Chapter 19 (Revenge?)

19 1 0
                                    

Rhea's POV

Hindi ko malaman kung anong motibo niya. Mahal niya ba talaga ako? 'o gusto niya lang gumanti sakin? Wala naman akong matandaan na atraso sa kanya ah? Hindi parin siya makapaniwala sa sinabi ko, alam ko na kasi ang sikretong niyang pagkatao.

"So, tama nga ako.. ikaw si Michael Montero na Nerd dati. Anong motibo mo? Gusto mo bang maghiganti sa ginawa ko dati sayo?" Nagpipigil ako ng galit ko.

"Not here, come with me." Umalis siya na siya namang sinundan ko. Pumunta kami ng parking lot. Sumandal siya sa kotse niya. Nagsimula na siyang magpaliwanag.

"Tama ka Rhea, ako nga si Michael Montero. Ang dating schoolmate mo na Nerd dati at may gusto sayo." Hindi siya nakatingin sakin. Sa baba lang ang tingin niya.

"Bakit? Bat hindi mo agad sinabi sakin? Bat kailangan mo pang ilihim? Naghihiganti ka ba talaga sakin?"

"Yes.." This time, tinignan na niya ako sa mata at nakangisi pa.

*Slap*

"Ah ganon? Pagpapanggap lang pala ang lahat ng ito? Well, ang galing mong umarte, napaniwala mo ako sa mga acting mo. Panalo ka na.." Hindi ko na napigilang lumuha.

"Im not yet done on my explanations.. listen to me." Hinarap niya ako sa kanya para magkatitigan kaming dalawa.

"Ano pa bang i'eexplain mo?" Patuloy parin umaagos ang mga luha sa mata ko.

"Yes, I tried to avenge on you.. pero mas nangibabaw parin ang pagmamahal ko sayo. Akala ko magiging masaya ako pag nakaganti na ako sayo, pero mali pala ako. Mas magiging masaya ako kapag minahal kita. Yung araw na hinalikan kita, dun ko nalaman na gusto parin kita." Sa tono ng boses niya, mukhang seryoso talaga siya.

"Bat hindi mo agad sinabi sakin?"

"Nakuha lang ako ng buwelo. Baka kasi pag sinabi ko sayo, magulat ka.. kagaya ngayon.."

"All this time, ikaw pala talaga ang kasama ko. Si Michael Montero na Nerd.." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ano bang ikinagalit mo sakin? Yung nalaman mo na Bestfriend mo yung Boyfriend ko?"

"Hindi, yon.. yung pagpapahiya niyo dati sakin sa harap ng madaming tao.. alam kong nagpipigil ka lang ng tawa non."

Inangat ko ang ulo ko para makita ko siya. "Anong nagpipigil? Hindi ako nagpipigil ng tawa non. Natutuwa ako dahil na'aappreciate ko yung ginawa mo sakin na manligaw. Kahit na alam kong sobra kang nahihiya nung time na yon.."

Nanlaki yung mata niya. Nagulat siguro sa sinabi ko. "Totoo? Hindi ka natatawa sakin non? God damn it.. nagpadala ako sa galit ko, hindi ko man lang naisip ang nararamdaman mo. Sorry Rhea.. akala ko lang talaga. Pero kahit ano pang dahilan, mahal parin kita.." Naginit bigla yung mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Mahal din naman kita eh.." Umiwas nanaman ako ng tingin, baka kasi makita niya ang mukha ko na namumula.

"Kahit na pangit at nerd ako?" Binatukan ko siya pero mahina lang. "Ouch! Whats that for?"

"Hindi naman ako tumitingin sa itsura eh. Batayan ko ang ugali, aanuhin ko ang gwapo kung asal demonyo?"

"Anong nangyari sa inyo ni Sven?" Tanong niya sakin.

"Si Sven.. ang demonyo mong Bestfriend. Akala ko matino siyang tao.. pero hindi pala, isa siyang malaking gago.."

"Ganun ba? Akala ko pa naman ikaw ang nambasted sa kanya. Siya pala.."

"Really? Hindi mo alam ang ugali ni Sven?" Bat parang wala siyang alam sa ugali ng mokong na yun?

"Ang pagkaka'alam ko, mabait siya. Since elementary magkaibigan na kami. Pero nung tumuntong na kami ng highschool, parang nagbago siya.. simula ng magka'girlfried siya at hiniwalayan siya nito, dun siya nagbago."

Ah ganon? Naging miserable ang buhay niya dahil sa paghihiwalay nila ng girlfriend niya? Kaya siya nagkaganon. What a reason..

"Ah. Kaya pala.." Yun lang ang naisagot ko.

"Rhea.." Seryoso ang boses niya.

"Bakit?" Napalunok ako dahil sa kaba. Para kasing may kung ano siyang sasabhin.

"Ngayong alam mo na ang lihim ko. At tanggap mo na rin kung sino ba talaga ako. Siguro naman, wala ng dahilan pa para magduda ka pa sa pagmamahal ko sayo?" Napaka'sexy ng boses niya.

"A-ah, eh.. oo naman, w-wala na akong pag dududa s-sa pag m-mamahal mo.." Para akong tanga dahil nauutal sa harap niya. Nakakahiya >_<

"Haha! You're blushing.." Ay shemay.. nagbblush ba ako? Yikes! Sobrang nakakahiya na talaga.

"Hindi kaya!" Tumalikod ako sa kanya para hindi niya makita ang mukha ko.

"I love you Rhea.." Shet.. yung boses niya, napaka sexy! Kinikilig ako dito! Hindi ako umimik. Nakatalikod parin ako sa kanya, hindi ko pa kasi alam ang isasagot ko. "Wala man lang bang I love you too?"

"I love you too" Ayan, kusa nang bumuka yung bibig ko. Kasi naman 'tong lalaking 'to!

Niyakap niya ako mula sa likod na siya namang ikinagulat ko. "Hoy! A-ano bang ginagawa mo?" Pero deep inside, kinikilig ako! XD

"Let me hug you, just this time.." Bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko yung hininga niya. Nagsitaasan yung mga balahibo ko.

"Tama na, baka himatayin ako sa kilig niyan." Sabi ko sa kanya kaya naman bumitaw na siya sa pagkakayakap. Hinarap ko siya. "Michael.." Tawag ko sa kanya.

"Im not Michael anymore.."

"Okay, okay.. Gerard.."

"Yes Rhea?"

"Yung mga pinangako mo sakin, please tuparin mo.." Hindi ako umiwas sa mga mata niya.

"Oo, tutuparin ko yon para sayo."

Niyakap ko siya. "Salamat Gerard.."

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon