Chapter 9 (A Kiss)

24 3 0
                                    

Ang tahimik nilang nakaupo sa swing. Walang nagsasalita. Pero rinig parin ang ingay sa Garden. Si Rhea ay nakatingin lang sa taas at pinagmamasdan ang mga bituin. Habang si Gerard naman ay pasimpleng tumitingin kay Rhea. Nabasag ang katahimikan nila ng magsalita ang dalaga.

"Ang ganda pagmasdan ng mga bituin noh?"

"Mas maganda ka.." Mahinang sinabi ng binata.

"Ano? Lakasan mo nga ang boses mo."

"Sabi ko, mas maganda kung may babagsak kahit isa sa kanila."

"Ah. Tapos ano? Hihiling ka?"

"Hindi. Di naman nagkakatotoo mga hinihiling ko eh."

"Pano mo naman nasabi?" Kunot noong sinabi ni Rhea.

"I tried so many times, nung bata pa lang ako. Ilang beses na ako nakakakita ng mga shooting stars. Kulang na lang, bagsakan nila ako. Siyempre, nahiling ako. Pero napagtanto ko na hindi pala yun totoo. So I decided to stop believing." Seryosong sinabi ni Gerard.

"Hm. Tama ka. Siguro panahon na rin para tumigil ako sa paniniwalang may ganung bagay. Nakakapagod din maghintay sa wala."

"Tama.. nakakapagod.." Tugon ng binata.

Nakatingin silang dalawa sa mga bituin. Hanggang sa may isang shooting star silang nakita.

"Uy! Shooting star! Dali! Mag wish tayo!" Excited na sinabi ni Rhea.

"Akala ko ba titigi--" Di na siya pinatapos ng pagsasalita.

"Last na to. Dali na! Close your eyes!" Walang nagawa si Gerard kundi sundin ang pinapagawa ni Rhea. Nakapikit silang dalawa at nag wish. Ilang sandali pa'y iminulat na nila ang mga mata nila.

"Anong hiniling mo?" Tanong ni Rhea.

"Secret.." Tipid na tugon ng binata.

"Psh.." Pagkatapos nun ay naging awkward nanaman ang paligid. Ang tahimik nanaman nila. Mga 10 mins sila tahimik. Natigil lang ng magsalita si Gerard.

"Pano ka magmahal Rhea?" Seryosong sinabi niya pero hindi siya nakatingin sa dalaga.

Napakunot naman ang noo ni Rhea. "Pano ako mag mahal? Grabe, sobra sobra. Lahat gagawin ko para sa taong minamahal ko. Kaya nga in the end, sobra sobra ding sakit ang natatamo ko pag iniwan nila ako."

"Tss. Dont love too much. Becoz loving too much, can hurt you so much.." Seryoso nanaman nyang sinabi.

"Wow! May pinagdadaanan bro? Haha!" Kantyaw niya dito.

"Tss." Yun lang ang sinabi ni Gerard.

"Pero tama ka. Siguro pag nagmahal ulit ako, magtitira na ako para sa sarili ko. Hindi ko na ibibigay ang lahat." Pagkatapos niyang sabihin yon ay tumayo na siya at nagsalita ulit. "Lets go back to the party?" Nakangiti niyang sinabi.

"Okay. Lets go." Tugon ni Gerard. Pero hahakbang palang sila ay nakita agad ni Gerard na papalapit sa kanila si Janine. Hinila niya si Rhea palapit sa kanya at niyakap. Magkalapit ang mukha nila. Nagulat si Rhea sa ginawa sa kanya ng binata. Mas lalo siyang nagulat ng hinalikan siya nito sa labi. Hindi makapalag si Rhea. Unti unti siyang pumikit at bumawi na lang ng halik sa binata. Hinawakan ni Rhea ang batok ni Gerard para mas ramdam niya ang bawat halik nito. Laking gulat ni Janine ng makarating siya sa dalawa at nakita ang kanilang ginagawa. Nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa bibig sa sobrang gulat. Habang naghahalikan silang dalawa ay dumilat si Gerard at tinignan ang mukha ni Janine. Tuwang tuwa ito dahil mukhang ikinagulat ng dalaga ang mga nasasaksihan. Mas lalong hinigpitan ni Gerard ang yakap niya kay Rhea. Hindi na nakatiis si Janine sa nakikita kaya tumakbo ito paalis sa dalawa. Maya'maya pa ay bumitaw na si Gerard sa paghalik at pagkakayakap sa dalaga. Nakangiti siya habang pinagmamasdan si Janine na tumatakbo. Habang si Rhea naman ay nakatitig at nakatulala lang sa kanya. Hinawakan ni Rhea ang kanyang labi. Hindi makapaniwala sa mga nangyari.

"Haha! Thats what I call Jealousy." Sambit ng binata.

"T-that was m-my f-first k-kiss.." Uutal utal na sinabi ni Rhea.

"What? That was your first? Oh my god.. Im so sorry for stealing it to you.." Pagpapaumanhin ng binata.

"I-its okay. Nangyari na eh. Hindi na natin maibabalik pa yon." Tugon ni Rhea.

"Im really sorry Rhea. I didnt mean to--" Hindi na siya pinatapos ni Rhea ng inilapat ng dalaga ang hintuturo nito sa labi niya. Senyales na tumahimik na siya.

"I said its okay.." Seryosong sinabi ni Rhea. Nauna na siyang umalis at iniwan si Gerard na nakatayo lang doon. Habang naglalakad siya ay may ngiti sa kanyang mga labi. Hinawakan niya ulit ang labi niya at nagsalita.

"That was a great kiss.."

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon