniform.

"Edi uuwi tayo sa bahay niyo at magpapalit ka ng damit. Problema ba yun?" Tas ngumiti siya sakin ng parang nang aasar. Grr, sarap batukan! Hindi na lang ako nagsalita at tumingin na lang sa salamin. Pinagmamasdan ang nadadaanan namin. Hanggang sa nakarating na kami samin.

"Go ahead. Change your clothes. Five minutes lang ha? Pag wala ka pa dito ng five minutes, aalis na ako." Tas ngumisi siya sakin.

"Bahala ka, ikaw rin. Hindi ko kawalan yon." At tumingin ako sa kanya ng nakakaasar na tingin.

"Just kidding! Hurry up sweetie" Tas ngumit siya sakin ng napakatamis. Haha! Wala palang kaya sakin ito eh XD

Pumunta na ako sa bahay at pumasok sa loob. Umakyat sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Naglagay ng konting make-up and okay na! Bumaba na ako at nakita ako ni Mama at Papa.

"Anak, san ka pupunta?" Tanong ni Mama.

"May gala lang po ang iyong anak. Hehe." Pagkatapos ay ngumiti ako na halos wala na akong mata.

"Nako. Osige, wag kang magpapagabi ha?" Sabi sakin ni Papa.

"Opo!" At lalabas na sana ako ng kausapin ako ng kapatid kong si Ashley.

"Ate, sino yung lalaki sa labas ng bahay natin?" Nagulat ako sa sinabi ng aking kapatid. Napatingin naman ako kay Mama at Papa. At nakatingin din sila sakin. Patay..

"Sinong lalaki ang tinutukoy ng kapatid mo Rhea?" Medyo galit na tanong ni Papa.

"Ahm. Manliligaw ko po Papa.." Nanlaki ang mata ni Papa. Nagulat ata.

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon