Chapter 5 (Another Love Story)

42 3 0
                                    


(A/N): Narrative style muna ang kwento natin para maganda. 3rd Person kumbaga ^^

Risa's Point Of View

Nagising si Risa kinaumagahan na masakit ang ulo. Dahil nga nag inuman sila ni Rhea kagabi. Bumangon ito na hawak hawak ang sintido ng kayang ulo.

"Grabe, ang sakit ng ulo ko. Bwiset talaga na babae yon. Kundi ko lang talaga siya Bestfriend, hindi ko siya pagbibigyan sa kahilingan nya" Tinignan niya ang buong bahay. "Anak ng tinapa! Ang kalat! Parang dinaanan ni Yolanda itong table namin. Argh. Ayoko sa lahat, maglinis" =__= Wala siyang nagawa kundi kumuha ng walis tambo at sinimulan ng linisin ang napaka kalat na bahay nila. Natapos na niyang linisin ang table at ang sahig nito. "Malinis na nga rin ang kwarto ko. Tutal nasimulan ko na to. Sasagarin ko na" Umakyat siya sa kwarto niya at pumasok. "Medyo madumi na rin pala. Tamang tama" At nagsimula na siyang maglinis. Habang nagwawalis siya sa ibaba ng kama niya, may napansin siyang isang bagay na kumikinang. Kinuha niya ito at nabigla. "Akala ko nawala ko na tong bagay na to. Buti na lang at nahanap ko pa.." Inilagay niya sa kanyang dibdib ang isang sipol at tumungo. Wari mo'y may naalala.

*Flashback*

Gabi na ng umuwi si Risa mula sa kanyang paaralan. Dahil madami siyang inasikaso. Hindi na niya namalayan ang oras.

"Potek! Yari ako kela Mama at Papa. Siguradong sermon ang aabutin ko pagdating ko sa bahay. Sana naman wala pa sila don.." Naglalakad siya pero patakbo. Nagmamadali na siyang umuwi para hindi siya madatnan ng magulang niya na wala pa sa bahay. Nagbabakasakali na wala pa talaga ang mga ito doon. "No choice pero dadaan na ako sa eskinitang ito. Para shortcut. Sana wala akong makasalubong na masamang tao dito.." Lumiko siya sa isang eskinitang madilim. Para mapadali ang paguwi niya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, meron siyang nakasalubong na isang lalaking pagewang gewang ang lakad. Iniwasan niya ito pero hinarangan siya nito.

"Hi miss, pwede bang pakiss, kahit isa lang. Hihi" Amoy na amoy niya ang alak na nang gagaling sa bibig nito. Nagsimula na siyang kabahan pero nilakasan niya ang loob at itinulak ang lasing na lalaki sa kanyang harapan. "Hoy baluga. Umalis ka sa harapan ko, baka gusto mong tadyakan ko yang 'Happiness' mo para wala ng silbi yan?" Tinangka niyang takutin ang lalaki pero hinawakan siya nito sa kanyang braso. "Talaga? Sasaktan mo ang Junior ko? Pwes hindi ako papayag. Halika dito para makita mo ang hinahanap mo! Hehehe" Hinila siya nito papunta sa isang madilim na sulok. Nagpupumiglas siya sa hawak ng lalaki. "Ano ba! Bitawan mo ko! Tulong! May manyak na baluga na gusto akong molestyahin! Argh, ano ba! Bitawan mo ako sabi" Hinahampas na niya ang lalaki pero hindi ito natitinag at patuloy parin sa pagkaladkad nito sa kanya. "Babes, saglit lang tayo. Panigurado pagkatapos natin, masisiyahan ka. Huehue!" Nakarating sila sa isang madilim na sulok na may isang puno at itinulak siya pababa kaya naman napahiga siya. "Shh. Wag kang maingay, 20 mins lang tayo Babes" Nag simula ng tanggalin ng lalaki ang sinturon at hubarin ang kanyang damit. "Kyaaah! SOMEBODY! PLEASE, HELfskfhe--" Naputol ang pasigaw niya ng biglang takpan ng lalaki ang kanyang bibig. "Sabi ng wag kang maingay. Pag sumigaw ka pa ulit, masasaktan ka na" Wala siyang nagawa kundi umiyak nalang habang unti unting tinatanggal ng lalaki ang butones ng kanyang uniporme. Pero nagulat siya ng biglang nawala ang lalaki sa pagkakapatong nito sa kanya. Pagkamulat niya ay may isang lalaking nakatayo at nakatingin sa lalaking natumba mula sa pagkakasuntok nito. Nagsalita ang lalaki. "Pare. Lasing ka lang. Umuwi ka na sa inyo at magpahinga" Bumangon ang lalaki sa pagkaka'bagsak niya. "Sino ka ba ha? Wag kang makialam sa ginagawa ko. Gusto mo bang masaktan?" Nag smirk lang siya at itinayo ang babaeng nasa lapag. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Natulala si Risa sa mga pangyayari at nakatingin lang siya sa lalaking kumakausap sa kanya. "Teka lang ha? Gugulpihin ko lang itong lalaking nambastos sa iyo" Umalis ang lalaki sa harapan niya at pinuntahahan ang lalaking lasing. Nakita niyang nagbubugbugan ang dalawa. Nakatulala parin ito. Pero lamang ang binata na nagligtas sa kanya. Natapos na ang gulpihan, panalo ang lalaking nagtanggol sa kanya. At tumakbo naman papalayo ang lasing na lalaki. "Wag ka ng babalik! Kung gusto mo pang mabuhay! Bakla!" Pagkatapos sumigaw ng lalaki ay nabaling ang tingin nito sa kanya. Speechless parin siya hanggang ngayon at nakatingin lang siya sa mga mata nito. "Miss, okay na. Ligtas ka na sa gagong lalaki na yon" Nabigla siya ng yakapin siya nito. At hindi na niya napigilang kumawala ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Shh. Tahan na, ayos na ang lahat. Wag ka ng umiyak" Yakap yakap parin siya ng lalaki habang hinahagod ang likod nito para mapatahan. Iyak lang siya ng iyak. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumitaw na ang lalaki mula sa pagkakayakap nito. Humarap ito sa kanya at kinuha ang panyo mula sa bulsa at pinahiran ang basa niyang mukha dahil sa luha. Nakapagsalita narin siya sa wakas. "S-salamat.. utang ko sayo ang buhay ko.." Ngumiti lang ito sa kanya at pinat ang ulo. "Wala yun. Hehe. Ikaw si Risa diba?" Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Nagtataka siya kung bakit siya kilala nito ganong ngayon lang niya ito nakita. "Siguro nagulat ka dahil kilala kita pero ako hindi mo kilala. Look.." Itinuro ng lalaki ang kanyang suot na uniform. "Schoolmates tayo. Hindi mo ako napapansin dahil hindi naman ako gaanong nalabas ng room. Pero kilala ka sa school dahil sa pagiging isang siga na babae" Napayuko siya sa sinabi ng lalaki sa kanya. "Ganun ba, nakakahiya naman, isa akong siga na babae pero hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko mula sa gagong yun.." Nagulat nanaman siya ng pisilin ng lalaki ang pisngi niya. "Ano ka ba. Isa ka paring babae. Kahit sabihin mong matapang ka, matatalo't matatalo ka parin naming mga lalaki" Hindi niya alam pero biglang nag init ang mukha niya. Namumula ata. Buti na lang at gabi ngayon dahil kung nagkataon, makikita siya ng lalaking ito na nangangamatis ang mukha. "Tara, ihahatid na kita sa inyo" Iniabot ng lalaki ang kamay nito sa kanya. Nagdadalawang isip kung tatanggapin niya ba ang inaalok nito. Pero d nagtagal ay kinuha na niya rin ang kamay ng lalaki at naglakad.. ng magkaholding hands. Walang umiimik habang naglalakad sila. Ang awkward ng atmosphere sa paligid. Pasimple niya namang sinusulyapan ang lalaking nasa tabi niya. Pansin nito ang makinis at maamong mukha ng lalaki. Kahit ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa kanila ay nakita niya parin ng maigi ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit sila ganun. Kung bakit sila magkahawak ng kamay ganong ngayon lang sila nagkalilala. Pero naisip niya na hindi pa pala niya naitatanong kung anong pangalan nito. Kaya naglakas loob siya na magsalita. "Ano nga palang pangalan mo?" Tinanong niya ng nakatungo ang ulo. Nahihiya parin siya dito. Lalo na't magkahawak sila ng kamay. "Alexis De Ocampo. But you can call me Alex" This time, timingin na siya ng diretso dito. Pero binawi niya ulit yon ng makita niya ang napakatamis na ngiti ng lalaki. Nakaramdam ulit siya ng pamumula ng mukha. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Dahil nga isa siyang tomboy ay naguhuluhan siya sa nangyayari sa kanya ngayon. Hindi siya na'aattract sa mga lalaki, pero ngayon.. mukhang nagbabago na ang lahat. Nakakaramdam na siya ng mabilis na pagtibok ng puso, pamumula ng mga pisngi, pagkakaroon mg mga paru-paro sa kanyang bituka. Ito ang mga senyales na sinabi ni Rhea dati sa kanya. Ang senyales ng pag usbong ng isang Pag-ibig.

"Alex, nice name.." Yun lang ang nasabi niya. "Ang pangit nga eh, common na ang name na yun. Gusto ko nga magpalit ng pangalan eh" Napangiti siya sa sinabi ni Alex. Nagsimula na silang maging komportable sa isa't isa. Nag uusap na sila at wala ng hiya na namamagitan sa kanila. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay niya. "Uhm, Alex.. Dito na ang bahay namin. Salamat sa pagliligtas at paghatid sakin ha? Maraming salamat talaga" Ngumiti lang ng matamis si Alex sa kanya. "Its my pleasure to help you" Ngumiti rin siya dito. "Sige, papasok na ako samin. Bye Alex" Papasok na sana siya ng gate nila ng bigla siyang hawakan ni Alex sa kamay "Wait a second.." May kinuha si Alex mula sa bulsa niya at ibinigay ito sa kanya. Isang pito. "Para sayo.." Napakunot ng noo si Risa at ngumiti. "Pito? Para saan ito?" Tinitignan niya ang ibinigay na pito ni Alex. "Para pag may magtangka ulit sayo, sumipol ka lang diyan sa pito at asahan mong darating ako" Napaangat ang ulo niya at tinignan ng seryoso si Alex. "Talaga? Pano kung nasa malayo ka at hindi mo narinig?" Napa'smile nanaman si Alex ng napaka sweet ng siyang ikinamula nanaman ng mukha niya. "Pipilitin ko parin dumating para sagipin ka.." Napatulala lang si Risa sa sinabi ni Alex. Nag babye na sakanya ito at umalis na nakapamulsa ang mga kamay. Ang astig niya tignan sa paningin ni Risa ng mga mga sandaling iyon. Pakiramdam niya na mas maangas pa ito tignan kaysa sa kanya. Kahit mukha siyang inosente sa itsura nya. Pumasok na si Risa sa loob ng bahay nila. Nakita siya ng mga magulang niya at doon pinagalitan siya. Pero wala sa wisyo si Risa ng mga oras na yon. Naalala niya parin ang mga pangyayari kanina. Ang pagtatanggol ni Alex sa kanya. Ang paghatid sa kanya nito na magka'holding hands. Natapos na ang sermon sa kanya ng mga magulang niya at umakyat na siya ng kwarto para makapag pahinga. Pero hindi siya makatulog kakaisip. Nakahiga siya habang tinititigan ang Pito na binigay sa kanya ni Alex. Para siyang baliw na tumatawa mag isa. "Eto na ba ang tinatawag nilang LOVE? Nakakabaliw!" Sinabi niya sa kanyang sarili at pinatong ang unan sa may mukha niya at nagsimulang kiligin.

*End of Flashback*

"Hindi kita makakalimutan Alexis. Ikaw ang unang lalaking nagpalambot sa aking matigas na puso" Pagkatapos niyang sabihin sa sarili niya yon ay inilagay ni Risa ang pito sa kanyang bibig at hinipan ito..

*Priit!*

"Please come back.. My Saviour.."

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon