Chapter 21 (Jealousy)

21 0 0
                                    

Rhea's POV

Okay na kaming dalawa ni Gerard. Ayos na ang lahat samin. Wala ng problema sa pag-iibigan naming dalawa.

Wala na nga ba?

Hindi ko alam, baka may dumating pang mas matinding problema saming dalawa. Pero tulad nga ng sinabi ni Gerard;

Ang problema, madaling malutas kung may tulungan.

Pano kung hindi ko siya matulungan? 'o siya hindi niya ako matulungan? Ano ng mangyayari samin? Argh! Bat ko nga ba iniisip ang mga bagay na 'to? Na'iistressed lang ako eh.

Kasama ko nga pala ang bruha ngayon. Si Bestfriend Risa. At ang loka, masayang masaya. Sila na kasing dalawa ni Alexis. Akalain niyo yun? May nagkagusto pa sa sadistang babaeng 'to? Partida, tomboy pa yan ha? Haha!

"Oy best, double date tayo sa sabado?" Yaya sakin ni Risa.

Aba't siya pa ang nagyayaya ngayon ha? Palibhasa, ang gwapo ng boyfriend niya kaya gustong gusto niyang kasama ito. Malandi.. Haha!

"Kow! Gusto mo lang makasama si Alexis eh. Ikaw ha? Natututo ka ng lumandi ngayon." Pang-aasar ko sa kanya.

Binatukan ako ng bruha T.T

"Hoy, FYI lang ha? Si Alexis ang nagyayaya sakin. At talagang sakin mo pa sinabi ang salitang malandi?  Kung malandi ako, dapat mukha na akong clown katulad ng dalawang yun" Sabay turo sa mag bestfriend na sila Alex at Abigail na ngayon ay nagmumukha ng payaso sa kapal ng make-up nila. Still remember them? Our mortal enemies?

"Haha! Try mo kayang mag make-up best? Siguro mas lalo kang gaganda." Sabi ko sa kanya. Pero mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil nagsalubong ang dalawang kilay niya. Nakakatakot >_<

"Kung magiging ganun din lang ang itsura ko, wag na. At bakit ko pa kakailanganin mag make-up? Eh natural na ang ganda ko?" Aba! Tumaas ata ang kumpyansa sa sarili nitong tomboy na 'to?

"Woosh! Ang hangin! Ramdam mo ba Best?" Pangaasar ko sa kanya.

"Tomboy man ako sa iyong paningin. Magandang babae parin!" Sabi niya sabay kindat sakin.

"Psh. Pero mas maganda parin ako sayo." Sabay belat sa kanya.

At ang bruha, inarapan lang ako. Haha!

Sumapit na ang uwian. Katulad ng dati, sabay kaming lumabas sa gate. At nung nasa gate na kami, may mga taong nagkukumpulan. Ano naman kaya ang meron? May away nanaman ba? Nagtungo kami dun para maki'usiyoso. Hehe.

Kinalabit ko ang isang babae na parang may tinatanaw.

"Uhm, miss. Anong meron?" Tanong ko.

"Ah. May dalawa kasing gwapong nilalang ang nag aabang sa gate. Parang may hinihintay. Yung isa sa kanila, nakita na namin. Nag punta na siya dito dati. Inabangan ata yung GF niya. Tapos yung isa naman, ewan ko pero parang nag aral na siya dito sa school natin." Paliwanag niya sakin.

Teka, yung lalaking pumunta na daw dito samin para abangan ang Gf niya? Parang ngyari na sakin yun ah? Si Gerard, nung sinundo ako dito sa school. Wag mong sabihing..

Nagsumiksik kami ni Risa sa mga babaeng ito para malaman kung sinong lalaki ang pinagkakaguluhan nila. Pero ang sabi dalawa daw? Sino naman yung isa? Nakarating na kaming dalawa ni Risa at bumungad samin ang dalawang lalaki na nag kkwentuhan..

"Gerard?" Sambit ko.

"Alexis?" Sambit ni Risa.

Sven's POV

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon