Chapter 10 (Love Bug)

17 3 0
                                    


Humalubilo si Rhea sa mga taong nagpaparty. Kumuha siya ng red wine at pumunta sa isang sulok. Umiinom siya habang iniisip parin ang ngyari kanina. Naiinis siya na natutuwa. Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman. Pag naalala niya yon ay lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Unang halik niya yun at nakaw na halik pa. Kahit na 1 year silang magkasintahan ni Sven ay hindi ito pumapayag basta basta halikan siya nito. Tanging halik sa pisngi lang at sa noo ang nagagawa sa kanya ni Sven. Pero ngayon, nahalikan siya ng taong ngayon pa lang niya nakilala. Gusto niyang sapakin si Gerard nung oras na yun pero may pumipigil sa kanya na gawin iyon. Mukhang nagsisimula na siyang magkagusto dito. Pero natatakot siya. Takot siya na baka hindi siya magustuhan nito. Sino ba naman siya para magustuhan ng isang lalaking mayaman at gwapo. Takot siya na mareject. Takot na din siyang masaktan.

Ilang sandali pa ay may lalaking tumabi sa kanya. Si Gerard. Hindi niya napansin ang pagdating ng binata.

"Are you okay Rhea?" Tanong ni Gerard.

"Yeah. Im fine. Wag mo kong alalahanin."

"Okay.. Uhm. Gusto mo na bang umuwi?"

Tumingin si Rhea sa relo niya. "10pm na pala, sige, mauuna na ako. Dito ka na muna. Mag enjoy ka sa party."

"Enjoy? Haha! Are you serious? Hindi kasiyahan ang pinunta natin dito, nakalimutan mo na ba?" Nakangiti niyang sinabi.

"Ay. Oo nga pala. Uuwi ka na rin ba?"

"Kung uuwi ka na, uuwi na rin ako. Ano pang saysay kung wala na ang girlfriend ko?" Sabay ngiti sa kanya.

Napayuko si Rhea dahil sa sinabi ng binata. "Osige. Tara na, uwi na tayo." Nakatungo niyang tugon.

"Okay." Pagkatapos non ay pumunta sila kay Janine na ngayon ay nakaupo sa isang lamesa kasama ang mga malalapit niyang kaibigan. Nakarating na sila at nagpaalam.

"Hey Janine, were going home now. Gabi na eh. May curfew kasi ang girlfriend ko." At tumingin siya kay Rhea. Si Rhea naman ay nakatingin din sa kanya. Kaso masamang tingin. "So pano? Mauna na kami ha? By the way. Happy birthday Janine."

"Sure. No problem. I hope that we will meet again. Bye Gerard! Bye Rhea! Ingat kayo." Sabi ni Janine.

"Bye Janine. Happy Birthday ulit." Tugon ni Rhea.

At umalis na sila at nagtungo sa kanilang kotse.

Sa kabilang banda naman. Hindi natutuwa si Janine sa nangyayari.

"Grabe girls. Hindi talaga ako makapaniwala. Pinagpalit ako ni Gerard sa isang babaeng low quality ang beauty. My god.. whats happening on mother earth!" Mataray na sinabi ni Janine sa mga kaibigan.

"Dinamay mo pa si mother earth. Hay nako. Bat ka ba kasi iniwan niyan ni Gerard. Ano bang nakitang problema niya sayo? Ang ganda mo naman, tapos mayaman pa. Magkatulad kayong dalawa." Sabi ni Rochelle.

"Haha! Call it Karma! Kasi naman, ang dami daming nangliligaw dyan kay Janine, ni isa walang sinagot! Ngayon, nakahanap na siya ng katapat niya!" Pang aasar ni Dennise kay Janine.

"Tss. Karma your face. Ah basta, hindi ko siya titigilan hanggat hindi siya napapasakin, you know me girls. I'll do anything para makuha ang isang bagay na gusto ko.." Sabi ni Janine.

"Gaga, may girlfriend na siya. At mukhang mahal na mahal niya ito. Nakita mo naman diba? Nasaksihan mo kung pano sila maghalikan! Haha!" Patuloy na pangaasar ni Dennise kay Janine.

"Hah! Thats not a big problem. Kayang kaya kong agawin si Gerard sa kanya."

"Pano mo naman gagawin yon?" Tanong ni Rochelle.

"Watch and learn.." Pagkatapos sabihin ni Janine yon ay kumurba ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.

Bumalik tayo kela Rhea at Gerard.

Nag ddrive na si Gerard papunta sa bahay ni Janine. Tahimik lang silang dalawa. Walang nagkikibuan. Hanggang sa magsalita na si Rhea.

"Curfew pala ha, ano ako? Bata?" Medyo asar na sinabi ni Rhea.

"Haha! Ikaw talaga, hindi ka na mabiro. By the way, tagumpay ang plano natin. Sana magtuloy tuloy." Nakangiting sinabi ni Gerard.

"Tanong lang, bakit mo siya pinagseselos?"

"Kasi naman, ang kulit kulit niya. Hinihiwalayan ko na siya kaso nakakapit parin siya sakin. Parang tuko!"

"Ah. Kaya pala.." Yun lang ang tugon ni Rhea.

"That kiss.. It was awsome.." Sinabi niya kay Rhea pero hindi siya nakatingin dito.

Agad naman napalingon si Rhea kay Gerard. "Are you happy now? Nakuha mo ang unang halik ko?" Galit na sinabi niya kay Gerard.

"Hey hey. Akala ko ba okay lang sayo? At tsaka, nag sorry naman ako ah?"

"Akala mo ba madadaan mo sa simpleng sorry ang ninakaw mo? Ibalik mo sakin yon!"

"Maibabalik ko lang sayo yon kung papayag ka.." Seryosong sinabi ni Gerard.

Napakunot noo naman si Rhea. "Papayag saan?"

"Na ligawan kita.."

Three Cheers For Sweet Revenge [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon